Chapter 32

4.6K 69 17
                                    

(Enjoy Reading!)

This chapter is dedicated to Anarinsan
Thanks a lot for voting! Love lots!

~0~

Xian

"How dare you?!" napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang isang sigaw.
Napabangon ako kaagad, nakita ko si Tangerine na lumuluha at galit na galit. Napatingin tuloy ako sa aking sarili.

T-Teka, bakit naka boxers lang ako? B-Bakit katabi ko si Amber sa kama? Anong nangyari? I immediately wore a shirt and faced the woman I love, shouting to my face.

"Mag-uusap tayo hindi ba? Magpapaliwanag ka! Pero ano 'to? T*ngina naman Xian! Hindi ka na bata para maglaro! At lalong-lalo na hindi ang puso ang pinaglalaruan!" 

Tumayo ako at lumapit sa kanya para sana pakalmahin siya pero mas tumalim ang tingin niya sa akin, ngunit hindi pa rin ako natinag. Ayoko ng ganito, ayokong nakikita siyang ganito. Pero anong gagawin ko, wala akong alam sa nangyari.

"Hey, baby. Let me explain please, I don't know what happened.nanginginig ang aking boses sa sinabi ko. Hahawakan ko sana siya sa kamay ngunit lumayo siya at sinampal ako ng pagka-lakas lakas, napatagilid ang ulo ko sa lakas nito. Ramdam ko lahat ng kaniyang galit at sakit. Pero hindi ko magawang magalit. Dahil alam kong nasasaktan siya sa nakita niya.

"F*ck you! Explain?! Explain na naman?! Hindi ko kailangan ng t*nginang paliwanang mo! sawang sawa na ako! Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa akin noon?! Kulang pa ba?! Ano?! Sabihin mo!" sigaw niya sa akin at pinaghahampas niya ang dibdib ko, kahit na pilit kong hinahawakan ang mga kamay niya.

"Tangerine baby, Please calm down." sabi ni ko, masama niya naman akong tiningnan at itinulak kaya napaatras ako ng bahagya.

"Don't f*cking call me with that endearment! Nakakasuka! Paano ako kakalma?! Hindi ka na nga nahiya! Dito pa talaga kayo gumawa ng milagro sa kwarto natin noon! Wala ka ring respeto ano? Kakalma ako? Paano? Sabihin mo nga?!" sigaw niyang muli.

I don't know what happened but how can I explain if she's mad? Mad like this?

"Tangerine Amara, Please..." banngit ko pang muli sa kaniyang pangalan pero hindi niya na lang siya pinasin at bumaling kay Amber na nakahiga sa kama.

"At ikaw! Malandi ka talaga no? May tinatagong kalandian naman pala ang paborito nila Mama at Papa! Malandi ka!" Singhal niya at sinampal si Amber.

Hindi ko na nagawa pang awatin siya dahil alam kong mas magagalit siya sa akin. At ang tanging alam ko lang ay karapat-dapat si Amber sa galit ngayon ni Tangerine dahil siya ang may pakana ng lahat ng ito.

"Hindi mo na inisip na may pamilya kami! Nakikisawsaw ka pa! Wala kang konting respeto para man lang sa akin! Hindi ka nahiyang humiga dyan sa kama namin ni Xian. Ano?! Lahat nalang aagawin mo sa akin?! Makati ka! Ahas ka! Sana hindi na lang kita naging kapatid." galit na sigaw niya kay Amber.

"F*ck both of you! I f*cking hate you both! Nandidiri ako sa inyo!" sigaw niya at nagmamadaling bumaba. Kaagad ko siyang sinundan, nakita ko naman sina Manang Marcela at Rigel na nakatingin sa amin. Kitang-kita ko ang gulat sa mata ni Manang at ang humihikbing si Rigel.

Lumuhod naman si Tangerine at hinawakan ang mukha ni Rigel. Mas nakaramdam ako ng kaba.

"Baby, Gusto mo bang sumama kay Mommy?" tanong ni Tangerine sa anak namin.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now