Chapter 8

6.1K 151 10
                                    

Enjoy Reading!

~0~

 XIAN YVO VILLACER'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng tagpo namin na yun, ay mas naging desidido pa akong bumawi sa kaniya.

Sabado ngayon, napag-desisyunan ko na huwag munang pumasok sa opisina, Isinama ko rin si Rigel at papunta na kami ngayon sa milk tea shop kung saan nagta-trabaho si Tangerine. Bumili rin ako ng isang bouquet ng daisies, iyon kasi ang paborito niya, dinagdagan ko na rin ng mga chocolate na paborito niya rin.

"Dad, bakit may flowers and chocolates ka pong dala? Ibibigay mo po ba yan kay Mommy?" tanong sa akin ni Rigel.

"Yes baby. Sa tingin mo ba magugustuhan niya yan?" tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Maybe. Galingan mo po Daddy, para bumalik na po sa house si Mommy." sabi niya at nag-focus muna sa iPad niya.

Sa tingin ko talaga ay may alam ang anak ko sa nangyari. Sa mga hindi magandang nagawa ko. Hindi ko naman siya masisisi kung magiging masama ang loob niya sa akin. Nais ko talagang bumawi at punan ng magagandang pangyayari ay mga nagawa kong hindi maganda noon.

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa milk tea shop, nandoon siya, busy sa mga customers. Hindi ko akalain na nakaya niyang itaguyod ang sarili ng walang tulong na kung sino. 

Napaka-ganda niya rin kahit na simpleng white tshirt, pantalon at apron ang suot niya.

Naghintay na lamang kami ni Rigel ng higit trenta minuto dahil talagang mabenta ang mga produkto nila dito. Kahit mas matagal pa sa trenta minuto, handang-handa kami maghintay na mag-ama. Maya-maya lang ay dumating na rin siya sa harap namin.

"Sorry baby, natagalan si Mommy." sabi niya at hinalikan sa pisngi ni Rigel.

"It's fine po Mommy, I miss you so much!" sabi ng anak ko at niyakap ang Mommy niya.

Gustong-gusto ko rin mahalikan at mayakap si Tangerine. Hindi ako susuko sa kanya ngayon.

"Mommy, may ibibigay sayo si Daddy." sabi ni Rigel kaya na alerto ako, kanina pa pala ako tulala.

Ibinigay ko naman ang bulaklak at chocolates, mukhang nagulat siya sa mga binigay ko, well baby, simula pa lang yan. Babawi ako sayo. Sisiguraduhin kong babalik ka sakin.

"Para saan 'to?" tanong niya, maririnig mo ang lamig sa kanyang boses.

"Starting today, I'm courting you." sabi ko at ngumiti ng bahagya. Mababakas mo naman ang gulat sa mga magaganda niyang mata nang bigla itong maglikot. Don't be too surprised baby. I'm just informing you.

"Ahmm, baby anong gusto mong flavor ng milk tea? You want some caramel flavored cake?" tanong niya bigla kay Rigel. Talagang umiiwas siya sa akin. I'm just starting. Simula pa lang ito kailangan kong mag-isip pa ng ibang paraan para makita kong muli ang mga ngiti niya. Kasalanan ko naman kung bakit ganyan ang trato niya sa akin.

"I want that po Mommy, how about you po Daddy? Anong gusto pong mo?" tanong sa akin ni Rigel.

"I just want your Mom." sabi ko pero inirapan lang nila ako pareho. Seryoso?

"You're so cheesy po Daddy." dagdag pa ni Rigel.

"Tss. Same with your order na lang po." sabi ko. Umalis naman si Tangerine sa lamesa namin at pumunta na sa counter.

"Make sure po that Mommy will comeback Daddy."sabi ni Rigel.

"I will." sabi ko at ginulo ng bahagya ang buhok niya.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now