1

106 30 2
                                    

Freiya's POV

Inuuntog ko ang sarili ko sa pader ng cafe kung saan ako nagwowork bilang part timer, kasi naalala ko naman  ang ginawang katangahan kagabi. Pero syempre very light lang ng pag-untog, ayaw ko namang magka-amnesia pa.



Jusko, nagawa ko lang naman iyon, dahil sa letse kong boyfriend na si Mark na nakipaghiwalay sa akin kasi nakahanap pala ito ng malanding pokpok at may experience raw sa kama. So after all ng 4 months relationship nila, ganern na lang? Manloloko talaga ang puta!




Hindi naman siya nainform  na iyon na pala ang trend sa relationship, need na may experience sa sex.




"Haysst, ang bobo mo Freiya, pumatol ka sa lalaking budol,"bulong ko sa sarili.





"Uy, Freiya tulaley! Ikaw muna ang magsubstitute sa aking cashier, may pupuntahan kasi ako," sigaw sa kanya ng kasamahan niya.





Napatingin na lamang ako sa kanya at tumango. May choice pa ba siya? Wala naman diba! Pumuwesto na ako sa counter. Nawala ang pagkatulala ko kasi may lumapit  na palang customer. Gwapo rin naman kaya lang mukhang pwee...., paminta!! Sayang!




Kaya ngumiti na lang ako kahit pilit. Ngiii!!




"Good Morning Sir, what's your order?" masiglang tanong ko, pero snob si kuya. Nakatingin oang sa cellphone, tungaw yata kasi wala naman ang menu dun ng cafe nila nasa harap. Shakts! Daming pabobo na talaga ngayon, ewww!!




"Miss, one Vanilla bean latte, with two shots and one Chocolate truffle. Dine in," sabi ng customer, na nakatingin pa rin sa phone.





"Okay Sir, 385 pesos and right coming to serve your order," wika ko para mareceive na iyong payment. Hirap na baka budol si kuya at matakbuhan pa siya.





Nanatili akong cashier ng halos apat na oras, at nang matapos na ang shift ay agad na nagbihis na ako ng pampasok. Buti na lang at quarter to 2:00 pa lamang kaya may isang oras na free time pa ako bago ang class. Gala gala muna like asong ulol, chos! Ganda ko namang breed ng aso, kapag nagkataon, hehe.





Hays, buti na lang din at konting kembot na lang. Oo, isa akong 4th year psychology student sa PLM. Buti na nga lang at may kakaunting talinong napagkaloob sa kanya ang panginoon at nagawa niyang makapasa roon. Maraming nagtaka, maski nga siya ih. Pero well, beauty and brain hekhok.





Nagagawa kong maitawid ang pag-aaral sa pamamagitan ng pinapadala ng nanay ko na hindi malaman kung nasaang lupalop nagpunta at syempre mula sa mga part time jobs ko.




"Uy Elmer at Bibeth, gogorabels na ako at papasok pa me. Ingat kayo sa pag-uwi mamaya ha?"paalam ko sa mga kasama ko, baka mabigla kasi kapag hindi man kang ako nagfarewell.




"Kumain ka na Freiya? Baka gutom ka, gusto mo samahan kita?" tanong ni Elmer sa akin.




"Hindi na, kumain pa naman ako kahapon jowk. Siguro sa daan na lang ako kakain tutal masayang magexplore haha, kaya 'wag ka ng mag-abala pa," sagot ko.




"Eysuss galawan mo Elmer!" at hinampas ni Bibeth ito sa likod.




"Gesi Freiya, umalis ka na at ingat ka rin sa daan, you know baka madapa at mabunggo ka na naman hahaha," ani ni Bibeth sa akin. Malaki na yata problema nito sa ulo.





"Wews!!Hatdog mo sunog!! Oo na, absent-minded lang talaga ako madalas pero wag kang mag-alala kapag nadeds ako, mumultuhin kita haha. Babush!" pahabol ko bago umalis na.




Agad naman akong nakakita ng nagtitinda ng kwek kwek malapit sa may cafe naakit ako nito na bumili. Hina niya talaga talaga kapag kwek-kwek ang naamoy!





"Manong, kinse ngang kwek kwek," masayang order ko.





"Aba ineng, hindi ka kaya kabagin kapag kinain mo lahat ng ito," ani ng tindero.




"Luh, manong wag kayong concern hindi ko kayo type kaya wag kayong pafall hehe," pilosopo kong sagot.




Naknang! Hindi ko alam kung bakit ganito na mindset ng mga tao dami na talagang nagmamarunong ngayon. Wala naman dapat ikaconcern kasi papaasahin lang nila ang tao, putek. Tsk! Tsk!




"Heto na iha" abot ng tindero.




Inabot at syempre nilagyan ko ng napakaraming sauce at naglakad na muli papunta sa university.




Habang naglalakad ay napapapikit ako sa bawat pagkagat sa kwek kwek.




"Whoo, heaven!"




At nagulat ako ng biglang may bumisinang kotse sa harap ko kaya nabitawan ko ang hawak kong kwek kwek. Minalas na naman, ginoo!!




At may lumabas namang lalaki mula sa kotse pero hindi ko pinansin kasi natulala ako sa mga nagkalat na kwek kwek sa daan.




"Ang mga kwek kwek ko huhuhu," iyak ko.




"Hey Miss Weird, bakit ka ba naglalakad sa kalsada para sa mga sasakyan ? Trip mo bang magpakamatay?" ani ng lalaki.




Kaya naman nilingon ko ang lalaki at halos mapaubo ako ng makita ko siya. Puta! Siya yung kasama ko kagabi! Okay, kailangan niyang maging artista ngayon.




"Wait, kaya naman pala ang familliar mo sa akin. Ikaw yung babaeng kasama ko kahapon, right?"nakangisi nitong sabi.




"Ha? Ako? Paano? Di kita knows nu, baka doppelganger ko lang" palusot kong wika.




"Wow, playing dumb huh?" ani nito. Hindi ko naman hawak phone ko atsaka matagal nang deleted yung game na dumb ways to die sa cp ko. Masyadong mali mga speculations nito e, tsk!




"Hoy lalaki! bayaran mo kwek kwek ko!" mataray kong sabi. Pag hindi ito nagbayad, suntukan sila dito! Char, bad nga pala yun.




"Ako ba ang tatanga tanga na humahara sa daan? Okay para tumigil ka na, then I will pay" sagot sa kanya at tinapunan ako ng isang libo bago umalis.




"Yehey, tenkyu" ani ko at tumalon.




At tumalikod na rin ako, maigi na iyon baka habulin pa ako at baka humingi ng sukli. Akala nga niya hindi siya babayaran ng antipatikong lalaking iyon, pero buti na lang at nakonsensiya. Mapunta sana iyon sa heaven!



Tapos masaya lang din kasi natakasan niya, haha. Siguro naman hindi na sila magkikita kasi hiyang hiya nga siya sa nagawa niya kagabi sa bar.




Hayaan na, buti na lang at hindi alam nun ang name ko, mahirap na baka iadd tapos ichat siya sa fb at maging ghoster din hahaha. Iwas lovelife muna zer!!

_________________________________________ _________________________________________
pers hakdug.

Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Where stories live. Discover now