Prologue

306 26 0
                                    

Prologue 

"Bes, sure ka na ba diyan? Gusto mo diyan nalang muna ako tumira para may makasama ka." sabi ng bestfriend at pinsan kong si Hannah sa akin. Kausap ko siya ngayon gamit ang video call sa messenger. Alam kong hanggang ngayon ay nag-aalala parin siya sa akin. Pagkatapos ng nangyari? Pagkatapos akong iwang mag-isa ni James at isinama pa niya si Perry. 

Two weeks ago. Pinauwi ako ni Hannah ng maaga galing sa trabaho ko as Manager sa isang fastfood restaurant. Kinabahan ako kasi sa tono ng boses niya at tila parang may nangyari, ayaw naman niyang sabihin kailangan ako raw mismo ang makasaksi. Kaya ginawa ko lahat ng mga reports at tinapos ito ng maaga at nagpaalam ako na maghahalfday ng araw na iyon kasi may emergency sa bahay. 

Pagdating ko, ang dilim ng bahay. Inisip ko, baka hindi na naman siguro nabayaran ni Arkin, yung nakakabata kong kapatid na hindi na bata ngayon dahil ang dami ng chicks, ang bill namin ng kuryente noong isang araw pa, kaya siguro kami naputulan ng ilaw nang kapain ko ang switch malapit sa pintuan at biglang bumukas ang ilaw ay laking gulat ko nang makita ko si James na nakaluhod sa harapan ko, habang hawak-hawak ang isang singsing na gawa sa Diamante. Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Katherine Jane Romualdez. I, James Franco De Asis, promise you, no one will work harder to make you happy or cherish you more than me. I want to share the rest of my life with you. So, I'm asking you, will you marry me?" hindi ko alam pero ang bilis ng mga pangyayari. Lahat sila nag-aantay sa isasagot ko, muli kong pinagmasdan ang lalaking makakasama ko habang buhay kapag sinagot ko siya ng oo. 

"Mahal na mahal kita so, yes!" 

"She said yes!" at saka sila nagsigawan at naghiyawan na para bang nanalo sila sa lotto. Lumapit si James sa akin at isinuot nito ang singsing sa aking daliri at hinalikan ako sa labi't mahigpit na niyakap. 

"I love you very much, honey." 

"I love you more." 

And everyone is congratulating us sa nangyari kanina. And we even tell it already sa aming mga friends. Sobrang saya ng moment na iyon hanggang sa matapos ang gabi. Nagiinuman pa sila Hannah at ilang mga kaibigan ni Arkin sa bakuran at hinatid ko naman sa kotse nito si James, habang bitbit si Perry ang baby namin na pusa. Toka kasi ni James ngayong week na alagaan si Perry, katatapos lang ng one week ni Perry sa akin kaya doon naman siya sa Tatay niya. Sinabihan ko siya na dito nalang matulog sa bahay pero ayaw niya kasi hassle raw sa trabaho niya bukas kinakailangan niyang magising ng maaga kasi mayroon siyang meeting ng alas otso ng umaga. 

Medyo nakainom si James noon kasi itong si Arkin panay ang tagay sa kaniya kapag nakatalikod ako. Pinagbigyan lang din ni James ang kapatid kong makulit. 

Bago kami siya umalis ay muli niya akong hinalikan sa labi at sinabi niya na excited na siya na palitan ang apelyedo ko. Hinampas ko pa siya sa braso niya saka siya tumawa at umalis na silang dalawa ni Perry ng gabing iyon. 

After Three hours, ring ng ring ang phone ko. Nakatulog ako sa sobrang pagod, ako rin kasi ang naglinis ng mga kalat ng mga hinayupak kong kasama dito sa bahay. At nang mapansin ko ay nakakalimang missed calls na pala si James sa akin. Bigla akong kinabahan, kaya napaupo ako sa kama at kinuha ko ang salamin sa mata ko at tinawagan si James pero iba ang sumagot. 

"Kayo ho ba si Miss Kath?" buong boses ng lalaki na kausap ko sa kabilang linya. Hindi na mawala wala ang kaba sa dibdib ko ng minutong iyon at napasagot ako ng oo doon sa lalaki. Maya-maya ay nakarinig ako ng sirena ng police Mobil sa kabilang linya. 

"Mam, i just want to inform you na si Mr. De Asis po ay dead on the spot due to car crash po." sabi pa ng lalaking kausap ko. Natulala ako, Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga ako. Gusto kong sumigaw pero tila para bang walang boses na gustong lumabas ng minutong iyon. Nanghina ang tuhod ko at tila napapansin ko na nanlalabo ang paningin ko, huling naaalala ko bigla akong natumba. 

...
Don't forget to leave comment. Thanks and i hope you enjoy!

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now