CHAPTER 35

468 21 3
                                    

GRACE POV

Imihip ang malakas na hangin.

Tumingin ako sa paligid.

Nandito na ulit ako.

Sa lugar kung saan ako pinanganak, kung saan ako unang umibig at kung saan akong huling nasaktan.

May nakaabang na sasakyan sa'min at agad akong sumakay.

Nasa unahan sila mommy at katabi ko si george.

"Mama.." Tawag sa'kin ni george.

"Hmm," Nilingon ko 'to.

"Makikita ko na po ba si papa stephen?" Nakangiting sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Saan niya nalaman ang pangalan na 'yon?

Tiningnan ko sila daddy at may mga ngiti sa labi nila.

"Mommy naman.."

Nilingon ako nito.

"Anong masama 'don?"

"Alam niyo naman po na wala na kami diba."

Pagmamaktol ko pa.

"Dahil sa'kin kaya umalis ka kaya gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayo."

Sabi ni mommy at tiningnan ko si daddy para makahanap ng kakampi pero tumango-tango pa siya sa sinabi ni mommy.

"Malabo na mom," Malungkot na sabi.

"Pag gusto may paraan." Sabi ni mommy.

Umiling lang ako.

Baka nga ayaw na ako makita nung taong 'yon.

Nilingon ko si george.

"Ipapakilala ko sayo yung anak ni tita kaye mo." Nakangiting sabi ko hinaplos ang kulot na buhok nito.

"Really?" Tuwang-tuwang sabi nito.

"Yup, siguro ngayon magkasing edad lang kayo." Sabi ko.

"Yey may prends na si george!!!" Tuwang-tuwanh sabi niya at lumulundag pa.

Sa haba ng byahe ay nakatulog ako.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan at nagsisibabaan na sila.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.

Nandito na nga kami.

Dahan-dahan akong bumaba at huminto muna sa labas at pinagmasdan ang bahay namin.

Ngumiti ako at agad na pumasok sa loob.

Tuwang-tuwa si george at agad na naglibot sa kabuuan ng bahay.

Hindi talaga nauubusan ng energy ang batang 'yon.

Naupo ako sa pang-isahang sofa.

Nakita kong abala ang mga kasambahay sa pag-aayos ng gamit namin.

Si mommy na papalapit palang sa'kin na may kasamang ngisi sa mga labi.

Halatang may binabalak ang mga ganyang ngiti.

"Ano yang binabalak mo?" Tanong ko.

Umupo siya sa bandanh kaliwa ko.

"Grabe naman anak, binabalak agad hahahaha."

"Sabihin mong wala."

"Ang totoo niyan, inimbita ko ang mga kaibigan mo."

Agad na nangunot ang noo ko.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now