11

35 20 0
                                    

Sinundo ako ni Daxon nga, pumunta kami sa isang salon yata pero nakakapagtaka dahil sila lang ang tao.


"Huy Daxon, lugi na ba itong salon na pinuntahan natin? Wala man lang katao-tao, nakakaawa! Buti na lang dito tayo pumunta para kumita sila." Pagsundot ko pa sa gilid ng katabi ko.



"Hindi sila bankrupt or so what Freiya! We just need privacy kaya pinasara ko muna ang salon na ito,"  tinignan pa ako ng katabi ko, napansin ko tuloy ang brown eyes niya.



May sumulpot naman biglang baklang timawa sa harap nila. Kagulat! Dinaig pa ang white lady sa balete drive sa puti ng foundation ni baday! Kaya lang mukha rin itong clown at mukhang nasapak. Uso ba ang bloody red color sa mukha ngayon? Sana naman ay hindi maging ganun ang gawin sa kanyang make-up.



"Oh, my dear Daxon! Nandito ka na pala," at niyakap ni bading ito tapos inilapat pa ang pisngi mismo sa mukha rin ni Daxon. Kung pwede lang manuntok, ginawa ko na nga ih.



"Who's with you? Your PA?" Tinignan pa ako ng bakla na makapal ang peys! Mukha ba akong alalay para sabihin niya iyon, foreigner kaya tatay ko!FYI!



"No, she's my girlfriend." Then tumabi sa akin si Daxon. Pak! Mukhang nadismaya ang kurimaw na bakla, napataas ang kilay pa sa akin at umirap pa.



"So anong gusto ming gawin ko sa kanya? Ipapakalbo mo ba iyang babaeng iyan?" mataray na sabi ng kumag, mukhang galit sa akin.




"No, what you may think of that? Haha, i just want na paayusan siya kasi we are going for a celebration party tonight--- my dad's birthday."




"Ah, fine. Ako ang bahala sa girlalu na iyan, i will do my best para hindi mo siya makilala, haha." Pumalakpak pa ito ng parang sayang saya kaya naman ako ay nakaramdam ng masamang kutob na baka may hindi gawin sa aking maganda ang baklita.



At dahil wala na akong choice. Sumama na rin ako, pinaupo ako sa isang upuan na nakaharap sa isang salamin. Kinukuha na naman ng bakla ang mga gagamitin yata sa akin.



"So saan kayo nagkakilala ni Daxon? Sa club? Are you a stripper?" tanong nito habang hinigit ang kanyang buhok at nilalagyan ng mga clips.




"Ah oo, maybe destiny," pang-aasar ko na mukhang gumana dahil napasimangot ang bakla.



Pero gumanti ang bakla, marahas ba namang hinigit ang ilang hibla ng buhok ko. Buti na lang at dumating si Daxon.



"Ikaw na bahala sa kanya ha? Babalik ako in one hour," paalam sa kanila ni Daxon at naglakad na palabas.



Mukha namang nagtino na ang bakla, sinimulan na nitong icleanse ang aking mukha. Marahan na ang kamay nito, ayaw siguro madissapoint si Daxon. Nilagyan na rin ako ng foundation and pagtingin ko naman sa salamin ay malapit sa kanyang skin tone. Sinunod na rin ang concealer na hindi na naman need kasi wala naman ako masyadong tigyawat. Naglagay na ng powder ang bakla para magset ang mukha niya.




"Your face is kinda good as a base, im'ma say," papuri sa akin ng bakla, aba nabaligtad na yata iyon. Baka nagandahan na rin sa akin.




Pinapikit na siya nito para lagyan ng eyeshadow, ang gentle talaga ng paglapat sa kanyang mukha ng mga brush nito. Halos ikatulog ko na nga sa lambing at gaan, haha. Mukhang natapos na niya kaya ramdam ko ang paglagay ng eyeliner sa mata ko.




"You may open your eyes now." Ginawa ko naman at tumingin sa salamin.




"Hala? Sino iyang maganda sa salamin? Ako ba iyan? Kamukha si Jennylyn Mercado aba!" wika ko.



