Chapter 4

145 8 0
                                    

Chapter 4

Sa isang coffee shop malapit lang din sa condo unit namin napili ni Klyde na mag-usap kaming dalawa, pagkadating ng order namin ay kaagad ko na siyang kinompronta tungkol sa alaga kong pusa na si Perry. 

"May problema ka ba sa alaga kong pusa na si Perry?" diretso kong tanong kay Klyde. 

Tumingin muna sa paligid si Klyde at napatingin din ako, busy sa pag-uusap ang tatlong customers sa gilid namin, habang iyong nasa harapan naman namin ay sweet sa isa't isa hanggang sa magtagpo ang panginin naming dalawa. Siya ang unang umiwas at nagsalita. 

"Sorry, uhm iba lang kasi ang pakiramdam ko sa alaga mo." tila nahihiya niyang sabi sa akin. 

"Anong sinasabi mo?" naguguluhan ako sa nais niyang sabihin. Muli siyang tumingin sa akin at saka humigop siya ng mainit na kape halatang nanginginig siya at tila natatakot, kaya hinawakan ko ang kamay niya at doon na siya kumalma kahit papaano. 

"Take it easy okay? Ano iyong gusto mong sabihin?" 

"Pakiramdam ko may ibang espiritu na nagmamay-ari sa katawan ng pusa na iyon." paliwanag pa ni Klyde sa akin. Natawa ako. Sobra akong natawa sa narinig ko sa kaniya. Isang may itsurang lalaki, matangkad at mukhang mayaman nagpapaniwala sa ganoong bagay? 

Napalingon ako sa kaniya at tila para bang naiinis siya sa naging reaksyon ko, napatingin na rin kasi ang mga tao sa paligid namin at doon na ako huminga ng malalim at kinalma ang sarili ko. 

"Look, I'm sorry if natawa ako. Nakakatawa naman kasi talaga e. Alam mo, ang galing mo ngayon nalang ulit ako natawa ng ganito." sabi ko pa sa kaniya pero seryoso parin ang mukha niya. 

"Uy, nagsorry na ako. Isn't that enough?" sabay tapik ko pa sa braso niya pero mukhang nagtatampo parin siya sa akin ng minutong iyon. 

"Okay, fine. I'm so sorry if i offended you. Kung tumawa man ako ng ganoon kalakas, okay? Pero ang pag-isipan ng ganoon ang isang hamak na pusa." 

"Seryoso ako, Kath." sabi pa niya sa akin. 

"Let me ask you something personal," umiwas siya ng tingin sa akin. 

"Noong bata ka ba, may nangyari bang masama sa iyo na gawa ng isang pusa?" sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay bigla nalang siyang tumayo at lumabas ng coffee shop, iniwan niya akong mag-isa doon. Lumapit ang isang staff at saka ako nagbayad ng bill namin saka ko siya sinundan pero sa tingin ko nakapasok na siya. Napailing nalang ako at napabuntong hininga ng malalim. Pakiramdam ko talaga, may phobia siya sa pusa kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya ng itanong ko iyon. 

Pumilas ako ng maliit na papel at isinulat ko ang number ko doon saka ko isinuksok sa pintuan ng unit ni Klyde at muli na akong bumalik sa loob ng unit ko. 

Habang nagdidiner ng niluto kong adobong manok ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang unregistered number ang tumatawag. Kaagad na pumasok sa isip ko si Klyde gawa ng iniwan ko ang number ko sa harapan ng pintuan niya, sinagot ko ito at hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko, si Klyde nga. 

Inamin sa akin ni Klyde na mamatay ang buong pamilya niya dahil sa kagagawan raw ng isang pusa. Isang Killer Cat. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang kasi seryoso siya sa pagkukwento. 

Regalo raw ng kaniyang Ama ang isang pusa sa kaniyang ikapitong taong kaarawan. May sakit kasi na asthma si Klyde ng mga panahon na iyon kaya hindi siya pinapayagan ng kaniyang Ama na magkaroon ito ng alagang pusa o aso pero nangako ito na kapag sumapit amg ika pitong taong kaarawan nito ay pagbibigyan na siya, pero trahedya raw ang nangyari pagkalipas lang ng isang araw. 

Naabutan nalang ni Klyde ang kaniyang mga magulang na wala ng buhay at puno ng kalmot at wala ng lamang loob nito pagdating niya galing sa eskwelahan. Mula noon, natrauma na siya sa mga pusa. Bagamat wala raw basehan na ang pusa ang may gawa nito, baka raw mabangis na hayup dahil sa probinsiya sila nakatira at malapit sa kakahuyan. 

At simula nga noon naging ulila na siya. Pinagpasa-pasahan siya ng mga kamag-anak niya, mabuti nalang at isa sa mga kapatid ng Ina niya ang nag-iisang nagtiyaga sa kaniya at tinuring siyang anak nito at nagpaaral at nakapagtapos siya ng maayos at nakahanap ng maayos na trabaho bilang isang freelance artist. 

Pagkatapos niyang magkwento ay muli akong humingi ng patawad sa naging reaksyon ko, hindi dapat ako naging ganoon kasensitibo lalo na at may malalim pala siyang pinaghuhugutan kaya ganoon nalang ang reaksyon niya sa tuwing nakakakita siya ng mga pusa. 

Pero sinabi ko naman sa kaniya na dati na akong nagaalaga ng pusa at ipinapangako ko sa kaniya na mag-iingat ako kung sakaling totoo man ang sinasabi niya. 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now