Chapter 30

4.7K 77 13
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Corvus

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

"Tangerine, tara sa grocery. Para naman makapamili na tayo ng mga ingridients para bukas." sabi ni Liam sa akin.

"Sure, pero paano si Rigel at Zekrom?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko pwedeng iwan ang dalawang bata, masyado pang bata si Rigel para bantayan ang kapatid niya. Hindi ako mapapakali kung hindi ko sila makikita at nababantayan.

"Tatawagan ko ang kaibigan ko na si Corvus, don't worry mapapagkatiwalaan ang kaibigan kong iyon." sabi ni Liam at ngumiti sa akin.

Corvus? Ganiyan rin ang pangalan ng kaibigan ni Xian. Ibang Corvus naman siguro ang tinutukoy ni Liam hindi ba? Marami namang pangalang Corvus sa mundo, ano ka ba Tangerine. Gumagana na naman ang pag-iisip mo ng malalim.

"Sige, pero sana sabihin mo sa kanya na ingatan mabuti ang mga anak ko. At kung maari ay sana huwag niyang ipagsabi sa iba ang pagbabantay niya, mahirap na. Lalo na't maraming koneksyon si Xian." sabi ko sa kanya.

Hindi natin sigurado ang kayang gawin ng lalaking iyon, ayoko na sana pang magtagpo muli ang mga landas namin ng mga anak ko sa kanya. Hindi ko maatim na masaktan din ang dalawang anghel ko ng dahil sa kanya.

"Huwag kang mag-alala tulad nga ng sinabi ko, mapapagkatiwalaan si Corvus." paninigurado nito sa akin.

"Sige, Salamat. Tawagan mo na siya kung ganoon." sabi ko at iniwan muna siya sa bakuran. Nagtungo muna ako kila Rigel at Zekrom na nasa sala.

"Rigel, baby. Mommy wants to say something to you." naupo naman ako sa tabi niya.

"What is it po Mommy?" tanong niya at saglit na tumingin sa akin bago ibinalik ang tingin sa telebisyon.

"Mommy and your Tito Liam will go somewhere, we will go to a grocery store because Mommy wants to have a dessert shop. Is it okay to you if I leave the both of you with Tito Liam's friend?" tanong ko sa kanya.

"It's fine with me po Mommy, but please buy some lollipops for me po." sabi niya kaya napangiti ako.

"Sure, baby. Behave ka lang sa friend ni Tito Liam ah? Wag kang magkukulit okay?" Bilin ko sa kanya.

"Opo Mommy." sabi ni Rigel.

Nagpunta muna ako sa kusina para timplahan ng gatas sa milk bottle si Zekrom, incase na magutom ito mamaya habang binabantayan ni Corvus.

Tinimplahan ko na rin sa baso na may takip si Rigel, hindi ko talaga maaring hayaan na hindi siya makainom ng gatas sa isang araw.

"Tangerine, nandyaan na si Corvus sa labas." Sabi ni Liam na nasa bungad ng pintuan.

Inilagay ko na ang mga gatas ng dalawa sa mesa at sumunod na sa labas.

Narinig ko nga ang busina ng isang kotse, ito na nga si Corvus na kaibigan ni Liam.

Nakita ko ang isang kulay puting fortuner na nakaparada sa tapat ng bahay. Ngunit tila ako tinakasan ng hininga ng makita ang Corvus na tinutukoy ni Liam.

Corvus. Corvus Virgo Alvarado. One of Xian's bestfriends.

"C-Corvus." nauutal ako sa gulat. Hindi maari ito. Malalaman ni Xian ang kinaroroonan namin panigurado.

"Tangerine? Don't tell me kayo ang pinapabantayan sa akin ni Liam?" tanong niya sa akin at lumapit.

"Why Corvus? Is there a problem?" sabat ni Liam na nagtataka rin.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now