CHAPTER 20

414 19 0
                                    

Grace POV

Dumating ang hating gabi at tapos na'rin akong kumain ng hapunan.

Wala naman nanggugulo sa'kin ngayon dahil nga nasa condo ako pwera na lang kung guluhin ako ni stephen.

Kumuha ako ng mga prutas at hinwa ito at dinala sa sala.

Binuksan ko na yung tv at handa na sanang maupo nang marinig kong may nag door bell.

Nilingon ko ito at binaba na muna ang hawak kong bowl na may laman na orange tsaka mansanas.

Tumungo na ako at binuksan yung pinto.

Ga'non na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si luke.

The tall, dark and handsome.

"Anong pakay mo?" Pinag-taasan ko ito ng kilay.

"Yung condo mo kaya nga ako nandito diba?" Sabi niya.

Tiningnan ko siya at ang simpleng dress shirt nito na kulay puti at jeans na suit nito ay hindi nagpabawas sa kagwapuhan niya.

May dala siyang maleta.

"Bakit mo dala yan?" Sabi ko at tinuro ko ang maleta niya.

Sasagot na sana siya nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ni stephen.loop

Agad na dumako ang mga mata niya kay luke at lumipat sa'kin.

Tuluyan siyang lumabas at hinarap kami at taas noong tumingin kay luke.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at halata sa mga mata niya ang pagtatanong kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

"Si luke nga pala," Sabi ko at hinarap.naman ni luke si stephen at maangas na tinaasan ito ng isang kilay.

"Hmm?" Mahinang usal ni luke at nagtataka siguro kung bakit ko siya pinapa-kilala.

"Hahaha si stephen nga pala.." Sabi ko.

Magka-harap sila at nakatingin sa isa't-isa at ang mga mata ng mga ito ay parang may kuryente na naka-konekta.

Napa-iling naman ako.

Parehas ko silang tinulak.

"Tumigil nga kayo diyan!"

Parehas nila akong nilingon.

Magsasalita pa sana ako nang magsalita naman si stephen

"I'm the boyfriend," Sabi niya at naglahad ng kamay kay luke at ngumisi ng nakakaloko.

Makahulugang tiningnan ako ni luke. Ngumiti naman ako dito at marahang tumango.

Ilang saglit pa 'nong nag sink in sa kanya at tumango naman siya at kinuha yung kamay ni stephen at saglit na nakipag-shake hands.

"I'm luke.."

"Alam ko na 'yan tsk!"

Napa-kunot ang noo ko sa inasal niya.

"Pasok na ako ah," Sabi niya at hindi na ako hinintay na magsalita at pumasok na sa loob.

Tiningnan ko siya hanggang sa makapasok siya at bumalik lang kay stephen ang paningin ko nang tumikhim ito.

Bigla ako nitong hinatak at pinasok sa loob ng room niya.

"Ano 'yon?" Kunot-noong tanong nito.

Hinarang niya ang isang braso at ang isa naman ay nasa bewang niya.

I tilted my head.

"Tao 'yon hindi ba halata?"

"Huwag kang pilosopo,"

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now