Chapter 57 📖

14 7 2
                                    

Chapter Fifty-seven: Intense Feelings

*Kkkrrrrriiingg!!!*

At nagising nalang ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko na yun.
Inayos ko pa muna ang sarili ko pati ang higaan ko bago lumabas ng kwarto.

Nagluto agad ako ng uulamin namin and as usual magwo-work out na naman ako, para stay healthy parin ganern!

Pero sa kalagitnaan ng ginagawa ko bigla nalang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa notes na yun kahapon.
Napabuntong hininga pa ako bago nagtuloy ulit sa ginagawa.

'Tsk...Ang hilig naman kasing makipagbasag-ulo eh, kaya walang duda maraming kaaway at galit sa demonyong si Mr.Demon.
Tapos kaya niya pa daw mag-isa lang?! Ha! Ang lakas talaga ng self confidence eh, lumelevel up every day kaya mas lalong kumakapal yung mukha! Hays!...'

Pero...

*Lunok*

'Sino naman kaya ang ugok na nagbibigay sa kanya nun? T-tapos babae pa! At mas lalo pa tuloy akong kinabahan dahil sa sinabi niyang mag-iingat ako, d-dahil nakakasama ko daw siya. Gosh buti at wala akong mga kaaway masyado...Good girl ako eh'

Nag-isip pa ako sa mga taong pwedeng paghinalaan ngunit wala talaga akong maisip eh!
Lahat naman ng nakakasama ko nung mga nakaraan puro mga candidates, at halos lahat sila mababait naman sa'kin but not those witch Colleen and Janica!
May gusto nga ang dalawang yun kay Mr.Demon eh, kaya hindi...

"Hindi sila, pero kung hindi sila eh sino??"
Mahinang tanong ko sa sarili.
"Bukod naman sa dalawang yun nakakasama ko rin sina Ms.Diano at Ms.Yvano, p-pero hindi naman siguro...Pati na yung mga co-candidates ko, gaya ni Lily"

I sigh.

"Eh bakit ko ba pinoproblema yun eh kaya naman daw niya! Tsk bahala siya sa buhay niya kahit mapahamak pa 'yon, pati nga mga kaibigan tinanggihan, eh kasi nga hambog siya masyado! Feeling niya may super power siya kaya hala! Tignan lang natin kung hanggang saan ang powers mo..."
Inis kunyaring sabi ko ulit sa sarili at nagtuloy ulit sa ginagawa.

Maya-maya pa.

Agad naman akong napalingon sa malakas na umubong si Mr.Demon.
Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa, bago nagsalita.

"Ayos kalang?..Sabi ko naman sayo wag ka munang maligo eh."

"Ano bang sinasabi mo diyan, parang ubo lang."

"Ubo nga,eh malay ko bang nilalagnat ka parin. Alam ko kasing hambog kang tao eh, kaya malay ko nagpapaka-strong kalang diyan..."

"Ayos nga lang ako...At tsaka salamat narin sa pag-aalala mo, I appreciated it.."
Nakangiting sabi niya sa'kin ngunit masama parin ang tingin ko sa kanya.

"Hehehe your welcome!"
Sarkastikong sabi ko na inirapan pa siya. At nagtuloy ulit sa ginagawa ng biglang...

( >_< )

"A-arrray..."
Mahinang usal ko.

"Are you okay?"

"Awtssss..."

"Hey Peppa anong nangyayari sa'yo??"

Hindi ko na siya nagawang sagotin pa dahil sobrang sakit na talaga ng puson ko!!! Mabilis akong nagpunta ng banyo at naramdaman ko namang sumunod siya, pero sa labas lang siya syempre...Duhhh!

"Diyos ko poooo! Bakit ngayon pa?! Ngayon pa at wala na! Finish na! Waley na! Huhuhuhuh..."

"H-hoy anong nangyayari sa'yo diyan?! Peppa nag-aalala ako sayo please sumagot ka!"
Rinig ko pang sigaw niya mula sa labas.

CAPTIVATED BY MR.DEMONOn viuen les histories. Descobreix ara