CHAPTER 34

428 16 0
                                    

Grace POV

"Mama, wake up na po.."

Tumihaya ako at dahan-dahan na dinilat ang mga mata ko.

Bumungad sa'kin ang nakasimangot na si george.

Umahon ako at kinusot ang mga mata ko.

"Bakit nakasimangot ang baby na 'yan?"

Sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Kulot ang buhok nito na bumagay sa pagka-mestiso niya. Ang malaking mata nito at ang mahabang pilik mata ay talagang mas nagbigay buhay ng kagwapuhan niya.

"Big boy na ako i'm not baby anymore."

Nakangusong sabi niya.

Ang aga aga ang sungit.

"Lets eat our lunch na daw po."

Tumango ako.

"You go first, maliligo muna si mama okay?"

"Okay po."

Sabi niya at bumaba na sa kama ko at lumabas na ng kwarto.

Lumipas ang tatlong taon at masasabi kong maraming nagbago.

Wala na akong masyadong pinagkakaabalahan dahil umalis na ako sa pagiging secret agent.

Wala rin akong balita kay kaye at sa tingin ko ga'non din siya sa'kin.

Sobrang namimis ko na siya.

Pagtapos ng gabing 'yon ay tuluyan na akong umalis na walang paalam.

Masakit pero kinaya ko.

Iniwan din namin si daddy pero nitong nakaraang taon lang ay sumunod siya sa'min at nagkasundo din sila ni mommy.

Sobrang daming iniyak ni mommy noong sumunod si daddy dito.

Nasayang daw ang mga taon na hindi namin kasama si daddy. Nag-usap sila at nalaman ni mommy kung gaano siya kamahal ni daddy.

At ito pa ang malupit,

Araw-araw ba naman ay may pabulaklak si daddy. Noon daw kasi ay hindi nagawang ligawan ni daddy si mommy kaya ngayon daw niya sisimulan.

Madalas din silang lumabas na silang dalawa lang. Akala mo mga teenager.

Masaya ako para sa kanila.

Malungkot na ngumiti ako.

Kamusta na kaya siya.

Tumingin ako sa malaking salamin dito sa loob ng cr.

Ang dating maiiksing buhok ay humaba na ngayon. Ang dating morena kong balat ay pumuti na talagang bumagay sa'kin.

Mabilis akong natapos maligo at nagsuot lang muna ng pambahay na damit at pinatungan ko ng roba.

Susunduin ako mamaya ni kyo para tingnan yung mga properties niya dito sa america.

Sa hindi rin inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ni kyo dito.

May branch din kami dito kaya yun muna ang pinagtutuunan ko ng pansin.

Si daddy ay madalas lumuwas dahil nga sa business namin sa pilipinas.

Hindi pwedeng pabayaan yon dahil yung yung main brach namin.

Naging magkaibigan kami ni kyo at masasabi ko hanggang don lang yon.

Madalas na pinaparamdam niya sakin na may gusto siya sakin pero hindi ko muna binibigyan ng pansin.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon