Chapter 53 📖

9 8 0
                                    

Chapter Fifty-three: Realization

Erika's POV.

Alam niyo yung feeling na pabiglabigla ka nalang gumagawa ng eksena na hindi man lang iniisip kung anong kakahantongan non?
Tapos bigla mo nalang marerealize na mali pala yun after mong gawin yun...
Well sobrang nakakahiya!!

"Ano bang ginawa ko?!
Bakit ba----.Aish baliw na talaga ako!!"
Inis kong pinagpapalo ang ulo ko habang mabilis na tumatakbo na hindi alam kong saan ako papunta.

Sobrang nakakahiya yung ginawa ko grabe! Sinong matino ba ang gagawa nun?! Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'kin, pati mga kilos ko pabiglabigla! Ni hindi ko man lang inalam na isang malaking pagkakamali ang halikan ang isang Mr.Demon Velasquez!

Huminto ako at naghahabol ang hiningang nakahawak sa dalawang tuhod ko.

"Mabuti nalang talaga at napigilan niya ako sa kabaliwan ko...Hays!
Ano bang problema mo Erika bakit mo ba kasi naisipang gawin yun?!"
At inis kong sinabunotan ang sarili.

"Erika...Are you okay?"

(O_O)

Agad kong nilingon ang pamilyar na boses na yun at nangingilid ang luha kong nilapitan agad siya at niyakap.

"Ethan I'm sorry...h-hindi ko ginustong g-gawin yun sa kabigan mo..."

"Erika..."
Banggit niya sa pangalan ko at kumiwalas na sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Don't worry naniniwala ako sa'yo."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, feeling ko ang laki-laki ng maling ginawa ko kaya siguro pagkakita ko kay Ethan ay nangilid bigla ang luha ko.
Natatakot ako na baka isipin niyang ginusto ko talagang gawin yun kay Mr.Demon, natatakot ako na baka mag-iba ang tingin niya sa pagkatao ko dahil sa ginawa kong yun....

"I just come to comfort you...
Alam kong nabigla kalang sa pag-tatalo ninyo ni Colleen kanina."

"S-sorry talaga ah..."
Malungkot paring banggit ko.

Dahan-dahan naman niya akong inilapit sa kanya at nagyakap ulit kami.

*Gasp*

"Hindi ko naman talaga dapat gagawin yun eh...
Dahil ikaw naman talaga ang gusto ko..."

(O_O)

Bigla naman akong natigilan sa mismong sinabi ko!
At mabilis akong kumiwalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

*Lunok!*

'Ohh no!!...'

"A-anong ibig mong sabihin?"
Nagtatakang tanong niya.

Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya at ganon nalang din kalakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba!

'Anong sasabihin ko?!
Oh no bakit ba lagi nalang akong pabiglabigla?!'

"Erika?.."

"W-wala yun! Pasensiya kalimotan mo nalang ang sinabi ko...
W-wala yun..."

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now