CHAPTER 17

396 20 0
                                    

GRACE POV

Wala akong nagawa kun'di mag stay muna dito sa condo ni stephen.

Naglalaro kami ngayon ng Xbox at basketball ang napili naming laruin.

Naka-tatlong laro na kami at lagi akong talo.

Binagsak ko yung joystick at naka-ngusong tiningnan siya.

"Oh bakit? Hahaha ayaw mo na?" Sabi niya.

"Ayoko na! Lagi akong talo eh," Nagmamaktol na sabi ko.

"Hahaha weak ka pala eh," Sabi niya at binaba na yung joystick.

"Hindi kasi ako magalin diyan tsk!" Sabi ko.

"Alis na lang tayo.." Sabi niya na ikinalingon ko.

"Saan naman tayo pupunta? Kita mo bang tirik pa ang araw." Sabi ko.

"Sa perya sana pero sige mamaya na lang gabi." Sabi niya.

Sa sinabi niyan yon ay parang na-excite ako agad.

"Hmm okay..para diretso uwi na'rin ako." Sabi ko dito.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin at napapayag niya akong mag stay dito.

"So anong gagawin na'tin?"

Nakataas ang isang kilay niya.

"Alam ko na.." Sabi ko dito at sumandal sa headreast ng sofa.

"Tanongan tayo..." Sabi ko dito.

Mga ilang segundo pa bago siya mag salita.

"Hmm crush mo ako noh?" Taas-noong sabi niya.

"Tulok mo! Tsk sige na 'yon na lang tutal naman ay wala tayong magawa." Sabi ko dito.

"Sige na nga at pagbibigyan kita hahaha gusto mo na ako noh kaya yan yung naisip mo. Para marami kang malaman sa'kin." Sabi pa nito.

I rolled my eyes.

"Huwag na nga!" Sabi ko at tatayo na sana nang pinigilan niya ako.

"Okay, okay hahaha hindi ka naman mabiro." Sabi nito kaya umupo na ako.

Humarap kami sa isa't-isa.

May naisip pa ako.

"Dapat may twist tayo eh.." Sabi ko at pina-ningkitan siya ng isang mata.

"Kapag hindi naka-sagot ay kailangan mag sabi ng isang sekreto." Ngumising aso ako sa kanya.

"Sige ba hahaha."

Mukhang mas gusto niya yata ang laro.

"Sige. Ikaw na mauna." Sabi ko dito at agad naman siyang sumang-ayon.

Umayos siya ng upo at mas lalo pang humarap sa'kin.

"Who's your first kiss?" Unang tanong niya at tumaas pa ang sulok ng labi niya.

Yung kagabi..alam ko sa ikini-kilos ko ay parang wala lang 'yon pero sa loob-loob ko ay gusto kong kotongan ang sarili ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Baka kasi tumaas nanaman ang level ng kahanginan niya kapag sinabi ko pero sige para mag-sabi din siya ng totoo.

"Ahm okay, to be honest ikaw." Sabi ko.

Seryoso lang ako at siya naman ay biglang ngumisi na parang aso.

Sabi ko na nga ba eh,

"Para kang tanga!" Sabi ko dito.

Nahihiya ako kaya agad akong nag-tanong.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Where stories live. Discover now