Chapter 31 📖

12 5 0
                                    

Chapter thirty-one: Out of Town

"Maraming salamat talaga at naisipan niyo ulit na dumalaw dito!Ang laki-laki talaga ng tulong ninyo para sa aming mga lola at lolo dito..."

"Wala ho yun tita Jean..."
-si Ethan

"Oo nga naman ho."
-si Vincent.
"At kung hindi ho dahil kay Lesther eh hindi namin magagawa ang lahat ng 'to.Siya ho talaga ang nag-ingganyo saamin..."
Dagdag pa niya.

"Hahah sige ho tita Jean mauna na ho kami gumagabi na po..."
-si Lesther
"Si lola Dalia!alagaan niyo ho siya ah..."

"Nako tita Jean kahit madapa ho yun si lola iiyak na po to sa pag-aalala"
Natatawang sabi ni Mr.Demon at inakbayan pa si Lesther.

"Hahahaha hindi lang iiyak dadalhin pa agad sa ospital!"
-si Jake naman.

At si Lesther naka-pout lang.

"Nako kayo talaga sige na at mag-iingat kayo ah..."

"As always po tita Jean..."

"Sige ho mag-ingat din po kayo dito"

"Sige sige kayo rin mga anak...."

'Talagang close ang mga demonyo sa lahat ng tao dito.Ngayon ko lang nalaman na may malasakit pala sila pagdating sa matatanda, sana naman hindi lang sila mabuti sa matatanda noh?kailangan din naman naming mga kabataan ang respeto nila....Hays sana nga ganon!'

Habang nasa biyahe.

"Kaano ano ba ni Lesther si lola Dalia?
Bakit ganon nalang yung mga pinagsasabi niyo kanina habang kausap niyo yung tita Jean na yun?"
Hindi ko na maiwasang magtanong pa,nagugulohan narin kasi ako.

"Malapit kasi si Lesther sa mga matatanda,at nakikita niya ang namatay niyang lola kay lola Dalia kaya ganun nalang siya kung mag-alala kay lola Dalia..."
Paliwanag ni Ethan.

"Eh kayo?malapit din ba kayo sa mga matatanda?parang napilitan lang yata kayo eh..."

Natawa naman si Ethan sa sinabi kong yun.
Parang nagugustohan ko na si Ethan ah,I mean yung attitude niya!di gaya ng dati hindi halos nagsasalita tapos ngayon tatawa-tawa na....

"At first oo!"
Natatawang sambat din ni Mr.Demon slash driver namin.

"Yeah...kasi nung una siya lang ang nagpupunta dun tapos habang tumatagal naiinis narin kami sa kakapilit niyang sumama kami kaya nag-try kaming sumama.Hindi namin alam ganon pala ka saya yun,I mean masaya pala kapag meron kang napapasayang ibang tao kahit man lang maliit na bagay...."
Mahabang paliwanag ni Ethan.

"Kapag madami kaming nakukuhang shares sa HQ hinahatian namin sila,gaya kanina binigyan namin sila ng mga pagkain at pera para sa mga gamot nila at ilan pang mga gastosin.
At habang tumatagal ay nagiging malapit narin ang loob namin sa kanila"
Sabi naman ni Mr.Demon

Kung napapansin niyo na parang kami lang yatang tatlo ang nag-uusap dito ay dahil nasa ibang kotse kasi sina Lesther, Vincent at Jake.Hindi naman kasi kami kasyang anim dito sa iisang kotse lang.

"Nasabi nga sa'kin ni lola Dalia...."
Banggit ko.

"Anong nasabi?nag-usap kayo?"
-si Mr.Demon ulit

"Ah oo,magrerest room sana ako kanina eh kaso bigla niya akong kinausap"

"Ano namang sabi niya?"

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now