Chapter 7

141 9 0
                                    

Chapter 7

Lumipas ang mga araw, wala naman akong ibang napapansin kay Perry. Bukod sa masasabi ko na matalinong pusa siya. Dahil, hindi ko naman siya talaga napapractice o natetrain ng maayos dahil busy rin ako sa trabaho at mag-isa lang ako dito sa unit ko. Ang dami na niyang nagagawa. Kaya na niyang magdumi mag-isa, marunong din siyang magflush ng dumi niya. Napipindot niya iyony lagayan ng pagkain niya at nakakalabas siya sa loob ng kulungan niya kahit iniiwan naman itong sarado. 

Oo, napapraning ako noong mga nakaraang araw, dahil sunod-sunod ang mga kakaibang pangyayari simula noong dumating si Perry sa buhay ko. 

Una, iyong pagkamatay ng Admin staff namin dito sa Condo, tapos iyong sumunod naman iyong babae na nagwala sa store. Lahat sila inili-link ni Klyde sa pusa at palagi niyang sinasabi na mayroon raw itong kinalaman sa lahat. Pero sa tuwing tinititigan ko naman si Perry, hindi ko mawari na magagawa ng isang pusa ang ganitong klaseng karumaldumal na bagay. 

Linggo ng hapon ng dumating sina Hannah, Arkin at ilan sa mga kaibigan ko na sina Lance, Ferg at Xander na dati nang nalink sa akin, pero magkaibigan parin kami. Kaso, malakas ang pakiramdam ko na kaya ito sumama dahil sabi ni Hannah na gusto niya raw ulit subukan. 

Binasted ko siya noon dahil kilala ko kasi siya. Magkaklase kami noong highschool at ang dami talaga niyang babae. Siya iyong tipo ng lalaki na hindi makuntento sa isa, palagi siyang may reserba. Tapos, muli kaming nagkita noong reunion namin sa isang birthday ng kaklase namin, nag-usap. Nagkapalitan ng numero, tapos nagsimula na siyang mangulit. Wala pa si James ng mga panahon na iyon at single pa ako. In short, wala pa talaga akong nagiging boyfriend, after ko kasi na mag-aral nagfocus kaagad ako sa pagtatrabaho kasi pangarap ko na umuwi na si Mommy sa ibang bansa at magsama-sama na kami dito sa pilipinas, kaya hindi muna ako nag-entertain ng mga manliligaw pero itong si Xander, masyado siyang makulit at masasabi ko na nahulog din naman ako sa kaniya, kaso nalaman ko na habang nililigawan niya ako ay mayroon pala akong kasabay, isa rin sa mga dati naming kaklase. Salamat kay Hannah at nagising ako at ayun, binasted ko siya. 

Ngayon ko nalang ulit siya makikita. 

Si Hannah ang naghanda ng lahat, well technically sa pagdedecorate lang ng party area namin sa sala siya nakatoka habang ako naman sa mga pagkain namin, habang si bunso. Ay, ayaw na pala niyang tinatawag siyang bunso. Si Arkin naman ang nakahanda sa pagtimpla ng alak namin. Ang galing ng bunso namin no? Halatang party goer, kalasanan ito ni Hannah e! 

Tapos maya-maya ay dumating na sina Ferg, Lance at Xander. Magkakasama silang dumating, si Hannah na ang sumundo sa kanila sa Parking since dala ni Xander ang kotse niya at siya rin daw ang sumundo sa dalawa. Magkasintahan sina Ferg at Lance, mga Bisexual. Ang po-pogi ng mga gago pero, wala e. Love wins! 

Nang makarating na sila sa unit ko ay sobrang saya nila lalo na ni Lance. Isa pa ito, hindi ko akalain na he will end up with a guy pala doon pa sa kaaway namin noong highschool. Puta, nanligaw pa sa akin ito noong second year. Tapos, sila pala ang magkakatuluyan. 

Niyakap ako ng mahigpit ni Lance. Isa siya, kasama ni Hannah. Well, si Hannah ay nakatira sa bahay so technically hindi niya talaga ako iiwanan. Pero si Lance, nandiyan siya at hindi niya rin ako iniwanan noong nagluluksa ako kay James. Sobrang thankful ko na nagkaroon ako ng kaibigan katulad nila. 

"Okay ka na ba?" tanong ni Lance sa akin. Biglang sumingit si Hannah sa gitna at sinabi niya na bawal ang negativity, positive lang raw dapat! Tinaasan lang siya ng kilay ni Lance saka na ito umupo sa couch. Doon naman lumapit si Xander at mayroon itong inabot na maliit na paper bag. 

"Para saan?" 

"Wala." mabilis na sagot niya. 

Tinitigan ko siya ng masama. 

"Okay fine! Advance birthday gift, pwede na ba?" next month kasi birth month ko na, naalala pa pala niya? 

"Fine, pero hindi mo naman ako kailangang regaluhan." sabi ko sabay tapik ko sa braso niya ng bigla siya mapatalon ng minutong iyon. 

"Bakit?" pag-aalalang tanong ko. 

"Kinagat ata ako ng pusa mo." sabi ni Xander sabay tinignan ko ang paa niya, mayroon itong sugat sa hinliliit. Kinagat nga siya ni Perry, pero baka naman kasi natapakan niya ang buntot nito, hindi kaya? 

The Killer Cat (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon