18

28 14 0
                                    

Nandito ako ngayon sa cafe, natutulala dahil naaalala ko  yung nangyari sa amin ni Daxon kagabi. Okay lang naman siguro iyon kasi nasa tamang edad na naman kami at ginusto naman namin ang nangyari. Pero ang hindi mawala wala talaga sa isip ko ay yung nag- 'i love you' ito sa akin pagkatapos namin gawin iyon. That time, i am flabbergasted so i can't really speak out. 



"Nanaginip ng gising, nakatulala sa hangin...nagsusumidhing damdamin kahit halik lang ay akin🎶," pagkanta ni Bibeth pa tapos ay kapagkuwan ay sinadyang bungguin ako nito. 



Tinitigan ko ito. "Papansin ka ghorl? Hayaan mo ibibili kita ng pansit mamaya," mataray kong sabi.



Tumawa naman si Bibeth. "Gaga, ayoko ng pansit! Gusto ko spaghetti kaya iyon na lang bilhin mo, hehe. Pero bakit ka ba tulala? Nakalimutan mo bang nasa trabaho tayo ngayon? Tignan mo besh, andaming customer na nakapila ngayon sa counter tapos walang tao sa cashier," tumuro pa ito sa direksyong iyon kaya naman napansin nga niya. "Ulagang babaita! Porket may lovelife, naging makakalimutin, psh!" Luh! Ako nga pala assign doon ngayon, paktay na!!



Ngumisi naman ako. "Nakita mo na naman pala, bakit hindi mo pa naisipang tumao? Ikaw talaga Bibeth, tsk tsk tsk!" tinapik tapik ko pa ang balikat nito pero pumoporma papunta sa sa cashier.



Napakamot pa ako sa ulo ko, pero wala akong kuto. "Good Morning Ma'am, what's your order?" maenergetic ko pang sabi sa babaeng nakasuot ng shades sa harap ko na walang namang araw sa loob ng cafe nila so bakit nakaganun pa si ate girl. Amp! Pauso nga naman.



"So dito ka pala nagtatatrabaho? I am mistaken pala na galing ka sa rich family."




Nyorks! Anong pinagsasabi nun? Baka nababaliw na si Ate, jusme. Pero habang nakatingin pa rin ako dito, nakita kong ibinababa na nito ang shades. At doon ko napag-alamang ito yung nanghahaliparot kay daxon, noong kumain kami dati sa isang restaurant.



"Looks like na nakilala mo na ako? Well, i was just passing by, maybe its a coincidence we met here!'' sarcastic nitong sabi at pumalakpak pa. Tungaw yata ang babaeng ito, nakikipagchikahan pa sa akin dito sa counter. Ano nga bang pangalan nito? Ahh, Chelzy.




I make a fake smile. "So what's your order po Ma'am Chelzy? Marami pa po kasing nakapila baka gusto niyong umorder na, hehe,"madiin kong sabi.



"K. Just one Iced latte," at hinawi pa ng gaga ang ilang hibla ng buhok tapos ay siningit sa likod ng tainga nito. Edi waw! Feeling naman maganda, baka bunganga naman ay may singaw.



Mabilis ko namang ginawa ang order nito para naman makalayas na agad ang babaeng iyon. kung pwede haluan ng lason baka ginawa ko na rin, pero syempre customer's safety. Saka na lang siguro!



Inabot ko na ang order nito. "Enjoy your drink, Ma'am"



"Nice,  since you work here, i can always come back often. Right?" at sumipsip na ito sa inoder nito mismo. "This taste great!" Tumango na lang ako at hindi na nag-usap pa. Kaya naman umalis na rin sa wakas ang bitchesang Chelzy na iyon.



"Uy, kakilala mo ba iyon? Maganda ah, pero impokrita ang ugali," singit pa sa akin ni Bibeth, kahit may hawak itong tray ay nakikitsismis pa talaga.



"Fling lang dati ni Daxon. Maganda nga siya, pero ako pa rin pinili ih," pagyayabang ko pa. Pambugnot lang syempre kay Bibeth na walang lovelife.



"Sus! Asawa nga naghihiwalay, kayo pa kaya?" Nanlisik naman ang mga mata ko sa sinabi nito at tinuktukan ang kurimaw. Napakabitter talaga, pakainin ko kaya ng asukal si Bibeth, haystt.



Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 22, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora