CHAPTER 18

359 16 0
                                    

Stephen POV

Hindi ako mapakali.

Hindi ko alam kung paano ako aayos ng higa.

Siya ang pumapasok sa isip ko na kahit alam kong hindi naman dapat.

Ang mga ngiti niyang abot tenga at ang halakhak niyang masarap sa tenga.

Tagilid, tihaya at dapa na ang ginawa ko pero hindi pa 'rin ako makatulog.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Kailangan ko muna sigurong antukin.
Kumuha ako ng bote ng jack daniel at sinalin sa baso.

Papaantok lang ako.

Umupo ako sa sofa at sinandal ang sarili doon habang hawak ko ang baso at cellphone ko.

Almost a year na since i opened my social media accounts.

I clicked the IG app.

I opened the inbox button then i saw her name.

Year ago pa ito.

Binuksan ko at nabasa ko lahat ng message niya.

Kesho okay lang ba ako, bakit hindi na ako pumapasok at marami pang iba.

Hindi ko namalayan na nakangiti na ako.

Umiling ako at pilit inaalis siya sa sistema ko.

We're friends and nothing more.

12 am na at hindi pa'rin ako makatulog.

Muli akong tumayo para ilagay ang baso na ginamit ko sa lababo.

Muli akong pumasok sa kwarto at nahiga.

Sinalampak ko ang sarili ko sa kama.

Pumikit ako at pilit na hindi siya papasukin sa utak ko.

Pero langya dahil pilit pa'rin siya nagpapakita.

Pinikit ko ng madiin ang mata ko at sakto naman ang pag-ring ng cellphone ko.

Inangat ko ang kamay ko para makita kung sino yon at ganon na lang ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang registered number niya.

Napaupo ako ng maayos at nanginginig na pinindot ang answer button.

Siguro kaya hindi ako makatulog dahil iniisip niya ako.

Tch tch ang gwapo ko talaga.

Panget calling...

"Bakit?" Bungad ko dito.

"Ang panget mo!"

Kumunot ang noo ko.

What the f! Tumawag lang siya para sabihin na gwapo ako.

Whahaha

"Alam kong matagal na akong gwapo,"

Ngumisi ako.

"Panget na bingi pa! Tsk wala ka sigurong ibang naririnig kundi gwapo ano?" Sabi niya.

"Gwapo kasi ako."

Humalakhak siya at 'yon nanaman ang ibang pakiramdam.

Tumataas ang balahibo ko at parang may mga paro-paro sa tiyan ko.

Tangna gutom ba ako o ano.

"Sabi mo eh, alam mo ba.."

Pabitin pa niya.

Humiga ako ng maayos at nanatili lang na nakatihaya.

Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon