Chapter 9

146 11 0
                                    

Chapter 9

Bago ako nagresearch tungkol kay Klyde. Sinubukan ko munang humanap ng ibang paraan. Katulad nalang ng sinabi niya tungkol sa The Killer Cat. At base sa nakalap kong impormasyon. Mayroon raw isang nakaligtas sa dami ng mga napatay di umano ng sinasabi nilang Killer Cat. At nakuha ko ang impormasyon nito. Trinay kong hanapin ang pangalan niya sa facebook at mayroong isang lumabas na profile. Tinigna ko ito at naghanap ng clue na maaari kong makuha para malaman kung saan ko siya makikita. At napansin ko na ilan sa mga litrato niya ay palagi siyang nasa simbahan, sa St. James sa may batangas. 

Kaya nag-ayos na kaagad ako ng sarili ko at bumiyahe ako papunta sa lugar na iyon. Pagkalipas ng tatlong oras ay nakarating na rin ako sa simabahan ng St. James dito sa may bayan ng San Pascual sa Batangas. 

Pinagtanong-tanong ko ang hawak kong litrato ng isang babae sa mga nagtitinda sa labas ng simbahan. Sabi nila hindi raw nila kilala, hanggang sa may nakasalubong akong isang ginang na lumabas mula sa simbahan tinanong ko siya kung pamilyar ba siya sa babaeng nasa litrato. Nanlaki ang mga mata niya at saka napatingin sa akin. 

"Si Thelma!" 

Mukhang nasa tamang lugar nga ako. Isinama ako ng ginang sa bahay nila Thelma. Siya pa mismo ang kumatok sa bahay nito. Nang bumukas ang pintuan ay iniluwa nito ang isang dalaga. Siya nga! Siya nga ang babaeng hinahanap ko. 

"Ikaw si Thelma?" kumunot ang noo niya. Tila nagtataka na siya ng minutong iyon kung sino ako sa buhay niya. 

Saka ako nagpakilala. 

"Ako nga pala si Katherine, taga maynila ako." 

Tumingin siya sa paligid. 

"Pasok." hindi na sumama ang ginang na naghatid sa akin. Aabutan ko sana siya ng pera pero hindi niya ito tinanggap saka na siya umalis ng minutong iyon habang ako ay pumasok sa munting tahanan nila Thelma. 

Pinaupo niya ako sa kahon na upuan. Simple lang ang bahay nila Thelma. Typical na bahay ng mga taga probinsiya. Malamig din ang simoy sa loob ng bahay nila dahil na rin sa maraming bintana at hindi na nila kinakailangan buksan ang ilaw dahil tumatagos ang liwanag ng araw sa labas sa loob ng kanilang tahanan. 

Pagbalik ni Thelma ay mayroon na itong bitbit na biscuit at juice. Nakakahiya, pinagsilbihan pa niya ako. Pero hindi naman ako nauuhaw o nagugutom. Kailangan ko ng kasagutan.

Saka siya umupo sa harapan ko. 

"Thelma," 

"Alam ko kung bakit ka nandito." sabi niya sa akin. 

Na siyang ipinagtaka ko. 

"Tungkol ito sa Mamamatay tao na iyon, ano?" tumango ako. At napansin ko na biglang nanginig ang katawan ni Thelma. 

Isang taon na ang nakakalipas pero hindi parin mawala-wala sa kaniya ang takot na iyon. 

Kiniwento ni Thelma sa akin ang lahat ng nangyari. Mayroon raw na taga maynila ang nagbakasyon sa kanilang lugar. Hitik kasi sa magagandang tanawin at dagat ang kanilang bayan kaya marami ang turista na pumupunta rito. 

Isa raw siyang photographer. Hindi naman siya naghinala kasi mabait naman raw ito noong una. Palagi pa nga raw nito inuubos ang kaniyang mga paninda, kapalit ng pagkuha sa kaniya nito ng litrato.

Hanggang sa napalapit na ang loob ni Thelma sa lalaking iyon. Nang isang hapon, may dumaan na pusang itim. Nagtaka raw siya ng bigla raw itong tumalon at tila takot na takot sa maliit na kuting na iyon. Kinuha pa nga raw niya ang kuting at ipinakita na harmless naman ito. Pero ramdam raw niya na takot na takot ito sa hawak niyang pusa. Kaya binitawan na niya ito. 

Tapos bigla siyang nagkwento. 

Tungkol sa dahilan kung bakit siya takot sa pusa. Sinasabi nito na ang mga pusa raw ay kampon ng mga demonyo. Kaya raw nilang magpalit ng anyo sa kung ano ang gusto nila pero mas ninanais raw nila na maging pusa kasi alam raw ng mga tao na harmless ang mga katulad nila, at doon sila magsisimulang manghasik ng lagim. 

Pinatay raw ng isang pusa ang buong pamilya niya. 

Bigla kong naalala ang sinabi ni Klyde. Saka ako napailing at muli kong pinakinggan ang kwento ni Thelma. 

Ayaw raw niyang maniwala sa kwento nito, iniisip kasi ni Thelma na baka may ibang dahilan kaya nangyari iyon o kaya coincidence lang raw iyon pero nagsunod-sunod ang mga patayan sa kanilang lugar. Patayan sa mga taong kumakaaway raw sa kaniya. At lahat raw ng mga ito ay may kinalaman sa pusang itim na may berdeng mga mata. 

Bigla kong naalala si Perry. Lahat ng mga nangyayari kay Thelma ay nangyari sa akin. 

Mabilis na kumalat ang balita sa kanilang lugar tungkol sa nangyayari kay Thelma at sa mga taong kumakalaban sa kaniya. Kaya, sinasabi ng mga tao na may sa demonyo siya. Na siya raw ang dahilan kung bakit namatay ang mga taong iyon. Na aswang raw siya. Pero ipinaglaban ni Thelma ang kaniyang sarili. To the point na itinali na siya ng mga kababayan niya para lang maniwala ang mga ito na wala siyang kinalaman. 

Nang gabi na iyon, isa-isa namatay ang mga taong nagbabantay sa kaniya at sa kaniyang pagtataka, ang daming mga itim na pusa ang pumalibot sa kaniya. 

"So, totoo na ang mga pusa ang pumapatay?" tanong ko kay Thelma habang hawak-hawak ko ang kanang kamay niya. Narinig ko pa siyang huminga ng malalim saka sumagot. 

"Hindi." na kinalaki ng mga mata ko. 

"A-ah?" 

"Kundi si Klyde." sagot niya. Sa buong kwento niya, hindi naman niya binanggit ang pangalan ng lalaki. Kaya ganoon nalang ang pagkagulat ko ng marinig ko ang isang pamilyar na pangalan. 

Si Klyde? 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now