CHAPTER 9

419 18 0
                                    

STEPHEN POV

Nandito kami ngayon sa mansyon ni khen at kasulukuyang pinapa-nood yung mga cctv's footage noong nangyari kagabi at kung sino 'yung sniper na 'yon.

Naka-connect yung laptop sa malaking tv kaya hindi namin kailangan mag-siksikan.

"Ayan! Pindutin mo yan.." Sabi ni jared na naka-turo sa taong naglalakad sa hagdanan at hindi gumamit ng elevator.

Galing ito sa rooftop at malakas ang hinala na'min na siya 'yon.

Naka all black siya. Naka sombrero, leather jacket at jeans pati ang sapatos nito ay kulay black din.

May dala siyang malaking bag.

Swabe siyang bumababa sa hagdanan na parang walang nangyari.

Base sa pangangatawan niya ay masasabi kong babae siya kahit hindi man kita ang mukha nito.

Tinanggal niya yung pagkaka-zipper ng jacket at 'don lumabas ang kulay putting panloob nito.

Ga'non na lamang ang kaba ko.

Hindi maaring siya yan.

Sabi ko sa isip ko.

Maiigi kong pinag-masdan ang galaw niya pati na'rin ang mukha niya.

Hindi man kita ng buo ang mukha niya pero talagang napaka-lakas ng kutob ko.

Ini-stop ni dhylan 'yon.

"Sino kaya siya at ano ang kailangan niya." Sabi ni drake.

"Hindi na'tin alam kaya aalamin na'tin kung sino siya." Sabi ni khen.

"Kailangan na'tin mag-lagay ng patibong." Dagdag pa niya.

"Ano huhuliin na'tin yung sniper na 'yan?" Tanong ni dhylan.

Seryoso lahat kami at talagang nag-iisp ng susunod na gagawin.

"Sa ngayon mag f-focus muna tayo sa kanya." Sabi no khen.

Tumango naman kami.

"Paano kaya kung ipapain ka naming.." Sabi ni jared at bigla siyang binatukan ni drake na katabi niya lang.

"Gago ka talaga!" Sabi ni drake.

"Exactly.. yan ang gagawin na'tin. Susubukan lang naman na'tin." Sabi ni khen at tumingin kaming lahat dahil sa gusto niyang mangyari.

"May point ka.. dahiol kung gagawin mo yan ay malalaman na'tin kung kalaban ba ang sniper na 'yon o kakampi." Sabi ko.

"YES hahaha tangina may isip ka pala!" Asar pa ni dhylan kaya binato ko ito ng unan na katabi ko.

"Gago ka talaga! Kahit ganito ako mas matalino naman ako sayo tanga!" Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ang lahat at ilang Segundo lang ay nag seryoso ulit.

"Ako lang ang lalabas ng bahay bukas ng umaga para mag jogging.." Sabi ni khen at umayos ng upo.

"Maraming mataas na gusali sa lugar na 'yon at p-pwede rin bumalik ang sniper na 'yon. Huhuliin na'tin yung sniper na 'yon bago na'tin huliin yung killer. Okay ba?" Sabi ni khen at tumaas-taas pa yung kilay niya at sumandal sa sofa.

Iniisip na naming yung mga senaryo na pwedeng mangyari.

"Anong part na'min? Mag-aabang kami?" Tanong ni dhylan.

"Tag-iisa tayo ng parte syempre. Si jared ay mag-kukunwaring hindi ako kilala at sasamahan akong mag jogging habang kayo ay naka-abang lang sa mangyayari. Si Stephen naman ay mag s-stay lang sa isang lugar at gagamit ng monocular telescope para makita yung sniper. Si dhylan at drake ay tsaka lang a-aksyon kapag sinabi na ni Stephen. Bali ang magiging mata na'tin ay si Stephen. Kapag nakita niya yung sniper ay agad kayong pupunta kung nasaan 'yon." Mahabang sabi niya.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt