Chapter 6

133 10 0
                                    

Chapter 6

Binuksan kasi ni Klyde ang kaniyang TV ng minutong iyon at nagflash ang isang report tungkol sa isang babae na nasagasaan ng isang truck malapit nga doon sa pinagtatrabahuan kong restaurant. Base pa sa isang babaeng nakakita sa nangyari sa ginang. Mayroon raw pusa na panay ang sunod sa kaniya at panay din naman ang taboy nito sa kaniya, hanggang tila kinagat raw siya nito noong patawid na ito ng kalsada sa kaniyang paa at yumuko upang tignan kung may sugat raw ito, kaso may biglang truck na sumingit sa isang jeep at nahagip nga ito ng truck na iyon. 

Pipi ang ulo ng ginang dahil na rin sa bigat ng gulong ng truck, pero laking gulat nila ng hindi nila natagpuan ang katawan ng pusa. Tinanong pa bg reporter ang saksi kung anong kulay o itsura ng pusa. 

"Kulay itim!" 

Napatingin si Klyde sa akin at ganoon din ako sa kaniya, nang bigla niyang pinatay ang TV at umupo na siya sa harapan ng hapagkainan. 

Kinalma ko ang sarili ko, baka kasi nagoover think lang ako. Hindi pupwedeng si Perry iyon. Ang dami-raming mga pusa sa pilipinas na kulay itim. Saka ako muling tumingin kay Klyde. 

"Hindi ko gusto iyang titig mo. Don't tell me nagpapaniwala ka doon sa balita? Kitang-kita naman na aksidente ang nangyari." sabi ko pa saka na ako sumandok ng pasta na kaniyang ginawa. 

"Ikaw na rin ang nagsabi, nakasagutan mo ang babaeng iyon." 

Napatigil ako sa pagsandok at tinuon ko naman ang pagkuha gamit ng tinidor ang lumpia na niluto niya rin at inilagay ko sa aking plato. 

"Oo, sinabi ko nga pero ano namang kinalaman niya sa akin?" 

"Yung alaga mong…" nainis na ako kaya tumayo na ako sa kinauupan ko at kinuha na ang gamit ko na nakasabit sa may gilid ng upuan at akmang aalis na, tumayo naman si Klyde at hinawakan ako sa braso at muling pinaharap sa kaniya. 

Humingi siya ng tawad. Alam raw nito na masyado na siyang nanghihimasok sa buhay ko pero masyado lang raw talaga siyang nag-aalala sa akin. 

Hinawakan ko ang braso niya at saka dahan-dahan itong tinapik sabay sabing… 

"Klyde, walang mangyayaring masama sa akin, okay? At kung mayroon man, nandiyan ka naman pala iligtas ako, hindi ba?" napansin kong namula ang pisngi niya ng minutong iyon. 

"Pasensya na, mauna na ako." paalis na sana ako ng muli siyang magsalita. 

"Kath, wait!" 

Kaya huminto akong muli at muli siyang sinulyapan saka niya inabot sa akin ang isang tupperware na naglalaman ng mga niluto niya. Napangiti ako nang kunin ko ito, sayang din naman kasi. 

"Pasensya na talaga." sabi pa niya sa akin at timuloy na ako palabas ng unit niya. 

Pagdating ko sa loob ng unit ko ay kaagad kong tinignan si Perry sa loob ng kulungan niya, laking pagtataka ko ng wala siya roon. Sumilip ako sa banyo, baka nagdudumi ulit siya pero wala rin siya doon. Hanggang sa makarinig ako ng tila isang boses na nagsasalita sa loob ng kwarto ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon, at saka ko kinuha ang baseball bat sa gilid ng kusina ko at sumilip sa loob ng kwarto ko. 

Laking gulat ko ng buksa ang laptop ko. Alam ko na iniwan ko itong nakasara, pero kahit na naiwan itong nakabukas. Nag-ootomatikong naglalock naman ito kapag hindi nagagamit. Kaya paano ito nabuksan. Pinakiramdaman ko kung talagang nay tao sa loob pero parang wala naman. Kaya kinapa ko ang switch sa may gilid malapit sa may pintuan ng kwarto ko at binukasan ang ilaw, laking gulat ko nang makita ko na nakaupo sa harapan ng Laptop ko si Perry at tila parang tao na nanonood ng balita?

Oo, balita ang pinapanood niya. Iyong balita tungkol sa pagkamatay ng ginang na nasagasaan sa kalsada kaninang hapon. 

Hindi ko maintindihan pero kinabahan ako. Hindi kaya totoo ang sinasabi ni Klyde? Na may masademonyo itong si Perry? Pero kaagad ko itong iwinaglit ng maramdam ko ang balahibo nito sa aking paanan na tila naglalambing sa akin ng minutong iyon. 

"Katherine, ano bang iniisip mo? Pusa lang iyan! Hindi kayang pumatay ng isang hamak na pusa!" 

Sabi ko pa sa sarili ko saka ko kinuha si Perry at hinimas-himas ko ang balahibo niya at saka ito kinausap. 

"Nagugutom ka na ba?" nang bigla niyabg dinilaan ang pisngi ko. 

"Aww, ang sweet talaga ng Perry ko." kiniliti ko pa siya ng minutong iyon pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto pero bago kami lumabas, muli kong pinagmasdan ang Laptop ko, saka ako napailing. 

Hindi maaari, Katherine! 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now