Chapter 2

149 11 0
                                    

Chapter 2

Unang gabi ko bilang mag-isa. Hindi ko naiwasang maalala ang lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Sobrang lugmok na lugmok ako. Mabuti nalang at nandiyan ang pamilya ko para alalayan at muli akong iangat. 

Nakatayo ako sa may Veranda ng unit ko pinagmamasdan ang City Lights ng Makati. Nang bigla may narinig akong kaluskos sa aking likuran. Nakapatay kasi ang ilaw ng kwarto ko. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa loob ng kwarto kong iyon. 

Pumasok ako upang tignan kung ano iyong bagay na kumaluskos, hanggang sa buksan ko ang ilaw ng aking kwarto at laking gulat ko na mayroong isang pusa na nakahiga sa aking kama. Kulay itim ang balahino nito, kakulay ng kay Perry. Lumapit ako upang kunin ito at napansin ko na tila mayroon siyang ginagawa sa kama ko. 

At nanlaki ang mga mata ko ng maraming dugo na nagkalat sa ibabaw ng kama ko maging sa sahig ng kwarto ko at nang napatingin ako sa pusang nakahiga doon at busy sa kaniyang kinakain, napansin ko na para bang kahawig niya si Perry. Kinabahan ako at bigla kong naalala na, hindi raw natagpuan ng mga pulis si Perry doon sa lugar ng pinangyarihang askidente. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang balahibo niya ng lumingon siya sa akin. Napatingin ako sa kulay berde niyang mga mata. Saglitan pa akong napatitig sa kaniya ng mapansin ko kung ano ang kaniyang nilalamutak. Tila isa itong mata. Hindi ako nagkakamali. Mata ito ng isang tao. Napaatras ako at Muli kong pinagmasdan ang pusang nasa ibabaw ng aking kama at nakatitig parin ito sa akin, nang biglang mamatay ang ilaw, at pagkalipas ng ilang segundo ay muli itong bumukas. Nawala ang pusa, hanggang maramdam ko sa aking paanan ang malambot na balahibo ng pusang hinahanap ko. Doon na ako nakahinga ng maluwag. 

Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. 

Pagkatapos kong linisan at palitan ang ang bedsheet na hindi ko pa nahihigaan ay kinuha ko si Perry. Oo, naisipan kong pangalanan siya sa nawawala kong pusa na si Perry dahil magkamukha naman sila at naiba lang ay iyon kulay ng kanilang mga mata. Si Perry kasi medyo may pagkagrayish ang kulay ng mata, habang itong pusa na nakaupo sa may sofa ko at para bang nanonood ng palabas sa tv ay kulay berde naman ang kaniyang mga mata. 

Binuhat ko siya at saka ko pinatay ang tv at dumiretso kami sa may banyo. Pinaandar ko ang tubig atsaka kinuha ko rin ang shampoo ni Perry, sabi ko nga may plano rin talaga kasi ako na bumili ng pusa, mabuti at may biglang dumating ang ipinagtataka ko lang e, paanong nakapasok ito sa bahay, at saan niya nakuha iyong mata ng tao na iyon? 

Gamit ang tabo ay sumandok ako ng tubig sa balde at pinaliguan ko si Perry, hindi naman siya nagrereklamo, hindi gaya ni Perry na magaaway muna kami bago siya makaligo at cute na cute talaga ako sa kaniya kapag nababasa siya para bang nagmamakaawa na bilisan ko na ang pagpapaligo sa kaniya. Habang itong isang ito, relax lang at tahimik. 

Pagkatapos ko siyang paliguan at punasan at matiyak na tuyo na siya, ay inilagay ko na siya sa kulungan, pumasok naman siya ng maayos at nilagyan ko ng tubig ang bowl niya baka sakaling mauhaw siya. Saka ko nilock ang kulungan niya. At pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko pagkatapos kong madouble check na nakalock na ang pintuan, naoff na ang gas at napatay na ang ilaw sa Dinning, maging sa kusina at banyo ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko saka ako umupo sa kama ko at mataimtim na nagdasal at pagkatapos ay humiga na ako at mahimbing na natulog. 

Kinaumagahan. 

Nagising ako sa pakiramdam na tila para bang may malagkit na magaspang nabagay ang dumidikit sa aking pisngi nang imulat ko ang aking mga mata ay napalundag ako sa sobrang gulat ng mapansin kong nasa harapan ko na si Perry dahilan para mahulog ako sa may gilid ng kama ko habang hinihimas ang masakit kong puwitan dahil sa aking pagkakahulog. Muli kong pinagmasdan si Perry nakatitig lang ito sa akin saka ko naisip, paano siya nakalabas sa kulungan niya? 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now