CHAPTER 36

510 21 0
                                    

GRACE POV

Maaga akong nagising para sa pagpunta sa bahay ni kaye.

Birthday ni tyronia at pupunta ako doon para makatulong kahit papaano.

Malaki na siguro ang batang yon.

Isasama mo si george para naman hindi siya mabored dito sa bahay.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo ah." Sabi ni mommy at pinasakay na si george sa kotse ko.

Kumaway ako dito at agad na pinasibad ang sasakyan.

"Are you excited?" I asked him.

"Why would i?" Masungit na sabi nito.

Kulang kasi ito sa tulog kaya ganyan.

"Aysus ang sungit naman." Sabi ko at inabot ko ang ulo niya at ginulo ang buhok nito.

Hays magkikita nanaman kami ni stephen.

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong gabing sinabi niyang 'Then, lets get married.'

May saltik lang.

Over the years, I can say na walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya.

Marami man akong nakilala at mga tinanggap manliligaw ay siya parin ang hinahanap ng sistema ko.

Pinilit kong kalimutan siya pero walang talab ang mga ginagawa ko.

Nakikipag date ako at sa huli ay b-bastedin din dahil siya parin talaga eh.

Ayokong paasahin ang sarili ko pero mas ayoko namang umasa ang ibang tao ng dahil sakin.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami.

Kitang-kita ko agad sila kaye mula dito.

Nasa labas sila at nag-aayos ng wall decorations at nag-aayos ng mga lamesa.

Lumabas na ako at agad na umikot sa kabila para pagbuksan si george.

Nakanguso lang ito magdamag halatang wala sa mood.

"GRACE!!"

Agad kong narinig ang tili ni kaye.

Lumapit ito sakin at agad akong niyakap.

"Buti naman at dumating kana. Oh hi george,"

Kinawayan niya pa ito.

"Hello," Walang ganang sabi niya.

"Pagpasensyahan mo na at kulang kasi sa tulog yan." Sabi ko at inaya na siya papasok.

Sinalubong naman ako ni tyron ng yakap.

"Nice to see you again."

Tumango ako at agad na ngumiti.

"Pasok na muna kayo sa loob." Sabi ni kaye.

Tumango ako at tulad ng inaasahan ay nandoon din sila stephen.

Nakita niya ako pero agad din umiwas ng tingin.

"Patulugin mo muna si george sa kwarto ni kayden."

Nilingon ko si george.

"Gusto mo ba?"

"No need."

Tumango na lang ako.

"Tyronia! Kayden! Tara muna dito."

Tawag ni kaye sa mga anak.

Agad kong nakita ang dalawa galing sa kusina.

Nasa harap ko na sila ngayon.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now