Chapter 28

4.2K 70 2
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Pag-sunod

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

"Mommy, paliguan na po natin si Zekrom." sabi ni Rigel sa akin habang nagpupunas ako ng lamesa.

"Sige po baby, sandali lang." sabi ko sa kanya at binanlawan ang basahan.

Tanghali na, mabuti na lamang at hindi pa nagugutom si Rigel, pero nakapag-luto naman na ako ng pagkain kaya kung sakaling magugutom siya ay panigurado ay may nakahandang pagkain.

Maswerte ako dahil mababait ang mga anak ko at hindi mga pasaway, dahil kahit kailan ay hindi sila nagkukulit kapag may mga importanteng bagay akong ginagawa. Si Zekrom kasi ay umiiyak lang kapag gutom at hindi maka-dighay, habang si Rigel ay nagkukulit lang kapag nakikita niyang wala akong ginagawa. Laking bagay din na nagagampanan din ni Rigel ang tungkulin niya bilang isang nakakatandang kapatid kay Zekrom, kung tingnan at yakapin niya ang kapatid ay kitang-kita kung gaano ito kahalaga at kung gaano niya ito kamahal. Isa iyon sa bagay na nakakapagpasaya sa isang ina. Ang makitang nagmamahalan ang kanilang mga anak.

Kagabi ay napag isip-isipan ko na rin na magsimula na rin ng isang maliit na negosyo tulad ng suhestiyon ni Liam sa akin kahapon. Malaki rin ang ikaluluwag noon sa akin, at isa pa natutuwa ako sa ginagawa ko kaya hindi ko ito ikakapagod.

"Rigel anak, ihanda mo na ang mga damit ni baby Zekrom. Papaliguan na natin siya. Ikaw din, ihanda mo na rin ang 'iyo." sabi ko at pumasok na sa banyo.

Inilagay ko ang mainit na tubig sa maliit na bath tub na may laman na ring tubig galing sa gripo. Nilagyan ko rin ito ng kaunting lemon para iwas sipon. Ganoon din ang timba kung nasaan ang pampaligo ni Rigel. Ugali ko na ang paglalagay ng lemon sa mga tubig na pampaligo nilang dalawa, lalo na't madaling kapitan ng sipon ang mga bata sa panahon ngayon.

Matapos kong asikasuhin ang tubig na pampaligo nila ay kinuha ko muna ang dalawang tuwalya na kulay blue at pink para sa kanila bago ko kinuha si Zekrom sa crib niya na nasa sala.

"Rigel dyan ka lang muna, hintayin mo akong matapos paliguan si baby tapos ikaw naman ang maliligo." Sabi ko sa kanya at iniwan na muna siya sa sala.

Pagkapasok kong muli sa banyo kasama si Zekrom ay inilublob ko muna ang kamay ko para tingnan muli ko maayos na ba ang temperature ng tubig. Nang masiguro ko na maayos na ito ay kaagad ko nang tinanggal ang suot ni Zekrom at ang diaper niya, mabuti na lamang at may isang upuan ang banyo kaya hindi na ako nahirapan pa.

"Yehey, maliligo na ang baby boy ni Mommy." dahan-dahan kong inilubog ang kalahati ng katawan ni Zekrom atsaka siya sinimulang paliguan ng maiigi.

Mabait si Zekrom kapag pinapaliguan, ni hindi nga ito gumagalaw ng sobra, tahimik lang ito na minsan pa ay nakatingin lamang sa akin. Sobrang puti ng balat niya, at ang lambot pa ng mga iyon. Ganoong ganoon din si Rigel noong sanggol pa lang din.

Nang matapos ko ng paliguan si Zekrom ay pinunasan ko na siya gamit ang kulay blue niyang tuwalya. Itinigil ko lamang ang pagpunas noong masiguro kong tuyong-tuyo na siya.

Ihiniga ko muna sa malaking sofa at doon nilagyan ng pulbos ang katawan bago ko ito binihisan ng baru-baruan na kulay blue, sinuotan ko rin ang mga paa niya ng maliit na medyas na kulay blue rin. Pagkatapos noon ay inilagay ko na siyang muli sa crib niya. Doon siya naglaro ng kaniyang mga maliliit na stuff toys habang sipsip ang kaniyang pacifier.

"Rigel baby, halika na. Ikaw naman po ang maliligo, and after maligo ay kakain na tayo ng lunch." sabi ko kay Rigel at sumunod naman ito sa akin papunta sa banyo.

"Yehey Mommy! Maliligo na po ako, super init po kasi eh and I'm so sweaty na." sabi ni Rigel sa akin bago ito nagtanggal ng damit.

"Oo nga baby, hayaan mo next month magpapakabit tayo ng air conditioner." sabi ko sa kanya at sinimulan na siyang basain ng tubig.

"Mommy sometimes, I'm thinking of Daddy. I wonder how he feels now. He's alone or maybe with tita Amber." Napangiti naman ako ng mapait sa mga salitang binitawan ni Rigel.

"I wonder how too, sometimes. But if your Daddy and Tita Amber are together, let's just accept the truth and be happy for them." I think. Sabi ko sa kanya bago ipagpatuloy ang pag-ligo sa kanya.

"I miss him Mommy, but I know, he hurted you so much." sabi niya na ikinabadya ng luha ko.

I miss him too, the sweet side of him, but he hurted me, he crushed my heart for another time.

After of what happened, I don't think I still can face him. I still can see his face without getting hurt or angry.

Matapos kong paliguan si Rigel ay binihisan ko siya ng kulay dilaw na floral dress at pinulbusan ng katawan. Wala kasi siyang klase tuwing Friday kaya tanging panonood lamang ang ginagawa niya.

Pero bago siya manood muli ng paborito niyang cartoons na pokemon, ay kumain muna kami ng lunch. Simpleng menudo lang ang aking niluto na sapat lang sa aming dalawa. Susubo na sana kami ni Rigel ng kanin nang biglang may nag doorbell.

Nagtaka naman ako kung sino iyon. Imposibleng si Liam dahil tuwing weekends ang punta 'non dito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Hey Tangerine, it's me." nawala naman ang kabang nararamdaman ko ng marinig ang boses ni Liam. Bakit kaya ito nandito?

Binuksan ko naman ang pinto at pinapasok siya, nang makita siya ni Rigel ay umalis muna ito sa upuan at lumapit kay Liam.

"Tito Liam, you're here!" sabi ni Rigel at yumakap kay Liam.

"Hello baby!" bati ni Liam pabalik at inabot na naman ang isang paper bag.

"This is mine?" tanong ni Rigel.

"Yes, baby. You like it?" tanong ni Liam. Nakangiti naming tumango-tango si Rigel at nagpunta muna sa sala para buksan ang regalo.

"Wow, Tito!" sigaw pa ni Rigel, natawa na lang ako.

"Tangerine, ano nga pala ang desisyon mo sa offer ko sayo noong nakaraan?" tanong ni Liam.

"Payag na ko, sumasakit na rin ang mata ko sa pagtutok sa laptop." sabi ko sa kanya, pupunta na sana ako sa kusina nang hawakan niya ang kamay ko. Humarap naman ako sa kanya at nagtataka.

"I have something to tell you, Tangerine." Sabi ni Liam sa akin.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya, Tungkol na naman ba ito kay Xian?

"Sinundan ako ni Xian papunta dito, mabuti na lang at nailigaw ko siya bago pa ako makarating dito, kung hindi, natunton na naman niya kayo." sabi niya sa akin.

"Pasensiya ka na Liam kung pati ikaw ay nadadamay sa gulo namin. Kung kaya mong huwag muna magpunta dito ay ayos lang. Para maging dahilan yun para makaiwas ka sa gulo, at para hindi rin niya kami matunton rito." 

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon