CHAPTER 29

423 21 1
                                    

GRACE POV

Dala ko na ang bag ko at handa ng pumasok sa elevator nang may humila ng braso ko.

Nag-aalalang mata ni stephen ang bumungad sa'kin.

"Saan ka pupunta?"

"P-puntahan ko si mommy, Ililigtas ko siya." Sabi ko at bumitaw ako at agad na pumasok sa elevator.

Anong gagawin ko?

Nasaan na si mommy? Sino ang maaring pagdudahan ko sa pagkidnap sa kanya.

Mabuting tao si mommy at walang magtatangkang gawan siya ng masama.

Hinarap ako ni stephen at hawak-hawak ang magkabilang balikat ko.

"Ano bang nangyari? Please sabihin mo sa'kin."

"N-nakidnap siya h-hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya."

Parang lutang ako ngayon.

Inalog niya ako.

"Huwag kang mag-isip na may mangyayaring masama kay tita. Puounta tayo sa inyo." Sabi niya at tumango lang ako at niyakap niya ako.

"Sshhh dapat ngayon ka nagpapakatatag." Sabi niya at dahan-dahan na hinaplos ang likod.

Bumukas ang elevator at patakbong pumunta sa kotse.

"Ako na ang mag d-drive." Sabi niya at agad naman akong sumakay.

Pagkasarado ng kotse ay ni-start niya agad.

Ramdam ko ang tingin niya sa'kin at agad din naman pinaandar ang kotse.

Pumikit ako.

Isa ba ito sa naging kalaban namin at dinamay ang pamilya ko?

Pero hindi maari yon dahil bilang lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao miski ang pangalan ko ay tago.

Dumilat ako at bumuntong hininga.

Sino? Sino ang gumagawa nito.

"Ok fine, but wait for my revenge. I will do everything to break your family. You know me, i can do whatever i want and i make it possible."

Tama.

Sinabi yun ng babae.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Baka sa sobrang galit niya ay mapatay niya si mommy.

Masyado akong kinakabahan.

Magaling akong magprotekta ng ibang tao pero bakit ang sarilin kong ina ay hindi ko man lang nagawang bantayan.

Hindi ko namalayan na nasa bahay na kami. Agad kong binuksan ang pinto at agad na patakbong pumasok sa bahay.

Nakita ko si daddy doon nakatayo at halatang namo-mroblema.

May mga tao doon.

Sinalubong ako ng yakap ni daddy.

"Dito ka lang huwag kang lalabas."

Tiningnan niya si stephen na nasa likod ko.

"Sir,"

Nakipag shake hands siya kay daddy.

"Na trace naba nila kung nasaan si mommy?" Tanong ko at nakitingin sa bagay na tinitingnan nila.

"Hanggang ngayon ay wala pa." Sabi ni daddy.

"Ilang oras naba siya nawawala?" Tanong ko.

"Mga anim na oras na, Sabi niya kasi ay bibilhin lang siya sa labas pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Nakita namin yung mga cctv's at may biglang humatak sa kanya sa loob ng van."

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now