Chapter 25

4.5K 76 5
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

11:34 PM from Xian.

Let's talk tomorrow, Please.

Hindi ako kaagad nakasagot, dahil hindi ko inaasahan ako mensahe niya ngunit kalaunan ay nagpag-isipan ko ang sinabi ni Liam sa akin kanina, na subukan kong pakinggan ang paliwanang ni Xian sa nangyari.

11:50 PM to Xian

Okay.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang mag-reply ito kaagad sa akin.

11: 52 PM from Xian

Thank God. I will fetch you tomorrow at your work. Please come to our house. Rigel misses you too.

Hindi na ako nag-reply, dahil ayoko nang pahabain pa ang usapan namin, dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya, at hayaan ko na naman ang sarili ko na maniwala. Nagkumot na ako at hinayaang dalhin ako ng antok hanggang sa makatulog.

Mabilis lumipas ang oras at sumilip na muli ang haring araw sa kalangitan.

Pagka-gising ko ay kaagad na akong naligo at nagbihis ng simpleng denim jeans, white tube top at pinatungan ko ito blazer na kulay baby pink. Simple lang ang kinain ko sa almusal, isang tinapay at isang basong gatas lamang. 

Hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil mahuhuli na rin ako sa trabaho. Balak ko sana na tapusin ng maaga ang mga gawain ko sa kompanya para makapag-usap kami ni Xian, at makita ko na rin si Rigel.

Umalis na ako sa unit at mabilis na nakasakay sa taxi, binuksan ko ang cellphone ko ng tumunog ito. 

8: 01 AM from Liam

Where are you? Bakit walang tao sa unit mo?

What the?! Bakit nasa unit ko siya? Anong oras na, baka siya pa ang mahuli sa sarili niyang kompanya.

8:05 AM to Liam

I'm on my way to your company. Umalis ka na dyan, baka mahuli ka pa sa office mo.

8: 07 AM from Liam

No worries, I'm the boss here.

8: 09 to Liam

Yabang mo talaga

At dahil malapit lang ang unit na tinutuluyan ko sa kompanya, madali akong nakarating sa kompanya. Nagbayad naman ako sa driver at bumaba na.

"Magandang umaga po Ma'am Tangerine!" bati sa akin ni Manong Guard. Ngumiti naman ako sa kanya at bumati pabalik habang ibinigay sa kanya ang entrance pass ko.

Umakyat na ako sa office ni Liam, wala pa ito roon. Tsk, bakit pa kasi naisipan na pumunta sa unit ko. 

Umupo na ako sa swivel chair at nagsimula ng magtrabaho, may karamihan ang mga folders ngayon pero ayos lang, kailangan ko itong tapusin ngayong araw. Susulatan ko na sana ang ikalawang folder ng biglang bumukas ang pinto ng opisina.

"Why are you late? Oras na ng trabaho Mr. Villamonte." sabi ko ng pabiro.

"Sorry Miss Ma'am. Hindi ko na po uulitin." natatawang sabi niya at naupo na rin sa kanyang swivel chair.

Hindi na kami nakapag-usap dahil tulad ko ay marami ring nakatambak na folders sa lamesa niya. Ipinokus ko ang sarili ko sa pagpirma at pag-gawa ng mga folders hanggang sa mag-aya na siyang kumain ng lunch.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now