Chapter 8

134 10 0
                                    

Chapter 8

Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko. Ang ambulansyang narinig ko kanina ay patungo doon sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Bumangga sa isang poster ng ilaw ang kotse ni Xander. 

Initial na imbestigasyon ng mga pulis ay Driving under the influence of alcohol ang nangyaring aksidente kay Xander pero isa sa napansin ko sa kaniya nang makita ko ang wala ng buhay na katawan niya ay ang kalmot sa mukha niya. 

Kaagad naming pinaalam sa mga magulang ni Xander ang nangyari sa kaniya. Si Hannah na ang kumausap sa kanila kasi tulala parin ak9 ng oras na iyon. Sising-sisi ako na hinayaan ko siyang umalis habang nakainom. 

"Kath, hindi mo kasalanan okay?" sabi pa ni Lance sa aking habang pinapakalma niya ako. 

Tapos lumapit na si Hannah sa amin at sinabing papunta na raw ang mga kapatid ni Xander, hindi pa raw nila sinasabi sa kanilang magulang lalo na sa kanilang Mommy kasi baka raw atakihin rin ito sa puso. Nasa ospital kasi ang kanilang Daddy at nag-a-undergo ng heart transplant ngayon mga oras na ito. 

Naalala ko si Perry. Lumapit ako sa pulis na nag-iimbestiga. Tinanong ko kung may nakita ba silang pusa sa loob ng kotse. Sabi nila wala naman raw. Tapos muli kong tinignan ang text ni Xander sa akin. 

Xander: Kath, iyong pusa mo nandito sa kotse ko.

Kaya siya bumalik dahil nasa loob ng kotse niya si Perry. Pero, bakit walang nakita ang mga pulis? 

Tinawagan ko si Arkin at tinanong ko kung nandoon ba si Perry. Kaagad naman niya akong sinagot. Sabi niya mahimbing raw itong natutulog sa loob ng kulungan niya. 

Napakunot ang noo ko. Papaanong nangyari iyon? E, halos hindi na ako magkanda-ugaga kakahanap sa kaniya kanina. Hinanap ko na siya sa bawat sulok ng bahay, maging sa building at sa labas wala siya tapos sasabihin ni Arkin na mahimbing itong natutulog sa kulungan niya. 

"Bes, okay ka lang?" napapansin na kasi ni Hannah na parang natataranta na ako. Kaya huminga ako ng malalim at saka ko siya hinarap. 

"Okay lang ako, babalik na ako sa unit ko ah. Kayo na munang bahala diyan." sabi ko sa kanila tapos bumalik ako sa building. Sumakay ng elevator at paglabas ko Nakasalubong ko si Klyde. 

Nagkatitigan kami tapos bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko na naiwasang hindi maiyak ng minutong iyon. Maya-maya ay naramdaman ko ang palad niya hinihimas ang likuran ko. 

"It's okay, iiyak mo lang iyan." sabi pa niya sa akin. 

"Klyde, may isa na namang namatay dahil sa akin." sabi ko habang humahagulgol ako sa dibdib niya. 

"Sshhh. Huwag mong sisihin ang sarili mo, okay? Wala kang kasalanan." 

"Klyde, siguro tama ka." 

"Ah?" 

"Tama ka. Baka nga malasa-demonyo si Perry."

"Akala ko ba, H-hindi ka naniniwala?" nauutal na sabi ni Klyde sa akin. 

"Ewan. Hindi ko na maintindihan." naguguluhang sabi ko sa kaniya. 

"Umuwi ka na muna at magpahinga, alam kong napagod ka sa araw na ito, okay?" giit pa ni Klyde sa akin. Tapos muli ko siyang niyakap tapos, napansin ko ang galos sa siko niya. 

Tapos kaagad naman niyang ibinaba ang sleeve ng suot niyang hoodie. Tapos tumingin ako sa kaniya at ngumiti siya ng kaunti. 

Pagdating ko sa unit sinalubong ako ng kapatid ko, niyakap niya ako ng mahigpit at saka ko tinapik ang balikat niya at sinabing okay lang ako. Tinignan ko si Perry sa kulungan nito, busy siya sa pagdila sa bowl na nilagyan ni Arkin ng gatas tapos nang maramdaman niya siguro na nandito na ako tumingin siya sa akin. At dinilaab niya ang kamay niya at nagkamot sa gilid ng tenga niya. 

Pag-upo ko sa kama ko, hindi parin maalis-alis sa aking isipan ang mga nangyari. Ayaw kong isipin na kagagawan ito ng isang pusa. 

Papaano magagawa ng isang maliit na nilalang na iyon ang pumatay ng tao? Pero, sa mga nangyayari sa ngayon, gustong-gusto ko nang maniwala. 

Pero may bagay na nagbigay sa akin ng suspetiya kay Klyde. 

Sino ka nga ba talaga Klyde? 

The Killer Cat (Completed) Where stories live. Discover now