Chapter 65 📖

14 2 0
                                    

Chapter Sixty-five: Miss University II

Erika's POV.

"So my friends help me welcome once again our candidates in their evening gown, this will be followed the question and answer portion after this short break."

At pinabalik pa ulit kami sa backstage at dun ko agad nilabas ang saya ko! Naiikukuyom ko pa ang mga kamay ko dahil sa gigil at tuwang nararamdaman ngayon.
Nung makita ko sina Ms.Yvano ay agad ko silang niyakap.

"Anong sabi ko ha?! Ha?! I know you can make this far."

"Heheh..."

"Ngayon malaki na ang pag-asa nating manalo! Basta Erika kapag ikaw na ang tatanongin dun tandaan mo lang 'tong sasabihin ko, hayaan mong ibulong ng puso mo ang sagot at the rest bahala na ang utak at bibig mo."

( ^__^)

"Yes Erika, at tandaan mo rin, marami kaming umaasa sayo kaya galingan mo bakla sa pagsagot. Kaya mo yan!"
At natawa nalang kaming apat habang patuloy lang sila sa pagre-retouch sakin, si Ms.Yvano sa face ko at si Ms.Diano naman sa buhok.

"Thank you po talaga Ms.Diano at Ms.Yvano ah...Nakakahiya man to pero pwedeng isang group hug ulit?"
Nakangiting sabi ko.

"Halika dali!"

*Group Hug*

"Wow naman...Ang saya-saya natin ngayon ah?"

( O_O)

Gulat kaming napalingon sa likod namin.

"Sigurado ba talaga kayo na maipapanalo ng haliparot na yan ang contest? Eh ano bang alam niyan? puro lang naman kalandian at pang-aagaw ang laman ng hugis munggo niyang utak! Baka pagtawana lang siya sa gitna, hahaha how ridiculous..."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at ngumiti sa kanya.
Grabe na talaga, lagi nalang sa tuwing magkakaharap kami gumagawa siya ng dahilan para mag-init ang ulo ko.
Alam niyo bang nakakainit ng ulo ang paulit-ulit na pamimintang niya sakin na wala namang katutuhanan!

"Haliparot...Malandi...Mang-aagaw...Hugis munggo ang utak...Hhm, diba ikaw yun Colleen?"
Sabi ko sa kanya at namilog agad ang mga mata niya.

"How dare you!"
Susugod na sana siya ng pigilan siya ni Robert.

'Ano namang ginagawa ng isang yan dito?!'

"Ano pa bang ipinunta mo dito ha Colleen? hindi ka na kailangan pa dito kaya bumalik kana sa kung saan kaman galing kanina."
Si Ms.Diano.

"Kung manggugulo ka lang dito please umalis kana, kanina kalang namin kailangan at hindi na ngayon."
Si Ms.Yvano naman.

"What?! I can't believe this is happening...That gown, those cheer----.Everything will supposed to be mine! Then what the hell are you talking about?!"

"Colleen tama na..."
Si Robert sa kanya.

"Bitiwan mo 'ko!"
Sigaw niya naman kay Robert.
"Pinapaalis niyo ako dahil lang dito sa babaeng to? Ha! Eh bakit hindi siya ang paalisin niyo since andito narin naman ako?!"

Nababaliw na talaga siya, siya pa tong may ganang magalit sa kabila ng hindi niya pagsulpot kanina.
Bakit ginusto ko ba to? napilitan lang kaya ako, tapos ngayon na nag-eenjoy na ako bigla naman siyang dadating at papaalisin ako...
Huwow! Ang galing-galing hindi na nahiya ang bruha.

"Hindi maaari yang sinasabi mo, dahil huli kana kung maaga kalang di sana ikaw ang naka-gown ngayon at pinapalakpakan ng mga tao---.Kaso hindi! Ang tanga-tanga mo alam mo ba yun?"
Si Ms.Yvano.

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now