Chapter 21

3.3K 82 0
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Mad

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi, ramdam ko ang init. Napamulat naman ako ng mata at napatingin sa alarm clock ko sa side table, 11:00 na ng tanghali, babangon na sana ako ng maramdaman na may mga bisig na nakadagan sa baywang ko.

Nagulat naman ako nang mapagtanto kung kaninong bisig ang nasa baywang ko. Pero agad ko rin namang naalala ang nangyari nitong gabi lang, napabuntong hininga na lamang ako.

Hinatid nga ako ni Xian sa unit ko, ramdam ko ang paggalaw ng kotse na sinasakyan ko.

"Ba't ganyan mukha mo Xian? Anong uri ka ba ng pokemon?" sabi ko at tinusok ang pisngi niya habang kalong kalong niya ako at inaalalayan ang bandang likod ko.

Ihiniga niya ako sa kama ko at naramdaman ko siyang umalis saglit, tila pumasok sa banyo. Hindi ko na maigalaw ng maiigi ang katawan ko dulot na rin ng pagod.

Kumuha siya ng malinis na tuwalya at nilinisan ang katawan ko maging ang damit ko ay naramdaman kong pinalitan niya. Tila sanay na sanay na siya sa bagay na ito dahil maging noon ay ganito ang kanyang ginagawa sa akin kapag ako ay nalalasing.

Naramdaman kong hinalikan niya ako sa labi para sana umalis na ngunit gumanti  ako ng mapupusok na halik sa kanya. Umiwas naman si Xian pero bago pa man siya umiwas ay iniyakap ko na ang braso ko kanyang leeg at ang mga binti ko sa kanyang baywang, hindi na siya naka-alis pa ngunit ramdam ko na nagdadalawang isip pa rin siya.

"Do you love me?" tanong ko kay Xian.

"You don't have to ask me, because of course I really love you, more than anything." sabi ni Xian sa akin kaya napangiti ako kahit na nakapikit.

"Then make love to me." sabi ni ko.

"I would love to, but I don't want to take advantage of you being drunk." sabi ni Xian at hinaplos ang buhok ko.

"Please, I miss you so much, Yvo." sabi ko pa  at unti unting hinalikan ang pisngi niya.

"But promise me, you will not regret this after?" sabi ni Xian.

"I won't, I promise." sabi ko at sinunggaban na ng halik ang mapupulang labi ni Xian.

Xian doesn't hesitate to kiss me hungrily, He kiss my delicious lips af if he don't eat for a thousand years and it is the most delicious food he ever ate, he looks so hungry for this. He keeps on murmuring that misses me so much and making love to me is one of his dream to happen again and now it is happening. He slowly undress me while using his other hand while he is holding my cheeks and pour all of his kisses and caressing my body.

I saw Xian undress himself at kiss all of my body like he is worshipping me. And then after that, ginawa namin ang bagay na hindi na dapat pang ginagawa.

May nangyari sa amin? Sh*t ka Tangerine Amara! Anong ginawa mo?!

Dahan-dahan ko naman inalis ang bisig niya sa baywang ko at unti unting tumayo, ramdam ko ang pagkirot ng ibabang parte ko, talagang may nangyari nga sa amin. Pumasok naman ako sa banyo at napahilamos ng mukha. Hindi ako natutuwa sa mga ginawa ko kagabi lalong-lalo na sa nangyaring ito. Hindi ko dapat ito ginawa, magiging dahilan lang ito para malaman niyang kaya ko pa ring bumigay sa kaniya. Mapatutunayan lang na kayang-kaya niya akong makuha sa paraan na gugustuhin niya. Mapatutunayan lang na malakas pa rin ang epekto niya sa akin na para ba akong isang marupok na gusali na kahit kailan ay maaaring bumigay.

Pagkalabas ko sa banyo ay hindi pa rin bumabangon si Xian, mahimbing pa rin itong natutulog, mabuti naman. Hindi ko siya kayang harapin ngayon. Nagbihis na ako ng office attire ko at pumasok na sa trabaho. Nakakahiya naman kung hindi ako papasok sa kompanya ni Liam. 

"Manong sa Villamonte Group of Companies po." sumakay ako ng taxi, tulala ako habang nakatingin sa bintana.

Dapat talaga ay hindi na ako uminom ng marami kagabi, dapat nag-isip muna ako sa mga bagay na pwedeng mangyari. Tatanga-tanga talaga ako. Ano na lang ang iisipin ni Xian? Na ayos na kami? Na napatawad ko na siya dahil sa mga ginawa ko kagabi? 

Ilang minuto rin ako natulala, mabuti nalang ay sinabi ng driver na nakarating na kami sa kompanya. Kung hindi ay siguro lumagpas na kami at napunta na ako sa lugar na hindi ko alam.

"Salamat po Manong, ito po ang bayad." sabi ko at nagbayad.

Nang makarating ako sa office ay nakita na roon si Liam, napangiti ito ng makita ako. Bumawi naman ako ng ngiti sa kanya kahit na wala pa rin ako sa sarili ko. 

"Mabuti naman at nakapasok ka na, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Liam, tumango na lamang ako sa kanya at tipid na ngumiti. Tinimplahan ko na siya ng kape niya at dumiretso na ako sa trabaho. Nais kong maibaling sa ibang bagay ang atensyon ko lalo na't may nangyaring hindi ko gusto.

Inabala ko ang sarili ko sa paper works, ayoko na munang mag-isip ng kung ano-ano, atsaka ko na ito pro-problemahin kapag nandyan na si Xian, o kung makikita ko pa ba siya lalo na't mukhang nakuha na niya ang gusto niya sa akin.

Kinakausap ko naman si Liam ngunit simple lamang ang mga sinasagot ko, tila naramdaman naman niya na wala ako sa sarili para magkwento, na hindi ako handa sabihin kung ano man ang problema ko.

"Ahmm Sir, may naghahanap po kay Ma'am Tangerine sa baba, hindi ko po muna pinapasok kasi wala naman po siyang appointment." sabi ni Layla na nasa pintuan.

"Sige na, ako na ang baba Liam, dito ka na lang." sabi ko sa kanya at tumango naman ito sa akin.

Sumama naman ako kay Layla sa ground floor, nagtataka naman ako, sino naman ang naghahanap sa akin?

"Anong itsura nung naghahanap sa akin, Layla?" tanong ko sa kanya nang makasakay kami sa elevator.

"Overall po, gwapo ho siya sobra. Bilugan ang mga mata na parang mga modelo sa ibang bansa tapos ang mga labi ay mapula at makapal ang mga kilay. Ma'am Tangerine sino po yun ha?" asar pa sa akin ni Layla.

Bigla naman nagkumabog ang puso ko sa kaba. Hindi kaya? Huwag naman sana.

Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad, malamig ito kaya ikiniskis ko, kinakabahan ako. Parang may ideya na ako kung sino iyon.

Kung siya man iyon, wala naman na siguro akong magagawa pa kung hindi tanggapin at kausapin siya.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang tumunog ang elevator, sensyales na nasa ground floor na kami.

"Nandoon po siya Ma'am sa tabi ni Manong Guard, puntahan mo na lang po." sabi ni Layla at iniwan na ako para bumalik sa trabaho niya.

Hindi nga ako nagkakamali, siya nga ang nandito sa harap ko ngayon. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila palabas ng building. Hindi na ako nakatanggi at pumasok na kami sa kotse niya.

"What's our problem? Is it because of what happened last night? I thought you won't regret it? So why did you leave me in your unit huh? And I will see you here? In Liam's company? You just made me so mad Tangerine. Madly jealous that I want to ravish you again."

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now