Chapter 13

4.7K 115 0
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Unexpected Family Date

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW 

"Miss, can I have 1 cup of matcha milktea with 1 slice of matcha cake? Dine in."

"Sure Ma'am, wait after 10 minutes. Thank you." sabi ko at pumunta na sa pagitan ng counter and kitchen.

"1 cup of matcha milktea and 1 slice of matcha cake, Dine in. Thank you." sabi ko sa chef, pinindot naman nito ang bell, senyas na ready na ang naunang order. Kinuha ko na ito at inihatid sa table 13. Pero nagulat ako sa customer na nakita ko. Siguro ay masyado akong naging abala nitong mga nakaraang oras kaya hindi ko napansin sina Rigel at Xian.

"Mommy! Finally you're here na po!" sabi ni Rigel at bumaba sa upuan upang yumakap sa akin. Bumawi rin ako ng yakap dahil kahit nagkita kami noong isang araw ay talagang miss na miss ko pa rin ang anak ko. 

"We missed you." hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Xian at umupo nalang din sa bakanteng upuan. Sinimulan kong hiwaan ng piraso ng cake si Rigel. Nakakamiss asikasuhin ang anak ko. Umorder sila ng tig-isang chocolate milktea at choco mousse cake. 

"Ako hindi mo susubuan?" sabi niya na ikinakunot ng noo ko at ikinatawa ni Rigel.

Ngumiti pa ito sa akin at sumesenyas na subuan ko siya ng cake. Seryoso?

"Ano ka baby?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Sumimangot naman siya at bahagyang ngumuso.

"I am, of course! And remember, you called me baby a long time ago so I think it's counted. Sige na subuan mo rin ako, please." sabi niya at nag puppy eyes pa. Seryoso? Hindi siya nahihiya sa ginagawa niya?

"Sige na po Mommy, pinag-titinginan na po si Daddy." wala na akong magawa, ayoko namang pag-usapan pa kami ng mga tao dito. Hiniwaan ko siya ng cake at isinubo sa kanya. 

"Hmmm... ang sarap nung cake lalo na kung ikaw ang nagpapakain sa akin." sabi niya pero inirapan ko na lamang siya. Nang matapos niyang nguyain, ngumanga ulit siya, sumesenyas na subuan kong muli siya.  

"I really love the cake, but I love you more." sabi niya kaya hindi ko maiwasan na mamula, pero sadyang nag-mamatigas pa din ako kaya hindi ko siya pinansin.

"Shut up Xian." sabi ko at inirapan siya, pero mukhang pinag-titripan nila akong mag-ama, at tinatawanan. 

"Mommy, let's go out for a date po please. Mag half day ka po. pretty Rigel please." sabi ni Rigel at nag puppy eyes pa. 

"Stop doing that baby, alam mo namang hindi kita matanggihan." sabi ko at ngumiti. Marahan kong pinunasan ang pisngi niya na bahagyang nalagyan ng icing.

"Yehey!! Let's go na po Mommy, Daddy, please." sabi ni Rigel sa amin.

"Wait for me here okay? Mag-papaalam lang ako kay tito Lance at kay tita Dahlia mo. I'll be back." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Nag-punta naman ako sa office kung nasaan si Lance. Doon siya nananatili, binabantayan ang mga cctv's. Nagmamasid sa galaw ng mga taong naglalabas-masok sa cafe lalo na't maraming salisi sa paligid. Inaayos niya din doon ang mga papeles, dahil nagsisimula nang lumaki ang shop niya, binabalak na din niya na magtayo ng mga bagong branches. Kumatok muna ako at pumasok. Mukhang abala pa siya.

"Ahmm... Lance magpapaalam sana ako sayo." sabi ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

"Bakit? May Emergency ba?" tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kay natawa ako.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu