CHAPTER 30

429 17 1
                                    

Stephen POV

Mabilis akong tumungo kay grace nang mawalan siya ng malay.

Agad nilang hinula ang baliw na si beatrice at agad naman din na kinalagan ni tito si tita.

Umiiyak ang mag-asawa habnag tinitingnan ang anak nila.

Pilit kong pinapatatag ang sarili ko.

Hold on grace..

Binuhat ko ito at agad naman simunod sila tito.

Agad na pumasok sa likod si tita at nilagay ko naman doon si grace.

Tinitigan ko pa muna ito bago isara ang pinto at pumasok sa driver seat.

"Grace gumising ka huhuhu wag kong iiwan si mommy.." Umiiyak na sabi ni tita.

Mabilis na pinaandar ko ang kotse at panay tingin ko sa rearview mirror dahil kay grace.

"Malapit lang dito ang hospital kumalma ka muna maris."

Sabi sa asawa pero ang totoo ay sobrang kinakabahan si tito dahil sa paa nitong nanginginig.

Nakatingin siya sa mag-ina niya.

"Kasalanan ko 'to eh! Dahil mangyayari to kundi dahil sa'kin."

Sabi ni tito at ginulo pa ang buhok.

"H-hindi kasalanan ko ito. Kung hindi ako lumabas edi sana walang ganitong nangya--grace huhuhu!" Muling iyak nanaman nito.

Mabilis kaming nakarating at agad na may naglabas ng stretcher at may mga doctor din.

Nilabas ko na si grace at nilagay sa stretcher.

Hawak ko ang kamay nito habang pinapasok sa loob.

Titig na titig lang ako sa mukha nitong walang malay hanggang sa unti-unting dumilat ang mga mata niya.

"Grace huhhu kapit ka lang anak huh nandito lang si mommy." Sabi niya sa anak niya.

May lumabas na luha dito at may hinanap pa siya hanggang sa nahinto ang mga mata niya sa'kin.

Nagulat ako dahil mas dumami pa ang luha nito.

Ang malungkot niyang ngiti ang nagpakawala sa luha ko.

Pinisil ko ang kamay niya tanda na nandito lang ako.

"M-mahal kita.." Sabi niya at ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Huminto kami nang nasa tapat na kami ng operating room.

"Dito na lang po muna kayo," Sabi ng isang doctor.

"Pwede ba akong sumama sa loob doc?" Umiiyak na tanong ni tita.

Emosyonal parin to hanggang ngayon.

Inaalalayan lang ito ni tito dahil baka mawalan ng malay sa ginagawa.

"Sorry miss pero hindi pwede." Sabi ng doctor.

Muli akong tumingin kay kaye na ngayon ay nakapikit na.

Dahan-dahan siyang nikayo sakin hanggang sa hindi ko na siya makita dahil sa pag sarado ng pinto.

"Maupo ka muna." Sabi ni tito kay tita pero iyak lang ito ng iyak.

"Kapag may nangyaring masama sa anak natin hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Nakatingin lang sila sa isat-isa.

Hinaplos ni tito yung pisngi ni tita.

"Walang mangyayaring masama sa anak natin. Matapang siyang tao at alam kong kakayanin niya ang lang ng 'to." Sabi niya at niyakap ang asawa.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now