CHAPTER 25

406 17 1
                                    

GRACE POV

A few weeks had pass at masasabi ko na walang araw na naging masaya ako kasama siya.

Pakiramdam ko mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya.

Kahit na alam kong napaka-kumplikado ng status namin ngayon.

Hanggang ngayon wala pa akong sinasabi na may nararamdaman ako sa kanya.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong sabihin yung nararamdaman ko o ano.

Balak kong tumuloy ngayon sa condo ko dahil sabado naman ngayon at bukas ay wala akong trabaho.

Nauna ng umuwi si daddy at nagpaalam na 'din akong uuwi sa condo.

Nag-ligpit na ako ng mga gamit at lumabas na ng office.

"Una na ako chelsey."

Paalam ko sa secretary ko.

"Sige po ma'am ingat po kayo."

Ngumiti siya sa'kin.

Napaka-ganda ng ngiti nito at mararamdaman mo agad yung pagka-possitive  vibe na meron siya.

"Sige, umuwi kana 'din." Sabi ko at tumango na lang siya.

Umalis na ako at agad na sumakay sa elevator.

Binuksan ko yung pinto oapunta sa parking lot at papunta na ako sa kotse ko nang may maaninag anong dalawang tao sa likod nito.

Dahan-dahan akong sumilip doon.

Tila hinikop ko ang hangin na papalabas sa bibig ko nang makita ko si daddy.

May kausap siyang babae at halatang kasing tanda na rin ni mommy.

Dapat naba akong umalis o kailangan kong magpa-tuloy.

Pero kung aalis ako ay malalaman nila dahil alam na alam ni daddy ang kotse at ang mas malala pa ay dito pa nila nagawang mag-usap.

Nasaan si mommy?

Sabay silang umuwi kanina diba?

Anong nangyari at sino itong kausap ni daddy?

Ang daming katanungan sa isip ko.

Tiningnan ko sila.

"Hindi mo naman ako iiwan kung hindi dahil sa anak mo diba?"

Umiling si daddy at pilit na nilalayo yung babae sa kanya. Gusto siyang yakapin ng babae pero hindi 'yon pinapayagan ni daddy.

"Mali ka, May pamilya na ako at ga'non ka 'din." 

Sabi ni daddy.

"Oo pero alam mong pagkakamali lang yung tungkol kay trixie at dahil 'yon sayo."

Sabi nung babae at mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang paglaglag ng mga luha sa mga mata ng babae.

"Noon pa man ay alam na'tin na may gusto sayo si maris at ikaw naman pumunta lang ako sa ibang bansa at pagbalik ko may anak kana...Ang sabi mo ako ang mahal mo.."

Tinakpan ng babae yung mukha niya.

Si daddy naman ay halatang nam-mroblema ito. Ginulo niya at buhok niya at hinawakan niya yung balikat ng babae at pilit na pina-harap sa kanya.

"Kalimutan na natin ang lahat, Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Nangyari na ang nangyari. May mga anak na tayo."

Umiling naman yung babae.

"Pero mahal pa kita hanggang ngayon."

Lumuluhang sabi ng babae.

"Itigil mo na 'to."

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now