Chapter 7

6K 159 12
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

 XIAN YVO VILLACER'S POINT OF VIEW

Umaga na at nandito ako ngayon sa kwarto ni Rigel para gisingin siya. Pagkapasok ko naman sa kwarto niya ay nakita ko pa siyang nakatalukbong ng cute niyang pink na kumot. Dahan-dahan naman akong umupo sa gilid ng kama niya at marahang tinapik ang matatambok niyang pisngi. Nagising naman siya sa ginawa ko, nginitian ko siya at tinulungang bumangon.

"Gising na baby, papasok ka pa sa school." sabi ko at inayos na rin ang pinag-higaan niya.

"Good Morning po Daddy." sabi niya at umalis na sa kama. Dumiretso siya sa banyo at pagkatapos noon ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig. Naliligo na siya. 

Nakakatuwa ang anak kong si Rigel, kasi kahit na hirap siyang gumising ng maaga ay sinisikap niya pa rin, masipag siyang pumasok sa school at matataas din ang mga grado. Tinuruan talaga siya ng tama ng Mommy Amara niya. How I miss her. Nakakapagsisi, hindi ko na lang sana hinayaan na ang emosyon ang humari sa pag-iisip ko.

Nagtungo ulit kami ni Rigel sa milk tea shop kung saan namin nakita si Amara na nagtatrabaho pero wala ito doon. Marahil ay ayaw niya akong makita. 

Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganoon, kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay naniwala ako sa kanya at ipinagtanggol siya.

"I'll pull out my shares in your company." madiing saad ko sa harap ng ama ni Amara.

"Pero bakit naman hijo? May problema ba?" sabi nito sa akin. Tila nagmamaang-maangan pa.

"Imposibleng hindi niyo po alam ang dahilan ko, niloko niyo po kami, nakita ko na ang marriage certificate namin ni Amara, oh ni Amber pala. Peke ang ipinakasal niyo sa akin. Kaya pala kayo na ang nag-volunteer na mag-asikaso sa marriage certificate na yan." sabi ko.

"Pasensya na hijo, pero sana huwag ka ng kumalas sa amin. Babagsak kami, paano na ang apo naming si Rigel? Anong ipapagtustos namin sa kanya?" sabi ni Mrs. Menendrez.

"Fine. Pero sa akin maninirahan ang anak ko. Hindi ko pa rin natatanggap ang ginawa niyo." sabi ko at umalis na. 

Dinala ko muna ang dalawang taong anak kong si Rigel sa parents ko dahil nasisiguro kong kukunin ito ni Amara.

Ipinagpatuloy ko ang ugnayan namin sa mga Menendrez hanggang sa dumating na si Amber. Sinubukan namin kung mag-wowork, pero si Rigel ay hindi siya tanggap. At panay na lamang ang tawag na tita rito. Ayaw niya itong tawaging Mommy. Na talagang naiintindihan ko naman.

Amber and I won't really work, because my heart beats for someone, someone who's not her.

Naalala ko ang mga hindi magandang bagay na nagawa ko noon sa Mommy ni Rigel, maging ang sarili ko ay hindi ko mapatawad sa mga nagawa kong iyon.

Sa sobrang lalim ng naiisip ko ay hindi ko namalayan na nakapag-bihis na pala si Rigel ng uniform niya.  

"Daddy, tara na po." simpleng sabi nito sa akin at nauna nang bumaba. Pansin ko pa rin ang paglayo ng loob sa akin ni Rigel. Matalinong bata ang anak ko kaya imposibleng wala siyang alam sa nangyari. Alam ko ang dahilan ng paglayo ng loob niya sa akin. Susubukan kong bumawi sa kanya, at sa Mommy niya.

Pagkababa namin ay nandoon si Amber at kumakain na. Binati naman kami nito ng makita kami. Hindi siya pinansin ni Rigel at umupo na sa upuan niya at kumain na.

"Pasensya na." I mouthed at Amber. Tumango lamang ito at tipid na ngumiti. Mabuti na lang at malawak din ang pag-unawa ng isang 'to.

Pagkatapos naming kumain ay ihinatid ko na si Rigel sa school niya.
"Baby, susunduin kita mamaya okay? Saan mo gustong pumunta after your class?" tanong ko.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon