9

39 20 0
                                    

"Sorry for the inconvenience, Garret is like that, i'm so sorry," paghingi sa akin ng depensa ni Daxon. Kaawa nemen!



"Okay, lang hindi naman ako cliqq sa 711." At ngumiti ako sa kanya, pero nagpoker face ito.



Kaloka! Wala naman akong sinabing masama pero sumimangot na naman si bebe boy ko. Shet!



"Anyways, i will go early tomorrow and you can go home na unless you want to stay in." At uminom na naman ito ng alak mula sa baso.



Napaisip naman ako sa sinabi nito at wala naman rin siyang gagawin bukas kaya push na! Makasama na lang kay Daxon. Tumpak, ganern!



"Sama ako sa iyo bukas, Daxon! Wala rin naman akong gagawin ihh."



Tumikhim naman ito. "Okay, you can go upstairs na and ikaw na pumili kung saan mo gustong kwarto matulog. I'll just finish my drinking," at tumango na lang ako sa sinabi nito.




Ayos, makakatulog na rin ako at sa bahay pa ni Daxon. Sayang, hindi sila magkatabi, chareng! Siguro naman dadating rin ang panahong iyon, kaya iintayin ko na lang. Nakaakyat na nga ako at halos malula ako sa taas, napakaraming nakahilerang kwarto.
Daig ko pa ang games na selendrina sa dami ng pagpipilian at papasukin kong kwarto. Bahala na nga, kahit ano na lang! May kama naman siguro iyon pare-parehas.



Pagkapasok ko sa kwartong pinili ko, napanganga ako. Putek, ang laki tapos parang kamukha yung mga bedrooms na makikita sa tv ng mga royal family. Tumakbo ako agad sa kama at sinalampak ang sarili dun. Kinawag-kawag ko pa ang mga kamay ko. Kaya lamang ay biglang nagring ang phone ko sa bag. Nakita kong si Leizel ang tumatawag.



"Anneoyong haseyo..."



[Hoy, Freiya! Uuwi ka ba? Anong oras na, aba? Sus ginoo ka!]



"Hindi po nanay! Nasa bahay po ako ng prend kong boy, tapos may pupuntahan raw po kami bukas kaya the next day na siguro ako makakauwi. Kaya wag na u alala, oks lang ako."



[Boba! Kapag ikaw nabuntis tignan mo talaga. Ayoko pa maging ninang, at samlang ka pa naman. Nakakaawa ang bata!]



"Grabe ka! Sige na, sayang load mo. Update na lang kita sa text, babush!"



[Unli ako, tanga! Pero wala kang kwenta kausap kaya ingat ka na lang. Gumamit kayo condom kung may gagawa man kayo ng milagro, lablats!]



Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Liezel, ambastos talaga. Buti na lang hindi ako nagnursing, baka maging ganun din ang lagay ng kanyang isip kapag nagkataon.



Maaga akong nagising kinabukasan, tapos naalala ko wala pala akong damit. So ano ang ipampapalit niya pagkatapos maligo? Kaya naman tumakbo ako palabas ng kwarto para hanapin si Daxon. Nakita naman niya itong nasa kusina at mukhang magkakape.



"Daxon! Wala pala akong damit, anong gagawin ko?" At nilingon naman ako nito.



"Edi maghubad ka na lang," sagot nito.



I gave Daxon a death glare.



"Okay, baka matunaw ako sa tingin mo, haha. Merong mga damit na pambabae yata sa bodega. I dunno, mga pangkatulong yata iyon."



"Ayt, ok lang. Gesi, salamat!" ani niya at tinahak na yung tinurong daan ni Daxon papunta roon.



Kumuha na lang ako ng isang white tshirt at paldang maong. Mukhang iyon lang naman ang maayos. Naligo na ako at nagbihis ng super bilis. Syempre, baka iwan ako ni Daxon.



Saktong pagkababa ko ay mukhang hinihintay ako ni Daxon sa salas. May katawagan ito, at sumulyap lang sa akin ng makita akong pababa.


"We are going to hospital," wika nito.



Tumango na lang ako at sumunod palabas para sumakay sa sasakyan. Kita kong mukhang balisado ang mukha ni Daxon at mabilis ang pagpapatakbo nito. Ayaw ko namang dumagdag sa isipin nito kaya tumahimik na lang ako.



Nakarating na sila sa hospital, halos takbuhin namin ang daan papasok. Higit ako ni Daxon, tumigil sila sa isang kwarto tapos ay agad namang tumayo at sinalubong si Daxon ng isang gwapong nilalang na duguan ang tshirt. Nakita ko rin naman ang isang napakagandang babae na kahit may sugat sa mukha ay fresh pa rin tignan. Mukha itong model at jowa siguro nung friend ni Daxon ang babae.



"Thank you bro! I didn't know that you will help me with this. But Moira is still unconcious and her half sister is on critical condition," pagyakap ng lalaki kay Daxon.



"Your welcome, Brandon. And everything will be fine. Need mo ring magpahinga, kami na muna ang bahala rito," hinagod ni Daxon ang likod nito.



Naupo naman ako sa couch ng kwarto at kasi nagpaalam si Daxon na lalabas muna silang dalawa nung friend niya para makabili ng pagkain. Ako pa pinagbantay, pero ayos lang. Lumapit ako sa pwesto ni ateng girl, at naawa naman ako sa lagay nito. Mukhang nakidnap tapos natorture, haystt. Napakahalang ng bituka naman ng gumawa nun!!



Hinawakan ko ang kamay nito. "Hi, ate ghorl! Matulog ka lang diyan hanggang sa lumakas ka. Mukhang love ka naman ng boyfriend mo kaya, 'wag mo siyang iiwan at magiging maayos naman ang lahat. Tiwala ka lang kay Lord."




Napatingin naman ako sa mukha nito muli at nakitang unti-unting binubuksan na nito ang mga mata. Hala, baka narinig siya! Sakto namang dumating mula sa pintuan sina Daxon kaya biglang lumayo na lang ako para magkaroon ng space yung nobyo nito. Tinawag na rin yung mga doktor at sinuri yung babae.




"Daxon, model ba si ateng girl na nakahiga?" bulong ko sa katabi.




Daxon looked down to her. "No, she's a fashion designer as what i heard"



Nanatili sila roon hanggang hapon. Medyo inaantok na nga ako, pero pinipigilan lang talaga niya. Siguro mukha na siyang adik na kukurap kurap ang mata.



"Are you sleepy?" tanong ni Daxon.



At dahil honest ako. "Slight lang"



"Okay, ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na. Kukuha rin naman ako ng mga gamit para kay Brandon e," wika nito.



Nagpaalam na sila muna. Naglalakad na kami ni Daxon papunta sa parking lot ng biglang hinigit na lamang ako nito ng bigla tapos hinawakan ang kanyang baywang. Yon pala ay may dumaang kotse sa mismong nilalakaran ko na hindi ko napansin, dahil sa pagkatulala.




"For pete's sake, don't walk when you're absent minded! I can't forgive myself if anything happens to you," at binitawan ako nito.



"Ah, salamat."

__________________________________________________________________________________hakdug.

























Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Where stories live. Discover now