12

29 17 0
                                    

Nakarating na kami sa hotel kung saan idadaos yung party ng daddy ni Daxon. Bumaba na kami sa kotse at nabigla ako ng biglang hawakan nito ang baywang ko.



"Don't be swayed too much! It's part of our acting tonight" bulong sa akin. Ang late naman talaga magbigay ng announcement ng lalaking ito, buti na lang very fond ako sa mga dramas sa tv kaya may knowledge ako sa pagpapanggap role. Perpek!




Naglalakad pa lang kami papasok pero andami na agad bumabati sa kasama ko. Dati bang tumatakbong kandidato si Daxon? Sobrang daming kakilala, kaya ayan tuloy mukhang ngawit na ang panga sa pagngiti!




"Woah, Daxon! Who's that beautiful girl beside you?" wika ng negrong sumulpot sa harap namin. Char! Gwapo rin naman, mukhang model.




"She's my girlfriend, Cliff," tugon ng katabi ko, tapos umalis na lang sila bigla. Wala talagang manners si Daxon.



"Pst! Bakit nagrun away agad tayo dun sa Cliff? Hindi ba kayo friends?" pagkalbit ko pa sa braso nito, gawain lang yun para makapa biceps hehe. Lande!



Tumigil kami sa paglakad."You want to know him? Then go, hindi kita papayagan!" sabi nito na may choice ba ako dun? Parang wala naman! Egul talaga ako kay Daxon, daming alam!




Sa hinaba haba ng nilakad namin ay sa wakas nakarating na rin dun sa venue talaga. Sobrang daming tao, at mukhang mayayaman lahat. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya, pero push lang para kay crush ko! I sigh heavily and parted my lips to smile genuinely. Ayaw kong maging plastik, eww.




Until, a very pretty woman na mukhang nasa mid 40's ang sumulpot bigla. Nakasuot ito ng one strap  maroon dress, at ang sexy ni mader talaga. Malaanghel ang ganda nito at pansin kong may pagkakahawig ang mukha kay Daxon.




"Mom!" at pinakawalan ako ni Daxon kasi yumakap ito sa ginang. Sana all niyayakap na lang!



"Oh, my baby!" tinapik tapik pa ng ginang ang likod ng anak. At napatingin ito sa akin.



Pagkahiwalay nila.."Who's with you anak? She's pretty! Iba na naman a, lakas mo! Paano mo naloko?" tanong ng nanay nito kaya nabigla ako, kasi hindi tulad ng sa iniisip ko na englishera na mataray. At pinuring maganda raw ako ihh!




"Mom, stop that! Huwag niyo akong ipahiya sa girlfriend ko." Nilapitan ako nito muli.



"Wow, Bigword! Btw, i'm Stella Raven, Daxon's mom and it's my pleasure to meet you," she gestured a handshake to me so tinanggap ko iyon with a smile.



"Freiya Mendez po, Ma'am Stunningly Gorgeous, wala pong halong pambobola pramis!" I said.



"How nice you are! Buti pumayag kang maging shota ng anak ko, haha. Anyways, call me tita na lang, okay iha?" She commanded to me.



"Opo, Tita, hehe."  I make it soundly nice, acting lang bes! Ayaw kong mabuhusan kasi ng wine o tubig dito.



"Good to hear! Daxon accompany her to our family's table and make her enjoy this party," pag-utos ng ina nito.



Tapos lumapit pa muli sa anak at may binulong."She deserves to be keep, Daxon" at narinig ko naman iyon. Hindi yata marunong bumulong ang ina ni Daxon, wiwongs! Jowk, bad icriticize baka maging future mother in law ko pa, tiwala lang!




"Take care, and enjoy!" pahabol na sabi pa nito sa kanila.




The party starts na nga! Ang daming pagkain, jusme. Hindi ko alam kung ano uunahin ko kung magkakanin na may ulam, magpapasta, magdidessert na agad o yung mga salads. Kaya lang ang hirap kumain ng pangdigmaan, baka mapasama ang image ni Daxon kasi para akong patay gutumers nun. Kaya hindi ko tinuloy at nagtiyaga na lang sa carbonara yata na kulay green ang pasta.




"Is that enough for you? May gusto ka pa bang kainin?" sabi ng katabi ko na umiling ako.



"Pwede bang magtake-out dito? Hehe" wika ko.



"Okay, sasabihin ko mamaya sa catering mamaya. Don't worry!" ngumiti pa ito. Ayt, ang bait naman talaga, ikiss ko ito ihh!




Bigla namang namatay ang ilaw sa loob. Tapos may biglang spotlight na nakatapat sa may stage. May nakatayo na pala doong isang lalaki na ang gwapo rin. Pwedeng papa de asukal, kaya lang naalala ko baka iyon ang tatay ni Daxon.




"Thank you for coming and joining me here on my 57th birthday celebration! But along with it, this party is dedicated for my employees and business partners too who's there on my company's success throughout the years. And now, i would like to announce this and make you'll meet the next CEO of Hawkings International Corporation, the only heir, my son and be the next in line with my footsteps i contribute with the industry- Daxon Levi Raven." Nagpalakpakan naman ang tao at syempre ako rin kung pwede nga lang sumigaw pa, ginawa ko.




Umakyat naman sa stage si Daxon na mukhang nabigla. Then, nagspeech din siya ng very short lang at bumalik na rin agad sa piling ko, hikhok! Miss yata kasi ako agad, nagmamadaling makatapos sa pag-uusap.




"Uy, baka naman. Wala ka man lang bang pabalato dyan? Yayayamanin ka na a!" pagsundot ko sa tagliran ni Daxon.




"Ano bang gusto mo?" tanong nito, hala baka totohanin nga.



"IKAW, haha! Char," sumimangot naman ito sa akin.




"Baliw ka bang babae ka?" At nakataas pa ang kilay nito sa akin.




"Hindi baliw! Ulol na ulol sa pagmamahal mo, gilew!" tinapik ko pa braso nito. "Kiligin ka na, sige na! Papasko mo na sa akin, hahaha"



Ngunit sa kalagitnaan ng landian nila.Napatayo naman ito bigla kasi nasa harap pala nila ang tatay nito. Kaya tumayo rin ako, gaya gaya lang!




"So is she the nice lady your mom talking to me?" pagturo ng daddy ni Daxon sa akin.




"Yes, dad. She's my girlfriend," then ramdam kong hinawakan ako nito sa baywang.




"I thought you don't do girlfriends, and just flings".



"People change, dad!".


"How i hope you too! Btw lady, i'm Darius Raven, the dad of that asshole kid." Kaya tumungo naman ako bigla bilang paggalang.




"I'm Freiya Mendez po sir, and nice meeting you po."



"Well, i'm expecting for a more surprising gift than this, iha! I hope you get what i mean, i'm getting to be old. Time is ticking, haha," ani ng tatay ni Daxon, na gusto pala ng mas surprising edi sana nagpasabog na lamang ng fireworks o kaya kahit sinturon ni hudas para mas tipid.




"I know we'll also get there so just wait up and don't get me to be arranged on the daughters of your business partners. It's pissing me off to be with those spoiled brats!"



"Then get married, soon." At umalis na lang bigla ang daddy ni Daxon.




Luh! Need na yatang magpakasal ni Daxon at kanino naman kaya? Sana ako ang palarin! Kaya lang mukhang hindi ako type ni Daxon, ang labo ih! Wala nga yata sa wisyo nitong magseryoso at bumuo ng pamilya, shutang inamerns!

__________________________________________________________________________________hakdug.


















Haunt Series 2: Falling Catcher (On-going)Where stories live. Discover now