10

30 20 0
                                    

Ilang araw ko na rin hindi nakikita si Daxon, mga 2 days nga to be exact. Miss ko na nga siya e, tapos nag-aalala rin at the same time kung maayos lang ba kalagayan ng lalaking iyon. Hayst! Kung wala nga lang talaga akong work, edi sana magkapiling kami.



Napakacaring naman kasing friend, sinasamahan pa ang kaibigan niya na magbantay dun sa hospital e kung tutuusin andami namang nurse sa hospital. Minsan pabida rin si Daxon talaga e, pero tanggap ko naman iyon kahit sinuman pa siya. Ganon kasi ang love! Chos.



At dahil, hindi ko na nga kaya. Nitry kong isearch siya sa fb. Wawawiwow talaga! Ang peymous ni kuya! 50k+ ang likes ng bawat dp, kahit laging nakasandal lang sa kotse.




"Tsk! Stalker!" pagsingit ni Bibeth habang ako ay nagiiscroll sa account ni Daxon.



"Pakilamera ka! Iyo itong phone? Ikaw nagpaload? Kaya don't bwisit me, okay?" pagtataray ko.




"Shakts, pakasama naman ng ugali mo! Kurimaw ka, maborlogs ka sana ng maaga! Maging single parent tapos magiging online seller! Psh!" at nagwalk out si Bibeth.





Kaya naman ako ay bumalik na lang sa pagcecellphone, kaysa patulan ang gagang inggitera. Aist! Natetempt siyang pindutin yung 'message', pero wala naman sigurong masama kung gagawin nga niya. In a relationshit nga sila e!



Freiya Mendez: Eyowsss! Miss na kita baby, hindi ko na kaya!



Kaya naman para akong tanga na nag-iintay ng reply. Umay! Delivered ang putek. Kaya i tried again.




Freiya Mendez: Umuwi ka na baby, hindi na ako sanay na wala ka.. Mahirap ang mag-isa...🎶🎶



After a few seconds, hopiang baboy pa rin!Napaisip na naman tuloy ako kung delivery man ba si Daxon? O ayaw lang ng lalaking iyon sa choice of songs niya. Saet! Pero sabi nga try ang try until it reply.



Freiya Mendez: Open minded ka ba? Sige iseen mo na,dali! Tapos reply ka, kung ayaw mo pa mabaog bukas agad😈




And instantly, nakita kong typing na si Daxon. Napapahid ako ng pawis sa noo, na kanina ko pa nafefeel. Whoo, effective!



Daxon Raven: Ano bang problema mo? I'm driving!



Freiya Mendez: (Iseen mo ulit para hindi ka mapanot) Ikaw ang problema ko! Kanina ka pa kasi naiisip ng mga atay balunan ko! Namiss nilang kiligin, mwehehe.




Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Where stories live. Discover now