5

48 23 0
                                    

Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naimik kasi paano kung 'kkb' sila, halos mahihimatay na siya sa mga presyo ng nasa menu.




Hindi nga rin niya alam kung paano basahin ang mga nandoon. Kaya tinititigan niya na lamang iyon.



"Choose what you want, i'll pay for our bill" wika ng kanyang kasama.



Nabuhayan naman ako sa narinig and she make a big smile. Kaya naman halos ng nandun sa menu ay inorder ko sa kuyang waiter na nasa tabi nila.




"Ahmm, Chicken Parmigiana, Clam Chowder, Texas Barbeque, Grilled Steak with hominy gravy atsaka apple pie and 1 liter of water po hihi," sabi ko sa waiter na parang hindi maipinta ang mukha nang tumingin sa akin.




Feeling niya tuloy ang judgemental nung waiter, at nagmamarunong pa sa kakainin niya. Buti na lang mabait kasama niya.




Pinanlisikan niya ito ng mata hanggang sa nag-iwas na rin.'Oh laban pa kuyang waiter? Payt me!!' Ang weak, ewwww.




"Is that all you want?" nakatitig na tanong ni Daxon.



Tumango naman siya at nagpuppy eyes pa. Syempre pacute, baka magbago isip at hindi na ako ilibre. Good Conduct and Good Manners muna, hehe.



Aba minsan lang naman ako makapunta sa ganitong klaseng restaurant kaya para full experience, sasamantalahin ko na.



Napatingin naman ako sa kaharap ko at napamanga habang nausap ito. Okay, aaminin niya na ang gwapo pala talaga ni Daxon. Gandang lahi, swerte magiging asawa!!




"Well then. Just Shrimp Penne Pasta and Capress Salad dizzled with balsamic glaze for me. Then also, please give us a bottle of Courvoisier Cognac," kaswal nitong sabi.



Tumikhim naman ang lalaki.



"Ehem! Ehem!" Daxon cleared his throat loudly.



Kaya sandalian akong nagulantang dito.



"Ahm, okay ka lang ba? May ubo ka yata o sadyang plema lang, hala iluwa mo na iyan dito sa tissue para hindi na dumami," habang hawak ang tissue na isasahod ko sa bibig ni Daxon.



"Freaking woman, why would i do that? I am just clearing my throat to get your attention, tss!" suplado nitong wika.




"Ah baga, pero huwag mong iimbak ang kaligara mo sa lalamunan mo ha?" payo ko pa rito ng nakangiti.



"Anyways, lets discuss about my condition whether you like it or then you'll like it," mapang-akit na sabi nito at nilalandi pa ang tinidor na nasa mesa nila.




"Ha, ano?Alindog!" naguguluhan talaga ako kay Daxon ih.



Kaya lamang ay dumating na ang mga order nila at napukaw nito ang atensyon ko. Parang nagtubig ang aking bagang at naglaway sa mga inihaing pagkain.



"Uhmm, grabe mukhang masarap talaga ang mga ito, whoo" natatakam siya at nilapit pa ang mukha niya sa pagkain.



Tumingin ako sa kaharap ko at nakahalumbaba itong nanonood sa kanya.



"Go eat up,"senyas ni Daxon sa kaniya.



Kaya  sinunod ko na at sinimulan na ang paglamon.




Isa lang masasabi ko, "Heaven, talaga" Sana everyday na, char!



Namumuulan akong lumingon kay Daxon at parang nilalandi lang nito ang pagkain kasi tinutusok lamang nito ang pasta.



Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon