Chapter 67 📖

38 2 0
                                    

Chapter sixty-seaven: Birthday Gift

Erika's POV.

"May mauuna na po kami..."
Pagpapaalam ko kay mamay, at parang gulat pa siyang napatingin sa'min.

"Aalis na kayo? E-eh masyado nang malalim ang gabi, mabuti pa'y dito na muna kayo matulog. Darryl iho dito na muna kayo matulog."

"Eh saan naman po siya matutulog may? Wala na po tayong bakanteng kuwarto."
Sabi ko.

"Kung gusto mo tabi nalang tayo..."
Bulong sakin ni Mr.Demon!

( >_<)

"Tumahimik ka kung ayaw mong matulog sa labas."
Bulong ko 'rin.

"Makakaya mo ba namang makita akong ganun?"

"Oo, kaya tumahimik---."

"Naririnig niyo ba ako?"
At gulat kaming napatingin kay mamay.

"May?"
Ako.

"P-po?"
Si Mr.Demon.

"Ang sabi ko malaki naman ang kwarto ni Jake, kasya na silang dalawa ng boss mo dun. Darryl iho ayos na ba yun sayo?"

"Wala pong problema sa'kin yun tita."

"Mabuti kung ganun, hala dito ka muna at gigisingin ko muna yun, kukuha narin ako ng extra pang kumot para sa'yo."

"Sige po..."
Sabi pa ni Mr.Demon at nagpunta na si mamay sa kuwarto ni Jake.

Nagsiuwian na lahat ng mga bisita namin, maging si Nur at yung tatlong demonyo, 11:00 pm narin kasi.
Sininyasan ko si Mr.Demon na umupo muna sa sopa at naupo naman kaming dalawa.

"Peppa..."
Mahinang tawag niya sa'kin.

"Bakit?"

"Ayaw kong katabi si Jake, gusto ko ikaw..."

( O_O)

"Paano kung ayaw ko?"

"Tss...Alam kong gusto mo rin, pakipot pa."

"Sabing---."
Ako sabay bato sa kanya ng unan.
"Tahimik eh! Marinig ka ni mamay baka ano pang isipin nun."

At bahagya pa siyang natawa.
Ilang segundong katahimikan pa ang namagitan sa'min bago siya nagsalitang muli.

"Sorry nga pala kanina."
Naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.

I sigh.

"Bakit mo ba kasi naisipang magtawag ng mga pulis?"

"Sorry na nga kasi."

"Oo na nga, kaya tinatanong kita kung bakit mo ginawa yun?"

"Sa tono mo kasi parang galit ka...s-sa'kin."
Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. At mukhang hindi niya rin napansin iyon dahil sa sahig lang ang tingin nito.

'Ibang-iba na talaga siya. May pakealam na siya sa nararamdamaan ko ngayon lalo na't nagalit ako...Affected much hehe.'

"Nagawa ko lang naman yun kasi nag-aalala ako sa maaaring gawin sa'yo nung...n-nung Lily na yun! Nalaman ko pang tomboy siya kaya mas lalong kinabahan ako."

"Napag-usapan nga pala namin kanina ang tungkol diyan, kaya wala ka nang dapat ipag-alala pa dahil naka-move on na raw siya sa ex niyang si Maya."
Sabi ko.

Hindi ko sasabibin kay Mr.Demon ang tungkol sa mga death threats, dahil gusto kong si Lily mismo ang umamin nun sa kanya. Hindi ko alam kung kailan niya gagawin yun pero sana ay bukas o di kaya sa lalong madaling panahon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAPTIVATED BY MR.DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon