Chapter 35

4.8K 61 3
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Guilty

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

"Mommy, let's go po downstairs. I think hinahanap ka na ni Zekrom. He cried po." sabi ni Rigel sa akin na kakapasok lang sa kwarto kung saan ako nagkukulong.

Bigla naman akong nakonsensya, sa kagustuhan kong huwag makita si Xian, ay napapabayaan ko na si Zekrom maging si Rigel. Hindi ko na sila naalagaan dahil sa pagiging makasarili ko. Bumaba naman kami sa kwarto, nakita ko si Xian na nasa sala na hindi mapakali dahil sa pag-iyak ni Zekrom.

"Shhh son, don't cry. Daddy's here. Nandito si Daddy. What do you want hmm?" sabi niya at hinehele si Zekrom.

Tila naman may humaplos sa puso ko sa senaryong nasilayan ko. Ang mag-ama ko. Marami man akong masusumbat sa kaniya ngunit kahit isang sumbat ay wala akong mailalabas kung tungkol iyon sa kaniyang pagiging ama sa mga anak namin.

"Ako na ang bahala kay Zekrom. Hindi pa kasi yan nakakainom ng breast milk kaya yan umiiyak." sabi ko at kinuha na si Zekrom sa mga braso niya.

Umakyat naman ako sa kwarto, unti-unti nang humina ang iyak ni Zekrom lalo na ng makainom na siya ng gatas mula sa dibdib ko.

"You miss Mommy, Zekrom?" sabi ko at pinunasan ang mga gatas na nasa gilid ng labi niya.

Ang gwapo ng anak kong ito. Hawig na hawig niya talaga ang tatay niya, walang nakuha ito sa akin maski kahit sa buhok. Mini version ni Xian kumbaga.Matapos ko siyang painumin ng gatas ay pinunasan ko ang mukha niya at pinadighay bago hinele para makatulog muli.

Sa totoo lang, napakadaling alagaan ng batang ito. Hindi na ako nagpupuyat, dahil hindi siya basta basta iiyak pag gutom. Iiyak lang ito kapag gusto ng hele ko at ng breast milk. Isa pa ang pagdighay. Ibang iba sa nangyari sa akin noong ipinanganak ko ang ate niya. Marahil babae, kaya madamdamin si Rigel. Kaunting ingay lang ay nagigising ito at iiyak. Ganoon din pag gutom at gustong dumighay. Pero may mga panahon naman na katulad lang siya ni Zekrom na tahimik lang. 

Sa ilang minuto naming magkasama at nakahiga ng aking anak hindi ko na napigilan ang pagbigat ang aking mga talukap sa mata at hinayaan na ang aking sarili na makatulog.

Nakatulog rin pala ako sa tabi ni Zekrom ng halos isang oras. Napatingin ako sa orasan, alas sinko na ng hapon. Tumayo ako at iniayos ang higa ni Zekrom na natutulog pa rin. Nilagyan ko ng unan ang magkabilang gilid niya para hindi siya mahulog.

May kalikutan pa naman siya sa pagtulog. Mahirap na baka kung ano pang mangyari.

Wala akong anuman na narinig sa baba kaya lumabas na ako ng kwarto. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya bumaba na ako. Marahil lumabas sila Rigel at Xian kaya tahimik sa ibaba.

Pumunta ako sa kusina, nakita kong may pagkain doon. Nakataklob ito at may sticky note sa itaas. Nilapitan ko ito at binasa.

Baby,

Eat well, my love.
We just go to a mall because our baby girl wants to.
We'll be right back. I love you.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto sa akin ng lalaking iyon. Ganoong ganoon pa rin ang epekto ng mga salita niya sa puso ko. Kahit na ilang beses na niya akong nasaktan, wala namang nagbabago. Pero kailangang magbago. Dahil kung hindi, mas dodoble ang tiyansa niyang masira na naman ang puso ko.

Kailangan ko nang madala. Kailangan ko ng tulungan ang sarili ko para hindi na ako masaktan pang muli. Para hindi rin masaktan ang mga anak ko. Dahil minsan na niya akong nasaktan, at hindi malabo na ulitin niya iyon.

Wala naman akong mapagpipilian. Kumain na rin ako. Simpleng kanin at caldereta ang niluto ni Xian. Hindi pa din nagbabago ang lalaking iyon pagdating sa pagluluto. Masarap pa rin. Minsan nga nagtataka na ako kung paano niya natutunan ang pagluluto.

Pagkatapos kong kumain ay sinubukan kong sumilip sa malaking salamin na bintana. Nagulat ako ng makita ang napakaraming bantay. Talagang tinotoo ni Xian ang sinabi niya. Akala ko ay binibiro niya lamang ako.

Naupo na lamang ako sa sofa at inilibot ang tingin sa paligid. Maganda ang bahay na ito, hindi ito pamilyar sa akin pero nasisiguro kong pagmamay-ari ito ni Xian. Simpleng pintura ang kulay ng dingding pero nakakakuha ng atensyon ang chandelier na nakasentro sa living room kung nasaan ako nakaupo.

May malaking television rin at malawak na glass table. Naupo na muna ako sa sofa sa sala at kinuha ang remot ng T.V. Bubuksan ko na sana ang T.V nang biglang bumukas ang pinto. Nandoon si Xian at Rigel na kararating lang.

"Mommy! May binili kami ni Daddy for you!" Bungad niya at tumakbo papalapit sa akin.

"Really?" Pinasabik ko ang aking boses para hindi magtampo si Rigel. Hindi kasi ako komportable sa ideya na may regalo sa akin si Xian at si Rigel.

Binigay niya sa akin ang isang paper bag. May laman itong brush pens, water colors, oslo papers, canvas, at acrylic paints.

Natuwa naman ako sa regalo nila, hilig ko ang pag calligraphy at arts. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong huling beses akong gumawa ng isang sining.

"Salamat." sabi ko sa kanila at ngumiti.

"Mommy, I'm going upstairs po, babantayan ko po ang baby brother ko." sabi ni Rigel at umakyat na sa itaas habang bitbit ang dalawang paper bags.

Akmang tatayo na ako para umalis nang hawakan ni Xian ang braso ko.

"Baby." Tawag niya sa akin kaya napalingon ako.

"Ano na naman ba, Xian?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya bago hapitin ako papalapit sa kanya.

"I want to t-talk. I-I want to talk to you a-again." sabi niya sa akin kaya napataas ang kilay ko.

"Para saan na naman? Uutuin mo na naman ako?" pagbato ko ng salita sa kaniya. 

"Baby, please don't start. Ayokong mag-away tayo ngayong araw. Just please let me explain what happened years ago. Kahit ito lang, hayaan mo lang akong magpaliwanag, nasa sa saiyo na kung tatanggapin mo, kung patatawarin mo ko o hindi pero, pakinggan mo ko. Please, love. I'm begging."

"Hindi pa ako handang marinig ang paliwanag mo. Don't beg for me, Xian. Wag kang magmakaawa para kaawaan kita. Huwag kang magmakaawa para lang pagbigyan kita."

"B-But... Listen to me please. Ang hirap, ang hirap nang galit ka sa akin, kahit na wala akong ginagawang masama. Ang hirap ng galit ka sa akin dahil wala akong kasalanan, isa pa dahil mahal na mahal kita. Pero naiintindihan ko. Naiintindihan ko. Kasi mahal kita kaya iniintindi kita. Sobra kitang mahal, Tangerine. Pero nasasaktan din ako. Umiiyak, nalulungkot, at malapit nang madurog. Pero, alam kong sarado pa ang isip mo. Hindi na kita guguluhin sa mga susunod na araw. Pero mananatili ka rito." sabi niya at pinunasan ang luha na nasa pisngi niya.

"I'm not crying to ask for pity. I'm crying because I can't hold it anymore. It hurts every time you ask me to go away. It hurts because you're here with me, but it looks like you're still far away from me. It hurts a lot because I love you more than myself, more than anything but it looks like you don't feel the same way."

Umalis na siya sa harap ko at naiwan akong nakatulala, unti-unting naglaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

How selfish I am. I'm not the only one hurting. I feel so guilty. I feel so selfish. Nakakasakit na rin ako habang nasasaktan ako.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020


Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon