Chapter 22

3.4K 76 8
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Pain

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

"What's our problem? Is it because of what happened last night? I thought you won't regret it? So why did you leave me in your unit huh? And I will see you here? In Liam's company? You just made me so mad Tangerine. Madly jealous that I want to ravish you again."

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting takot sa mga salitang binitawan niya.

Nanatiling tahimik ang biyahe, tulad nga ng sinabi ko, malakas ang tibok ng puso ko tila ba gusto nitong kumawala. Natutuwa ako na nagseselos siya ngunit ayoko itong ipahalata, dahil baka umasa siya kaagad, at nais ko ring pag-isipan ang pagpapatawad ko sa kanya. Isa sa mga natutunan ko sa buhay ay ang pagpapatawad ay pinaghihirapan at hindi basta ibinibigay.

"I'm sorry." tanging nasabi ko lang at pinagdikit ang mga palad ko habang nakayuko.

"Fine, I'm sorry too for what I just acted earlier. I'm just scared that you left again and regret what happened last night." sabi niya sa akin.

"I regret what happened last night, I'm sorry." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagsilay ng sakit sa mga mata niya kahit na nagmamaneho.

"You regret it? I understand. But I want to tell you this, what happened last night is such a dream come true to me. It made me feel your love again. I'm sorry for taking advantage of you last night. Ihahatid na lang muna kita sa unit mo." sabi niya at hindi na ako muling tinapunan ng tingin.

Nanatili na lamang akong tahimik katulad niya, inaamin ko, nakokonsensiya ako sa mga inakto ko. Hanggang sa pagdating namin sa unit ko ay hindi pa rin siya kumikibo, kaya nalungkot ako sa mga inasal niya, at nayamot sa mga sinabi ko sa kanya. Ang hirap kapag kinakain ng pride. Ang hirap magpakumbaba kapag nasasaktan pa rin. Ang hirap maging tama sa panahong ikaw ang ginawan ng mali ng mundo.

"Aalis na ako." sabi niya at umalis na sa harap ko. Hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis itong naglakad at sumakay sa elevator.

Naiwan naman akong nakatulala sa harap ng pinto, nakokonsensya ako sa mga sinabi ko, ramdam ko na hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko. 

Hindi ko naman alam na ganoon ang mararamdaman niya sa mga sinabi ko, hindi na ako makagalaw ng maiigi dahil naiisip ko siya, hindi ako mapakali lalo na't naguguluhan ako sa mga pwede kong gawin para bumawi sa kanya. Gusto kong bumawi sa kanya kahit papaano. Hindi ako komportable lalo na't may taong hindi nagustuhan ang mga naging salita ko.

Naisipan ko siyang i-text, mabuti nalang at ibinigay niya sa akin ang numero niya noong nakaraang araw. 

Me: I'm sorry Xian. Let's meet tomorrow, is it okay? At the Saporous Cuisine.

Xian: Sure.

Nalungkot naman ako sa ikli ng reply niya, kung ang Xian na mapagbiro at makulit ito ay panigurado kukulitin pa niya ako at aasarin. Hindi ko maiwasang mas lalong malungkot.

Mabuti na lamang ay may natitira pa akong ipon para sa pagkikita namin ni Xian bukas kaya nagpa-book na ako sa restaurant. 

Hinayaan ko nalang na makatulog ako, dulot na rin sa pagod at lungkot sa nangyari ngayong araw.

Mabilis lumipas ang gabi, nang magising ako kinabukasan ay nakaramdam ako ng pag-gaan ng pakiramdam.

Naghanda na ako pagkagising ko palang, naligo na at namili ng susuotin, half day lang ako muna sa kompanya ni Liam, dahil may susuyuin ako. Nakakainis lang din isipin na siya itong malaki ang kasalanan sa akin tapos ako ang manunuyo ngayon? Ang swerte mo masyado Mister Xian Yvo Villacer.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon