CHAPTER 5

422 18 0
                                    


CHAPTER 5

Hindi nalaman nila mommy na lumiban ako ng klase kahapon at ngayon nga ay kaa-uwi ko lang at hindi pumasok si stephen. hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero talagang pinag-iisip niya ako.

Maayos naman siyang naka-uwi kahapon. hinatid ko pa nga siya.

Naisipan kong pumunta kila kaye ngayon at magpapahinga lang ako saglit.

Wala naman sila mommy dahil nasa trabaho sila.

Uuwi na lang sila kapag tapos na sila at minsan na lang kaming magkita-kita.

Pagka-rating ko sa bahay ay agad akong sumalampak sa kama.

Nakatingin ako sa kisame at bigla nalang napa-ngiti nang maalala ko yung nangyari sa perya.

Tahimik ang buong silid at tanging pag-hinga ko lamang ang narinig ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko inaasahan na makakatulog ako ng tuluyan.

Nagising na lang ako nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Grace! Anak!" Rinig kong boses ni mama.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.

Kinusot ko pa ito at naupo.

Tumingin ako sa bintana at kita kong madilim na.

Wtf

"Papasok na ako ah!" Sabi ni mommy at kita kong gumalaw yung door knob at iniluwa nga 'non si mommy.

"Are you okay? Kanina pa kita kinakatok." Sabi niya lumapit siya sa'kin.

Napangiti ako ng wala sa oras.

Once in a blue moon lang nila ako tinatanong kung okay lang ba ako kapag may oras sila.

Tiningnan ko siya.

Hindi pa ganon katanda si mommy at sumisigaw pa'rin yung kagandahan niya.

Fare skin, long wavy hair and her pretty face.

"Naka-tulog po kasi ako mom." Sabi ko at tumango lang siya.

Tumabi siya sa'kin.

"How's school?" Tanong niya.

How's school? Wala na bang ibang tanong?

"Fine mom." I said.

Wala akong galit sa parents ko sadyang nalayo lang yung loob ko sa kanila dahil sa work nila. I would always understand kung bakit kailangan nilang mag-trabaho.

Dahil sa'kin at sa ika-aayos ng company naming in the future.

Pero tumatanda ako na parang wala akong magulang.

Nandiyan sila for financial or what but I don't feel them anymore.

"You want us to talk?" Sabi niya at umiling lang ako.

"I'm okay mom. Baba na po ako maglilinis lang ako ng katawan." Sabi ko.

"If that's what you want." Sabi niya.

Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto at 'don lang ako naka-hinga ng maayos.

Pumasok na ako sa cr at naligo.

Hindi na ako nakapunta kila kaye. Text ko na lang siya kung bakit hindi ako naka-punta o baka bukas diretso na ako sa kanila.

Bumaba na ako at naabutan ko silang nagsisimula pa lang.

Lumapit ako kay daddy at hinalikan siya sa pisngi bilang pag-bati.

Ang aga yata nila ngayon.

"Kain na anak,"Sabi ni daddy.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz