Chapter 1

206 15 0
                                    

Chapter 1 

"Nag-aalala lang naman kami sa iyo, alam mo naman na fresh pa iyong mga nangyari." ramdam ko naman na hanggang ngayon ay nag-aalala parin sila sa akin. Maski ang Mommy ko na nasa Netherlands nagsabi na huwag muna raw akong bumukod kasi baka raw kung ano ang gawin ko sa sarili ko. Pero, alam ko kasi na magagalit si James kapag sinaktan ko ang sarili ko. Hindi niya ikakatuwa kapag nalaman niya na may ginawa ako sa sarili ko kaya ipinangako ko sa kanila at maging sa sarili ko na hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko. 

"Bes, hindi ba napag-usapan na natin ito?" kalmadong sabi ko pa sa kaniya habang inaayos ko ang gamit ko sa loob ng unit na binili ko few years ago. Dito sana namin balak tumira ni James pero wala na siya. Iniwan na niya akong mag-isa. 

"Alam ko naman, pero hindi mo kami masisisi na mag-alala sa iyo."

"Bes, okay na ako. Kaya ko ito, okay? Trust me." 

"Naniniwala naman ako, hays. Basta, tawagan mo ako kaagad kapag nararamdaman mong malungkot ka ah," pinilit kong hindi maiyak kaya kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko saka ko sinabi sa kaniya na marami pa akong gagawin at ibinaba ko na ang phone ko nang mapatalon ako sa sobrang gulat ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng pintuan ng condo unit ko. 

"I'm sorry if i scared you, by the way i'm Klyde. Bago lang din ako dito, kahapon lang ako nakalipat. Uhm, diyan lang ako sa harap ng unit mo." sabi pa niya sabay turo pa niya sa unit niya sa harapan ng unit ko. 

"A-ah hehe." nakipagkamay siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. 

"Uhm, you need help?" tanong pa niya sabay sipat niya sa makalat kong mga gamit. Kasi naman iyong mga manong na nag-akyat dito basta-basta nalang kinalat sa sahig iyong mga gamit ko. 

"A-ah, huwag na. Okay lang, kaya ko naman ito." sabi ko pero nagpumilit siya. 

"Please, wala kasi akong magawa at bored na ako sa kwarto ko then i heard na may mga nagbubuhat ng mga gamit at…" muli siyang tumingin sa gamit ko, sinisipat isa-isa ang mga gamit ko at bigla siyang napailing. 

"Baka abutin ka pa ng dalawang araw sa pag-aayos mo ng gamit." napakunot ako ng noo sa narinig ko sa kaniya. 

"Ang Oa mo naman, dalawang araw talaga?" 

"Hmmm feeling ko, three days kung hindi pa natin sisimulan. Saan ko ba ilalagay ito?" saka siya lumapit doon sa may aparador. Napailing nalang ako at napangiti. 

"Wala akong pambayad sa iyo ah." ngumiti lang din siya pabalik sa akin at sinimulan na naming pagtulungan iyong pagaayos ng mga gamit ko. 

Sa sobrang pagod ay kapwa kaming dalawa napahiga sa kama. I mean, nakasandal ang likuran namin sa gilid ng kama at ang ulo namin ay nakahiga sa kama sa sobrang pagod. Sabay pa naming hinahabol ang hininga ng bawat isa, hanggang sa narinig kong tumunog ng malakas ang tiyan ko. Tumayo ako at tinanong siya kung nagugutom siya. 

"Hmmm sige, treat ko!" 

"No! Ako na. Nakakahiya naman masyado kung ikaw pa ang manlilibre, besides ikaw pa itong naistorbo ko." 

"It's my pleasure to help someone like you." seryosong sabi niya sabay titig pa nito sa aking mga mata. Kinilabutan ako sa tono ng boses niya kaya nginitian ko nalang siya at lumabas na kami ng kwarto. 

Maya-maya ay dumating na ang inorder namin. May malapit na fast food sa Condo Unit namin sa baba at hindi ko pa alam ito si Klyde lang ang nagturo sa akin. 

"Let's eat." sabi ko saka na kami nagsimulang kumaing dalawa. 

Burger, fries and cokezero na regular ang inorder ko habang siya naman ay halatang nagutom sa pagtulong sa akin kanina, kaya ng 2pcs chicken siya at large coke with extra rice. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang kumakain. 

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin." sabi niya sa akin. Umiwas kaagad ako ng tingin at limingon sa ibang lugar. 

"A-ah? Anong sinasabi mo?" 

"Kanina ka pa nakatitig sa akin. I know that I'm attractive," pacute pa niyang sabi sa harap ko saka siya kumindat sa akin. 

"Seryoso ka?" saka ako tumawa ng malakas. 

"Ouch! Ang sakit naman noon." 

"I'm sorry, you just remind me of someone." 

"Hmmm ex?" 

Hindi kaagad ako nakasagot. 

"So, Ex nga. Boyfriend or Girlfriend?" 

Hinampas ko siya sa braso. 

"Aray! Malay ko ba?" 

"Abnormal ka! Mukha ba akong bisexual?" inis na natatawang sabi ko. 

"Ewan, malay ko! Hahaha. E, ngayon palang tayo nagkakilala e." natatawang sagot niya sa akin. 

"Biro lang." sabi ko sa kaniya. 

"So, ano nga?" Interesado pala talaga siyang malaman? Wala na akong naging choice kundi sagutin ang tanong niya. 

"Ex Boyfriend." sagot ko. 

Hindi nakakibo si Klyde, nakatitig lang siya sa akin. 

"He passed away two weeks ago." malungkot na sabi ko saka ako kumuha ng fries at dinip ito sa ketchup na nakalagay sa one ounce cup. 

"I'm sorry to hear that," sagot niya sa akin. 

"It's okay, kaya nga ako lumipat dito para makalimot at makamove on na rin." sagot ko naman sa kaniya. 

Bigla niyang sinabi na baguhin nalang raw namin ang topic namin at napunta kami sa usapan tungkol sa kung ano ang paborito kong hayup.

"Pusa." napansin kong tila kinilabutan siya sa nasabi ko. 

"O-okay ka lang?" pagaalala kong tanong sa kaniya. 

"Uhm, okay lang. Talaga, pusa ang paborito mo?" tanong niya na halatang uneasy siya at para bang ayaw niyang pagusapan ito. 

"Oo, sa totoo nga may baby kami ng boyfriend kong si James, Perry ang pangalan ipinangalan ni James sa kaniya. Regalo niya sa akin three months ago. Mahal na mahal namin si Perry kaya nga pati gamit niya dinala ko sa unit ko incase na maisipan kong bumili at mag-alaga ng pusa muli."

"Gusto mong mag-alaga ng pusa ulit?" 

"Oo, siyempre malungkot naman, lalo na at mag-isa lang ako sa loob ng unit ko, baka mabaliw na ako niyan." saka ako tumawa ngumiti rin si Klyde tapos tumingin siya sa may gilid  na tila may iniisip ito. 

The Killer Cat (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon