Chapter 10

151 11 0
                                    

Chapter 10

"Siya ang pumapatay. Siya ang pumatay sa mga kapitbahay ko at Kitang-kita ng mga mata ko ang mga nangyari." ramdam ko sa boses niya ng minutong iyon ang takot. 

"Hanggang sa pati ako, ninais na rin niyang paslangin." 

Akala raw talaga niya hindi na siya mabubuhay ng gabing iyon. Sa madilim na kakahuyan siya tumakbo noong binigyan siya ng tyansa ni Klyde na tumakas pero nahabol parin siya nito. 

Walang awa raw siyang binugbog nito at ginahasa. Tapos pinagsasaksak. Ang dami na raw na dugo ang nawala sa kaniya at maski ang ulirat niya ay nawala na rin. Akala talaga niya patay na siya hanggang sa muli niyang idilat ang mga mata niya at naramdaman niyang may papalapit na tao. 

Tinignan niya ito ng maigi, kahit hirap na hirap na siya dahil naghalo na ang pawis, putik at dugo sa kaniyang mga mata kaya nahihirapan siyang maaninag ang taong paparating. Iniisip pa niya na baka balikan siya ni Klyde kaya sinigurado muna niyang hindi ito iyon.

Nang makita na niya na may kasama itong ginang doon na siya humingi ng tulong. Kahit hirap na hirap at tila para bang walang hangin o tunog na lumalabas sa kaniyang bibig ay naglakas loob parin siya. Gusto pa niyang mabuhay, marami pa siyang gustong gawin at masyado pa siyang bata para mamatay lang kaya kahit halos maubusan na siya ng dugo ay pilit parin siyang gumapang hanggang sa lumingon ang mga taong iyon at nagulat nang makita nila ito, tapos kaagad siyang tinulungan ng mga ito at dinala sa malapit na ospital at heto na nga siya muli niyang inaayos ang kaniyang nasirang buhay. 

Niyakap ko siya ng mahigpit kasi umiiyak na siya ng husto. Mahirap na sa isang katulad niya na magkwento ng ganoong karanasan kaya laking pasasalamat ko na nagtiwala siya sa akin. 

Muli siyang nabuhay at hindi raw alam ni Klyde na buhay siya. Kasi lumipat na ito ng ibang bayan. At wala siyang ibang pinagsabihan tungkol sa nangyari. Maski ang mga pulis na nag imbestiga sa nangyaring mga pagpatay sa lugar na iyon walang nakuhang matinong ebidensiya. Lahat ipinipukol nila kay Thelma at sa pagiging satanista raw nito o aswang na hindi naman tinatanggap ng batas. 

Maski si Thelma, hindi niya sinabi sa pulis na kilala niya ang gumawa ng kahalayan sa kaniya at iyong mga pumatay sa kaniyang mga kapitbahay. Tikom ang kaniyang bibig, dahil natatakot siya na baka balikan siya ni Klyde. 

Pero ipinangako ko sa kaniya na makakamtan niya rin ang hustisya na matagal na niyang inaasam. 

Sapat na ang mga nalaman ko tungkol kay Klyde. Ang tanong nalang paano ko mapapaamin o mahuhuli sa akto itong si Klyde? At paano niya nagagawa ang lahat ng mga karumaldumal na bagay na iyon? 

Pagbalik ko sa unit ay nakasalubong ko siya sa elevelator. 

"Kath?" 

"K-Klyde?" nanginig ang boses ko. 

"Uhm, saan ka galing?" tanong niya sa akin. 

Napalunok ako ng laway. Kumalma ka, Katherine. Kaya mo iyan. Huwag kang mapahalata. Kaya nginitian ko siya at sinabi ko na kung may gagawin ba siya mamaya? 

"Uhm, wala naman. Bakit?" 

"Dinner tayo," sabi ko sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya, umabot sa tenga. 

"Talaga?" tila excited na sabi niya. 

"Oo, kaso okay lang ba kung sa unit mo?" kumunot ang noo niya. 

"S-sa unit ko?" Natatarantang sabi niya. Saka ako lumapit at bumulong sa tenga niya na dahilan ng pagtaas ng balahibo niya ng oras na iyon. 

"Okay lang ba?" sabi ko in a sexy way. 

"S-sure!" sagot niya saka siya umiwas at kaagad na pinindot ang button ng elevator at umiwas na tumingin sa akin. 

"Okay then, see you later." sabi ko pa tapos kindat sa kaniya. 

Saka na ako naglakad palayo sa kaniya at papunta sa unit ko. 

Pagpasok ko ay kaagad ko itong nilock. Tinignan ko ang loob ng aking unit at baka mayroon siyang inilagay na cctv o ano mang gadget kaya nagkakaroon ako ng iba't ibang mga bagay na nangyayari sa aking unit. Naglagay din ako ng bagong padlock at sinarado ko ang lahat ng mga bintana maging sa Veranda nilock ko. 

Hanggang sa may mapansin ako na nagbiblink sa may taas ng closet ko. Kulay pula na maliit na ilaw. Lumapit ako at tinitigan ito ng husto at hindi nga ako nagkakamali sa aking hinala. Isa ngang maliit na camera. Kinuha ko ito at saka ko tinapakan. Dinurog ko ito ng husto. 

Saka ko tinawagan si Hannah. 

Matatapos na rin ang kahibangan mo, Klyde. 

Matatapos na, tandaan mo iyan! 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now