Chapter 3

146 11 0
                                    

Chapter 3

Ibinalita ko kaagad kanila Hannah ang tungkol kay Perry at kagaya ko hindi rin sila makapaniwala. 

"Shit bes, kamukha nga ni Perry pero iba lang ang kulay ng mata." sabi ni Hannah sa akin. Magkausap kasi kami gamit ang video call, at ipinakita ko sa kaniya ang pusa na bigla nalang dumating sa loob ng bahay ko. 

"Diba sabi ko sa iyo e." sagot ko habang hinihimas himas ko si Perry. 

"Baka naman may nagmamay-ari niyan diyan, bes?" sa totoo lang, iyon din ang nasa isip ko. Baka nga may ibang nagmamay-ari sa kaniya kaya ipapaalam ko rin sa admin mamaya kung mayroon bang Tenant na mayroong alagang pusa at kung sakaling wala naman talaga at mukhang mabait at harmless naman itong pusa na ito, kukupkupin ko na lang siya. 

"Regarding diyan, mamaya itatanong ko sa admin," sabi ko. Kinamusta niya ako, tinanong niya kung kamusta raw ba ang unang gabi ko sa Condo. Noong una, Gustong-gusto kong umuwi kasi namimiss ko na iyong higaan ko at namimiss ko nang katabi sa pagtulog si Hannah pero tinataggan ko ang loob ko. 

Nakwento ko sa kaniya na may nakilala akong isang lalaki, si Klyde nasa same floor lang kami at magkaharap lang ang unit namin. 

"Cute ba?" tanong ni Hannah. May pagkalandi rin kasi talaga itong bestfriend slash pinsan ko. Muli kong inalala ang mukha ni Klyde. Sa tingin ko ay mga six footer siya, kasi ang tangkad niya talaga tapos, mapayat siya pero may laman naman, mahaba ang buhok na bagay naman sa kaniya. Ang mukha niya para siyang anghel, napaka-amo kaya siguro mabilis din akong napaoo ng magpumilit siyang tulungan ako sa pagaayos ng mga gamit ko. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, kulay cherry ang lips, siguro hindi nagyoyosi, kulay ash gray ang mata. Basta, may itsura siya. 

"Uy, natulala ka na!" sabi ni Hannah sa akin. Hindi ko napansin na hindi pala ako nakasagot kaaga, nang biglang kagatin ni Perry ang hintuturo ko saka siya tumalon palayo sa akin. 

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Hannah sa akin. 

"Kinagat ako ni Perry." sagot ko habang pinapadugo ko iyong daliri ko. 

"Gosh! Pumunta ka kaagad sa hospital or Vet, hindi natin sure kung may turok ba ng anti-rabies iyang si Perry." sabi pa niya sa akin, at iyon na nga ang ginawa ko. Muli kong kinuha si Perry at sumama naman siya sa akin. Ipinasok ko siya sa loob ng kulungan na maliit na handy at lumabas na ako, sakto kasabay kong lumabas si Klyde at napatingin siya sa bitbit ko ng oras na iyon. 

"A-ah? Nga pala si Perry." sabi ko sabay napakunot ang noo niya. 

"Perry? Iyong pusa mo na kasamang namatay ng boyfriend mo sa car crash?" pagtatakang sabi nito sa akin. 

"Hindi! Ano ka ba. Iba iyon, iba rin ito." 

"Kailan ka bumili ng pusa?" tanong niya habang sinisipat niya ang dala-dala kong pusa saka napansin niya ang daliri ko na may bandage.

"Nakagat ka ng pusa?" tila nag-aalalang sabi niya saka siya lumapit sa akin at hinawakan nito ang daliri ko na siyang hinila ko naman kaagad, nawiwirduhan na talaga ako sa kaniya. 

"Oo, kanina at papunta na nga ako sa Vet diyan sa baba gusto mong sumama?" sabi ko sabay tingin niya ng masama sa bitbit kong pusa at muling lumingon sa akin. 

"Ay hindi na. May nakalimutan pala akong gawin sa loob, sige mauna ka na." dali-dali siyang muling tumalikod at pumasok sa loob ng unit niya. Napailing nalang ako at napabuntong hininga saka na ako lumarga. 

Naturukan na ako ng Veterinarian ng anti-rabies at ganoon din si Perry. Pinaka-check up ko na rin siya at okay naman raw ang katawan nito, wala rin raw silang ibang nakikitang sintomas ng sakit o mga parasites sa katawan nito, malusog at masigla raw ang alaga kong pusa. 

Pagbalik ko sa condo ay nakasalubong ko ang si Heidi ang Admin staff na palagi kong nakakausap nitong mga nakaraang araw tungkol sa pag lipat ko nga. Napatingin siya sa dala-dala kong pusa. 

"May record na ba iyang alaga mong pusa?" taas kilay na tanong niya sa akin. 

"Uhm, itatanong ko nga sana kung…" pero she interrupt me habang nagsasalita at sumingit kaagad siya. 

"Ikaw palang ang unang mag-aalaga ng hayup dito." nagtaka ako at napatingin kay Perry, ibig sabihin saan siya galing? 

"Nakikinig ka ba?" napalingon ako sa kaniya nh magtaas siya ng boses. 

"Sorry, anong sabi mo?" 

Inirapan niya lang ako saka siya bumuntong hininga. 

"Ang sabi ko kailangan mo siyang I register sa office para madocument, okay?" sabi niya saka ako tumango. 

Ibang klase talaga siya, hindi ko mawari kung paano siya natatagalan ng mga tao dito. Kung umasta akala mo siya ang nagmamay-ari ng building na ito. 

Pagkatapos kong magfill up ng mga kinakailangan para kay Perry ay umalis na rin kaagad ako sa admin office at muling bumalik sa unit ko, napansin kong nakatayo si Klyde sa harap ng unit niya na tila may inaantay at nang mapansin niya ako bigla siyang nataranta at umayos ng tayo. 

"Inaantay mo ba ako?" tanong ko sa kaniya, muli siyang napatingin kay Perry at napailing nalang ako. 

"Wait lang ah, ipapasok ko lang si Perry at mag-uusap tayo." giit ko pa sa kaniya. 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now