CHAPTER 4

468 19 0
                                    


CHAPTER 4

Lumipas ang unang lingo at masasabi ko kahit papaano ay naging malapit kami ni Stephen sa isa't isa.

Lunes nanaman at halata naming may pasok nanaman. Mabuti na lang ay wala pang naibibigay na misyon si atom.

Unang linggo palang ay napaka-hectic agad. Maraming pinapagawa at mga group works lalo na sa P.E dahil kailangan pa namin pumasok ng sabado para sa lintik na swimming. Tapos yung mga boys naman ay basketball.

Half day lang ngayong araw dahil nga darating yung mga super visors at principals mula sa iba't-ibang school.

Iniisip ko nga kung papasok ako ngayon dahil three hours lang naman yung ilalaga ko sa school.

Si kaye hindi papasok ngayon dahil nga dahilan niya ay saglit lang naman tsaka okay lang naman sa kanya hindi pumasok dahil sabi nga niya..

"Grades are just a number."

Pero ako, kailangan kong i-maintain yung grades ko dahil kila daddy lalo na't nag-iisang anak ako.

Kailangan lagi ako sa top. Lahat ng galaw ko kailangan limitado pero ang hindi nila alam ay isa akong secret agent at walang nakaka-alam 'non.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Pagka-bukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si mommy.

Naka-ngiti ito at nagulat ako ng niyakap niya akong bigla.

Sa huli ko lang nailagay yung kamay ko sa likod niya dahil talagang nagulat ako.

"May naghihintay sayo sa baba..boyfriend mo ba yon? Gosh buti na lang akala talaga naming ng daddy mo tibo kana! Thanks god!" Kinikilig pa na sabi niya.

I frowned

"S-sino po?" Takang tanong ko at nauna na akong bumaba at nakasunod lang sa'kin si mommy.

Nakita ko si Stephen at si daddy na nasa sala.

Nilapitan ko sila.

I looked at Stephen and he gave me a simple smile.

My wrinkles on my forehead is already showing.

"Ha-ha-ha classmate ko po dad haha alis na po kami." I said.

I hugged them before we leave.

Nang nasa garahe na kami ay huminto kami at hinarap ko na siya.

"Anong ginagawa mo dito---tsaka paano mo nalaman tong bahay naming?"

Hindi ko alam kung anong uunahin kong tanungin.

"Ahm sinundo kita para sabihin na mag cutting na lang tayo total wala naman tayo masyadong gagawin.." Naka-ngising sabi niya.

Konti na lang ay magsasalubong na ang mga kilay ko dahil sa siniabi niya.

"Hibang kaba?"

"Hindi gwapo lang hehe—Aray naman!"

Hinawakan niya pa yung tiyan na sinuntok ko.

"Puro ka gwapo! Ayoko nga tsaka ang bad influence mo naman sa'kin! Dadamay mo pa ako sa mga gawain mo!" Sabi ko at nawala ang ngiti niya sa labi.

"Ayaw mo?"

Tulad ng lagi niyang ginagawa ay kinagat niya yung ibabang labi niya at ang pagkamot sa batok niya.

"Ayoko! Ikaw na lang." Sabi ko.

"Kung ga'non ay mauuna na ako sayo." Sabi niya at tinalikuran na ako at naglakad palabas ng gate.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя