Chapter 11

5K 137 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Mom and Dad

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Ngayong nakita na ko ni Amber, hindi na ko mapakali. Dahil baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng mga magulang niya.

"Mommy, kanina ka pa tulala, actually kahapon pa nga eh. What happened po?" bumalik lang ako sa aking sarili nung kalabitin ako ni Rigel.

"Sorry baby, May iniisip lang si Mommy, go on kumain ka na muna ng marami diyan." sabi ko. Nandito kami sa McDonalds. Kasama namin ni Xian. Purisigido talaga siya sa panliligaw niya pero hindi iyon uubra sa akin. 

"Amara, tell me if something is bothering you okay?" sabi ni Xian sa akin pero inirapan ko lamang siya. Feeling close kasi.

"Mommy, pwede po ba akong bumili ng new book saglit? Tapos punta ka po sa house kahit saglit lang po Mommy, please." sabi ni Rigel at nag puppy eyes pa sa akin. Ang cute. Risky ang pumunta doon pero hindi ko kayang tanggihan ang anak ko.

"Sure, pero saglit lang si Mommy ha?" sabi ko sa kanya at tumango naman ito.

Pagkatapos naming kumain ay dumaan kami saglit sa Book Store. Bumili si Rigel ng dalawang story books. Pareho itong mga tungkol sa prinsesa at prinsipe.

"Ihahatid na lang kita mamaya, Amara." sabi ni Yvo habang nagda-drive. Patungo na kami sa bahay namin dati. Bahay namin dati. Ang sakit pakinggan.

"We're here." bumalik nalang ako sa sarili ko ng marinig ang boses ni Xian. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.

"Mommy! Let's go! Ipapakita ko sayo yung room ko, hindi ba po sabi mo sa akin keep my room clean? I clean my room everyday!" sabi ni Rigel at hinila ako papasok sa bahay. Hinayaan ko na lamang siya dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa hindi ko malaman na rason.

Napansin ko nalang na nandito na kami sa kwarto niya, yung kwarto niya pa rin dati. Sobrang linis nito tulad ng sinabi niya, may litrato pa naming dalawa sa gilid ng mesa niya. Nakakatuwang isipin na lumaki ang anak ko na marunong na sa mga bagay-bagay.

"Mommy, what's bothering you po? Kanina ka pa po wala sa sarili mo." sabi ni Rigel sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry baby, May iniiisip lang si Mommy. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" sabi ko at ipinokus na ang atensyon sa kanya.

"Okay po Mommy. Ang sabi ko po, dito ko po nilalagay sa table ko yung mga books ko, kaya ayan medyo puno na po siya." sabi nito at humagikgik. Mahilig talaga siyang magbasa at magsulat. Mag-calligraphy. Sobrang dami niyang hilig kung ikukumpara sa kaniyang edad, ngunit nakakatuwa dahil kahit marami iyon ay nagagawa niya ang mga iyon ng pantay-pantay at walang napapabayaan.

"Rigel, tama na muna yan. Bumaba na tayo, baka nagugutom na ang Mommy mo." sabi ni Xian kaya napalingon kami sa may pinto kung nasaan ito. Hinila naman ako ni Rigel at bumaba kami sa kusina, Nagpaubaya na lang ako dahil siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nandito.

Nakita kong maraming nakahanda sa mesa at halos lahat ng ito kay paborito ko. Nang-aasar ba siya? 

"Kumain na kayo, ako nagluto niyan." sabi ni Xian at nilagyan na ng pagkain ang pinggan ni Rigel maging ang akin, Tsk. Napaka sipsip nito. 

"Wow Daddy, favorite ko po 'to lahat." sabi ni Rigel at kumain na din, ganun na din ang ginawa ko dahil nagugutom na rin ako. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi niya kaya inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon