Chapter 54 📖

7 7 0
                                    

Chapter Fifty-four: Confession

"Sabi ko mahal kita!"

(O_O)

"Ano?!"

"Bingi kaba ha?!"

"Eh baliw kaba ha?!"
Inis na sigaw ko sa kanya, natigilan naman din siya.
"Wag ka ngang mag-biro ng ganyan, I love you I love you kabaliwan! At sinong tanga ang maniniwala sayo?!"

"So hindi ka naniniwala?"

"Syempre noh---!."

"Good!"
Biglang sapaw niya at nagulat pa ako nung bigla siyang pumasok sa loob ng kotse at malakas na isinara yung pinto!

Inis naman akong napalingon sa paligid ko. At doon ko nakita ang papalayong grupo ng mga kalalakihang may dalang speaker!

"Bwisit kaya pala biglang may lumitaw na music!
Timing na timing ah...Parang teleserye lang---."

*Pepppep!!*

"Ay butiki! Pepep---.Ano ba bakit ka ba pepep ng pepep diyan?!"
Inis na bulyaw ko sakanya.

"Sasakay ka o sasagasaan kita?!"

"S-sasakay syempre...Gosh bad mood na naman."

Sa biyahe.

"Anong nangyari diyan?"
Biglang tanong ko sa kanya na tinuri pa yung sugatan niyang kamay.

Kanina ko pa kasi yun napapansin, hindi ako nakapagpigil kaya ayun naitanong ko na.

'Sana hindi magalit...'

"Tsk!"
Singhal niya.

( //-___- )

Matapos nun ay hindi na ulit ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa Condo niya.
Mabilis akong pumasok ng kwarto ko at nagbihis, lumabas ako pagkatapos ng bigla ko siyang nakita sa sala habang ginagamot niya yung sugat niya.

Nakangisi naman akong umupo sa harapan niya.
Nilingon niya ako at agad din naman ding tinuon ang pansin sa paggagamot ng sugat niya.

'Ang tagal namang magpatulong nito pakipot pa, alam ko namang nahihirapan siya sa ginagawa niya at kailangan niya ang tulong ko!
Hay nako Mr.Demon...'

"Mag-coconfess kaba saakin ngayon ng feelings ha?"

(O_O)

Bigla siyang nagsalita na hindi man lang tumitingin saakin!

"GGSS talaga..."
Bulong ko.

"Ano namang ibinubulong mo diyan?"

"Wala...Sabi ko hindi."

"Anong hindi?"
Tanong niya na tumingin na saakin.
Agad ko namang iniiwas ang paningin ko.

"H-hindi...Kasi wala naman akong gusto sayo noh duhh kaya anong aaminin ko?"

"Eh bakit ka andito ngayon sa harapan ko? Nag-papacute?"
Seryoso kunyaring tanong niya pa.

"Hindi ko naman alam na nakyukyutan ka pala saakin."
Nakangising sabi ko.
Umiling lang ito at hindi ako sinagot.

"Ahhh...sheyt!"
Mahinang ungol nito.

"Tsk tulongan na nga lang kita!"

At agad akong natigilan ng bigla siyang tumingin saakin ng masama!

*Lunok!..*

"Hiningi ko ba ang tulong mo?"
Salubong ang kilay na tanong niya.

"K-kasi naman nakikita kitang nahihirapan diyan, gusto ko lang sanang tumulong..."

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now