"It's not yet done, okay?" sabi naman nung bakla.




Nakita kong kumuha ito ng bronzer para madefine ang cheekbones ko. Then nilagyan rin ako ng kulay peach na blush. Hindi pa natapos doon at sinunod ang highlighter. Mukha na tuloy akong shinning,shimmering and splendid. Kulang pala ng i can show you the world haha. And after a few minutes, nilagyan na ako nito ng nude brown na lipstick and add some red tint sa center ng lips ko kaya mukhang gradient effect. Then some final touches pa.



Kaya naman pagmulat ko halos iduldol ko na ang mukha sa salamin para kasi akong nag-ibang tao sa itsura ko ngayon as in. Kahawig ko pala si Liza Soberano, now ko lang nalaman. Kasi inayos rin ng bakla ang buhok niya na may soft curls lang sa ibaba at nilagyan ako ng extension na bangs.



"Hi guys! This is me Liza, and you want milkita?" Sinasabi ko pa sa harap ng salamin na bigla namang ikatalon ko nang mapalingon kasi nakatitig na pala sa akin si Daxon.




"Oh my gulay! Matagal ka na dyan?" tanong ko.



"A minutes ago," pero kita ko ang pagtingin sa akin ni Daxon pa rin. Para na akong tutunawin at lalanggamin, ang lagkit!



"Ganda ko nu? Hindi ka makapaniwala, haha. Wag kang mag-alala, ako pa rin ito si Freiya na mahal na mahal ka! Witibambam!" Tinuturo ko pa ang sarili ko nun at nagfinger heart haha.




Bigla namang umiwas ng tingin sa akin si Daxon.



"Magbihis ka na, we only have one hour left," tapos tumalikod ito.



Nakita ko naman ang isang silver shining evening dress na nakalagay sa may sofa. Lumapit ako tapos may slit rin pala iyon. Luh! Maeexpose ang legs ko. May paperbag naman sa tabi nun, kaya tinignan niya ang loob, may dalawang box. Binuksan ko ang maliit na kahon at may laman itong silver necklace with heart pendant na napakaliit. Tapos ang isa naman ay naglalaman ng silver shoes with 4 inches heels.



"Ghad, makakapaglakad ba ako nito!" pagsipat ko pa sa sapatos na hawak.



Wala na akong nagawa at sinuot na lamang ang mga iyon para matapos na rin ang gabing iyon. Pagkalabas ko sa room ay nag-iintay pala sa labas si Daxon.



"Ayt, mongoloid!" kamuntik na akong matisod pa at buti na lang ay hindi natuloy kaya napahawak  ako sa dibdib ko. Bumilis rin paghinga ko, pero wala namang trace of bad breath.




"Are you okay?" paghagod naman sa likod ko ni Daxon na angtanga lang, nagulat na nga ako tapos tatanungin ang nafeel ko. Malamang hindi, may ayos bang hinahapo?




At dahil liar ako this time..."i'm fine", kaya humiwalay na sa akin si Daxon.



"So anong masasabi mo nga pala? Bagay ba sa akin? Maganda naman ako diba?" at umikot pa ako.



Napatikhim naman ito. "The dress suits well to you, and you're outrageously gorgeous tonight," tapos tumalikod ito bigla sa akin at naglakad na palabas ng salon. So tonight lang talaga? Meaning hindi ako maganda kahapon at sa mga susunod na bukas. Hayst! Panget magbigay ng compliment.




Tapos tignan mo nga naman ang lalaking iyon, napakabastos ng ugali. Walang good conduct, hindi man lang ako aalalayan e, ang taas ng heels niya. Hinayaan pa akong iwan, so ang ending susunod ako sa kanya. Medyo nagets ko rin naman kung bakit niya iyon ginawa, siguro ay ayaw niyang siya ang maghabol sa akin! Whoo, hirap talaga maging maganda!




"Crush ko naman kasi, bakit ang pakipot pa? Paano uusad?" bulong ko habang naglalakad na rin palabas with poise syempre namarns. Practice lang!
__________________________________________________________________________________hakdug.

Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon