Chapter 14

4.4K 107 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Only Fools Fall, And I'm a fool.

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW 

Nakarating kami sa pool area nang matiwasay. Kaagad na nagbabad si Rigel sa kiddie pool. Nag titili ito roon, bakas na bakas sa kanyang mukha na masayang-masaya siya. Kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Dahan-dahan ka dyan Rigel okay? Baka madulas ka." paalala ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin at umupo sa bandang hagdan ng pool. 

"Amara, halika na, dun tayo sa kabilang pool." yaya sa akin ni Xian. Sumunod naman ako sa kanya dahil medyo naiinitan na ako. Luckily may privacy kami dito sa pool area, dahil medyo closed ito. Malaya kaming lumangoy sa dalawang pools na nandirito. At sa pagkakarinig ko ay private area ang kinuha ni Xian.

Kaagad naman akong nagtampisaw sa tubig. Malinis at malamig ang tubig sa pool kaya nakaka-presko sa pakiramdam. 

"You like here?" tumabi sa akin si Xian, mukhang nagugustuhan niya rin ang temperatura ng tubig sa pool.

"Yeah." simpleng tugon ko sa kanya at bumaling sa kiddie pool, Ayoko siyang tingnan dahil alam ko ang mangyayari kung hahayaan kong mahulog ako sa mga matang iyon. 

"Talk to me please. I miss you so much." sabi niya at marahang hinawakan ang aking mukha at itinapat sa kanya.

Pilit kong iniiwasan ang mga magaganda niyang mata, dahil nakakalunod. Nakakahulog. 

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" bahagya akong lumayo sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang init ng mga balat niya.

"About us, I want to make it up to you." inabot niya ang mga kamay at at marahan itong pinisil.

"Pero ayokong pag-usapan ang tungkol doon, ayoko nang balikan pa." sabi ko sa kanya.

"Pero gusto kitang bumalik sa akin. Please, give me a chance to make it up to you." sabi niya.

"Hindi ko alam kung paano pa maayos ang mga nangyari. Dahil aaminin ko sayo, sa bawat sulyap ko sa mukha mo, bumabalik ang mga alaala higit pa ang masasakit na alaala, sobrang hirap. Pilit kong iniiwasan ang mga matang iyan," hinawakan ko ang mukha niyang tila perpektong ginawa. "Sana kung talagang handa kang gawin ang lahat para bumalik ako sayo, handa kang mag-hintay nang kahit gaano katagal. Tabunan mo ng magaganda at masasayang alaala ang mga masasakit at malulungkot na alaala na nasa isipan ko." sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha na tumulo sa mata niya.

"I will wait for you. I'm willing to wait, kahit na habang buhay pa. Mahal na Mahal kita, Amara, sobra-sobra. Hanggang sa susunod na buhay, ikaw lang ang mahal at mamahalin ko. Sana ay tandaan mo iyan." sabi niya sa akin at marahang idinampi ang malalambot niyang labi sa akin. 

Hindi ko maiwasan na lumuha, dahil ito yung halik na matagal akong nangulila, na siya ring nagpapa-alala kung gaano kasakit ang mga naranasan ko sa lalaking nagbibigay ng mga halik na iyon. 

"Stop crying baby, ayoko nang makita kang umiyak ng dahil sa akin. Pangako, hihintayin ko ang panahong handa ka nang muli, handa ka nang bumalik sa akin ulit. I love you. Te quiero Te amo" sabi niya sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang kamay.

"I'll go some where, I will buy some drinks, wait for me here. I love you so much." Tumayo na siya sa pool at kinuha ang tuwalya, nagpunas ng katawan. Tiningnan ko na lamang siya at nginitian ng matipid. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka alis na siya sa pwesto namin.

"Mommy! I saw that po! Nanny and I saw that po! Yehey! My Mommy and Daddy kissed. Nanny isn't that great?!" napabaling naman ako kay Rigel na tumatalon at pumapalakpak sa kabilang pool. Namula naman ako sa mga sinabi niya. Maging ang nanny niya sa gilid ay malawak ang mga ngiti.

"Stop teasing Mommy, Rigel." sabi ko at tinakpan ang mukha kong namumula.

"I knew it po Mommy! Marupok ka po hihi" sabi niya kaya nagulat ako sa salitang binitawan niya.

Maging ang anak ko ay alam na marupok ang Mommy niya.

"Ayos lang yan Ma'am, bagay na bagay po kayo ni Sir Xian!" sabi ng Nanny ni Rigel sa gilid. Wala na akong nagawa pa at ngumiti na lamang sa kanila. Pumunta naman ako sa pool kung nasaan sila dahil nagmumukha akong tanga sa adult pool dahil mag-isa lang ako.

"Ma'am, magkakabalikan na ba kayo ni Sir?" tanong sa akin ng Nanny ni Rigel.

"Hindi pa ako handa, pero sana ay mag-hintay siya." tugon ko sa kanya.

"Mommy, I'm also willing to wait for you po. I'm willing to wait until you come back to us po, until our family becomes happy again!" sabi ni Rigel at niyakap ako, gumanti rin ako ng yakap sa kanya at napangiti nalang sa nangyari. Tila gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko. 

"I bought fresh squeezed orange juice, bacon and ham sandwiches. Eat up girls." sabi ni Xian na kadadating lang. Naupo kami sa maliit na bench na may table sa loob ng inupahan nami ng space, Tumabi siya sa akin habang ang Nanny ni Rigel ang umaalalay sa anak ko.

"We'll eat our dinner in The Alpha Reigh De Especial Cuisine. Sounds great po ba?" sabi ni Rigel at tumango kaming lahat sa kanya. Mukhang malaki na ang ginastos ni Xian sa amin dito. 

Nagsimula naman kaming kumain, malapit na rin kasing mag gabi kaya paalis na rin kami dito. Tumagal na rin kasi ang pananatili namin sa pool. Napagod at nagutom rin kami. 

"You like it?" tanong sa akin ni Xian kaya napabaling ako sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na sobrang lapit pala ng mukha niya sa akin kaya aksidenteng nagtama muli ang mga labi namin. Umiwas kaagad ako sa kanya pero ngumisi lamang siya sa akin at tila nagustuhan ang nangyari.

"I think mas masarap yun." sabi niya na ikinatawa ng dalawa na ikinapula ng mukha ko.

"Shut up Xian!" sabi ko at nagtakip ng mukha. Pero tumawa lamang ito at niyakap ako ng mahigpit. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa dibdib niya sa sobrang hiya.

"My baby is shy." sabi niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Mommy, don't be shy, you look cute po hihi, I love you po Mommy! Daddy!" sabi ni Rigel.

"Your Mom is beyond cute Rigel baby." sabi ni Xian kaya lihim akong napairap. Hindi niya pa rin kasi ako binibitawan at ayoko ring kumalas sa mga yakap niyang matagal ko nang hindi nadama.

"Grabe ka Sir ha, Kumokorni ka na po." sabi ng Nanny ni Rigel kaya natawa kami. 

"Nako Sir, tama na yan at maging ako ay kinikilig sa inyo ni Ma'am. Galingan mo Sir ha. Kailangan bumalik si Ma'am." sabi ng Nanny ni Rigel. Hindi ko maiwasang ngumiti.

"Of course. I'm more that willing to do everything to make her mine again. I love this girl so much." sabi ni Xian at hinalikan ang noo ko.

Sabi nila kapag nahulog kang muli sa taong nanakit sayo, ka martyran na daw yun.

I think so, Only fools fall, And I think I'm a fool for falling for this man again.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now