Chapter 32 📖

14 5 0
                                    

Chapter thirty-two:Batangas

Erika's POV.

Nakarating na kami sa Batangas at halos isa't kalahating oras ang binyahe namin.
MBR ang name ng resort,stands for Maligaya  Breeze  Resort, halatang bagong bukas nga ito dahil bagong-bago ang mga pintura,at pinaghandaan talaga ang opening.
Maganda ang lugar at puti ang buhangin,may inflatable island din na nasa dagat at apat na swiming pool malapit sa hotel.

"Bakit kaunti palang ang mga tao?"
Biglang tanong ni Nur.

"Oo nga..."
-ako.

"Bukas pa kasi ng hapon magsisimula ang party pero ngayon opening palang ng resort"

"Pero kung bukas pa eh bakit andito na tayo?!"

Excited masyado ang mga demonyong 'to!bukas pa pala ng hapon magsisimula.

"Para mas ma-enjoy natin ang stay natin dito!...At wag na nga kayong marami pang tanong,pumasok nalang tayo at mag-check in na."
Sabi ni Mr.Demon at nauna ng pumasok samin sa hotel.

"Erika tulungan na kita sa gamit mo..."

"Hindi na Ethan,ikaw naman kaliit lang ng dala ko oh.Sige na kaya ko sarili ko..."

Buti nalang talaga iniwan ko yung dalawang bagahe ko,mahihirapan pa tuloy ako ng sobra pag nagkataon....

"Ako Ethan kailangan ko ng help"
Sabi ni Nur sa kanya.

"Ako na!"
Biglang sulpot ni Vincent.
"Nur t-tulungan na kita..."

At ganon nalang kalaki ang ngiti ni Nur,maging si Vincent ay ganon din.

"Sige s-salamat Vincent..."

'Ano ba talaga relasyon niyong dalawa?...Nur,sana naman mali 'tong iniisip ko tungkol sa inyo.Sana nga lang!'

"May alam kaba sa dalawa?"
Bulong ko kay Ethan.

At nag-shrug lang siya bago pumasok sa entrance ng hotel.

"Ano ba yan!"
Bulong ko naman sa hangin bago tuloyan ng sumunod sa kanila.

"One beadroom good for five person at isang kwarto din good for at least two person"
-si Mr. Demon.
"At make sure na magkalapit lang ang kwarto namin."

"Okay Mr. Velasquez paki permahan nalang ho ito.At Khate paki bigay ang VIP Pass at susi ng kwarto nila."

Binibilang na nung Khate kung ilan kami ng biglang nagsalita si Ethan.

"Pito kami lahat."

"O-okay here's your VIP pass ma'am sir,enjoy your stay..."
Sabi naman niya at nag-bow pa sa'min.

Ang pass na sinasabi niya ay parang ID lang,isinusuot ito sa leeg para daw malaman na VIP kami....

"Hoy..."
Mahinang tawag ko kay Jake habang papunta kami sa mga kwarto namin.
"Kaano-ano ni Darryl ang may ari ng Resort na 'to?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Bakit mo tinatanong na tinatanong ko?"
Balik na tanong ko sa kanya.

"Alam mo ang gulo mo talaga kausap"
Inis namang sabi niya at binilisan ang paglakad.

"Bastos talaga kahit kailan..."
Bulong ko sa hangin ng biglang...

"Business partners ang parents ni Darryl at ang may ari ng MBR."
Sabi ni Ethan na ginulat pa ako sa pabigla-bigla niya.
"At isa rin sila sa mga stockholders nito"

"Ahh,kaya pala VIP tayo noh?heheheh"

Ang saya maging anak ng business man!...Sana all.

"Ito ho ang kwarto niyo Mr. Velasquez,kasyang-kasya ho kayo ng mga kasama niyong lalaki dito..."
Sabi nung Khate.
"Dito naman ang sa inyo girls..."

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now