Chapter 10 📖

50 29 2
                                    

Chapter ten:Broken

Kinabukasan...

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana ko.
Feeling ko ang dami kong ginawa kahapon kaya ito parang pagod na pagod ang katawan ko.
Dahan dahan akong tumagilid at bigla nalamang nanlaki ang mga mata ko pagtingin ko sa alarm clock ko at agad na napabalikwas sa kinahihigaan dahil subrang late ko na!at wahhh di pwedeng ma-late ako huhu!...

"May...may!asan po kayo?"
Kasalukoyan kong hinahanap ngayon si mamay kaso parang wala ito.

"Erika gising kana pala..."
Sabi ni kuya lance habang pinapakain ang cute niyang alagang parrot.

"Si mamay po?"
Tanong ko dito

"Nako kanina pa umalis para magbantay ng tindahan ninyo,bakit mo ba siya hinahanap?"

"Ah wala po salamat"
Ani ko.

Ano bang nangyari?bakit matagal akong nagising?at parang pagod na pagod pa tong katawan ko?...
At biglang---

"Oh My God!"

Ganon na lamang ang naging expression ko ng biglang nagsipasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari kahapon.

~Flash Back...

Habang kasalukoyan akong nakatunganga dito sa sala ng Condo ni Darryl kasi nga iniwan ako at ang nakakainis pa don ay ni-lock pa yung pinto,hays ginawa akong preso!
Bigla naman akong nabuhayan ng bigla itong bumukas,agad ko namang naiisipang magtago sa isa sa mga sofa dito.
Nakita kong pumasok si Lesther at tila may hinahanap, pumunta siya sa may mesa kung nasaan ang TV at agad akong pumoslit palabas ng Condo ni Darryl!

Nakita ko naman ang kotse ni Lesther sa may parking area at hindi ko nalang alam Kong anong nakain ko kung bakit ako sumakay doon.sumakay ako sa may passengers sit at nagtago baka kasi makita niya ako at pababain at ikolong ulit don sa walang kuwentang Condo na yun... Hmpp no way!

Curiosity kills talaga eh...

At yun na nga,andito na ako sa lugar na tinatawag nilang Hellquarters. Pero subrang malas ko lang ng may biglang humuli saakin at pinagbintangan pa akong magnanakaw,eww ano naman kaya ang mananakaw ko sa lugar na ito eh halos wala namang mga gamit at ang luma pa tsss.
At yun pinipilit kong sabihin dun sa mama na kilala ko si Darryl para naman pakawalan ako pero kahit anong sabihin ko,wa' effect!
Biglang napabaling ang tingin ko sa mga taong nagsisigawan,at laking gulat ko nalang ng makitang hila hila ng  dalawang lalaki ang dugoang katawan ng tao at wala itong ulo!
Bigla akong nakaramdam ng takot at the same time kinakabahan din baka kasi magaya lang ako don,kaya agad kong tinadyakan ang paa ng mamang may hawak sa'kin at kinagat ang kamay na nakahawak sa mga kamay ko at dali daling tumakbo palayo!

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now