Chapter 66 📖

10 2 0
                                    

Chapter Sixty-six: Erika's Birthday

Erika's POV.

"Happy birthday bess! Heheh."

Si Nur habang inaayosan ako.

Andito kasi kami sa kuwarto ko, kasalukoyan niyang inaayos ang itsura ko.

"Salamat."

"Ito na marahil ang pinaka swerteng araw mo noh?"

"Bakit?"

"Kasi kaninang umaga, yiiee ikaw ang nanalo bilang Ms.University! Congrats nga pala."
Nginitian ko lang siya habang nakatingin sa kanya sa salamin.

"Tapos ngayon ang bonga pa ng birthday mo, sagot halos lahat ni Ethan maging ang sobrang gandang party dress na yan...
Hehe parang debut lang ang peg!"

At agad akong napatayo sa sinabi niya.

"K-kay Ethan din galing to?!"

"Syempre naman hindi!"
Natatawang sabi niya.

" 'kaw talaga..."

"Kita ko yung mukha ni Darryl kanina ah, parang napikon yata. Anyare ba?"
Tanong niya ulit. Kaya ikinwento ko sa kanya ang mga napag-usapan namin kanina ni mamay kasama yung dalawa.

"So may paligsahang nangyayari ganun?"
Dahandahan ko naman siyang hinarap. Napataas ang kilay ko.

"Paligsahan?"

"I mean---.Arggh paano ba to?! Auhm parang rival ganun."

"Bakit naman?"

"Malay natin, baka may gusto narin si Ethan sayo??
Hindi naman kasi sapat na dahilan ang friends lang kayo para gawin niya yun diba?"

"So sinasabi mong may ibang dahilan si Ethan ganun?"

"P-parang...parang ganun na nga."
Napaisip naman kaagad ako sa sinabi ni Nur.

"What if ligawan karin niya gaya ng ginagawa ko?"
Pag-aalala ko pa sa sinabi ni Mr.Demon kanina.

"Baka ito na nga yung sinasabi niya..."
Bulong ko. Hindi naman din nagtanong si Nur baka hindi niya rin narinig ang sinabi ko.

Maya-maya lang din ay lumabas na kami ng kuwarto. Lumapit kami sa mga kaibigan namin at nagkwentohan, nag-asaran at nagtawanan.
Napansin ko ring naka pang pormal na na damit si Mr.Demon, marahil ay nagdala ito ng damit kanina bago kami pumunta dito sa bahay.

"Maraming salamat po sa inyong pagpunta ngayon, ito na marahil ang pinaka sa pinakamasaya sa lahat ng naging birthday ko!
Alam niyo na po siguro kung bakit, hehe. At gusto ko lang magpasalamat sa inyong mga suporta, hindi ko talaga ini-spect na ako ang mananalo at hindi ko rin makakamit ang tagumpay na ito kung wala kayo na sumusuporta sa'kin...So thank you po talaga, unang-una sa lahat kay papa God, at sa aming pinakamamahal na Dean..."
Sabi ko at tumingin pa kay Dean na nakangiting tinanguan lang ako.
"Dr. Dean Roberto Tan-Carlos, at sa dalawang magagandang dilag na isa din sa nagpa-bost talaga ng confidence ko..."
Natatawang sabi ko na tinignan rin sina Ms.Yavano at Ms.Diano na napahawak pa sa kaliwang didbdib nila.
"Maraming salamat po Ms.Yvano at Ms.Diano, at sa mga kaibigan ko rin, bess thank you, at sa DEVIL---.Hindi ko na po sila babanggitin pa dahil alam kong lahat tayo na nandito ay kilala na sila, pero sa hindi pa ayun po sila oh..."
Tinuro ko yung lima, at napangisi nalang din ako nung makita silang nagpapa-cute sa mga taong natingin sa pwesto nila.

CAPTIVATED BY MR.DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon